Episode 14.3

3.2K 69 4
                                    

XXXX

CHARLIE's POV (pa rin.. xD)

Pagbalik ko sa bahay, naabutan ko pa rin sila sa dating pwesto, pero this time, wala ng pagkaing nakahain. Mga baso at wine na lang ang nasa hapag. At ngayon, wala na yung nakakabinging katahimikan. Kanya-kanya na ng kwentuhan ang lahat.

Takte, anong nangyayare?

Lumapit ako kay Lolo. Kailangan naming mag-usap.

"Bakit ngayon ka lang? And where is Kelly?" tanong niya sa'kin. Bat parang may kakaiba sa tono niya. Hindi ung usual na tila laging galit.

"Ha? Nagpahatid na po siya. Bakit Lo?"

Hinihintay niya kami ni Kelly na bumalik? Hmm.

"Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa'kin? Ang batang yon talaga." sabi ni Lolo na tila nagtatampo pa.

Anak ng siomai naman o, naguguluhan na ako ah. Kanina lang eh galit na galit siya kay Kelly, tapos ngayon, hinahanap niya naman. :/

"You know what, I like her." maya-maya ay nakangiting sabi ni Lolo.

Eh? He likes her? O_o

Napahinto tuloy sa pagkukwentuhan ang mga tito at tita ko dahil sa sinabi ni Lolo. Bat ba kasi biglang nag-iba ang ihip ng hangin?

"Magaling kang pipili ah. Sana bukas dalhin mo sa bahay si Kelly." sabi na naman ni Lolo.

"Dadalhin ko sa bahay n'yo? Bakit Lo?" naguguluhang tanong ko.

"Gusto ko siyang makakwentuhan." nakangiti pa rin si Lolo.

"Gusto n'yong ano, Pa?" hindi na rin napigilan ni Mama na magtanong.

"Makakwentuhan. Gusto ko talaga ang batang iyon."

"Gusto n'yo? Eh kanina lang halos pumutok yang ugat n'yo sa leeg sa sobrang galit nung kausap n'yo siya? Bat bigla yatang ngayon, gusto n'yo na siya?" paglilinaw ko. Tumawa si Lolo.

"Buhat ng binigay sa'kin ng Lola mo ang bola na'to, kahit isa sa inyo wala pang nakakasalo. Pero siya, ang galing niya kanina. Nakita n'yo ba kung paano niya sinalo yung bola? Kahanga-hanga!" masayang kwento ni Lolo.

Aba, akalain mo nga naman. Dahil lang sa pagkakasalo ng bola, nag-iba ang ihip ng hangin. :)

"Ibig sabihin ba nyan, Lolo, okay na kami ni Kelly sa'yo?" tanong ko ulit.

"Of course! Tanga ka na lang kapag pinakawalan mo pa si Kelly." sagot ni Lolo.

Napangiti akong bigla. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at kinontak si Kelly.

"Excuse me, Lo. May importanteng tao lang akong tatawagan." masayang paalam ko.

"Go ahead." makahulugan ang ngiting sagot ni Lolo.

XXXXX

KELLY's POV

Nakahiga ako at seryosong nag-iisip kaya naman nagulat pa ako ng magring ang cellphone ko.

Charlie calling...

Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Hi babe!" masiglang bungad niya agad sa'kin. Tsss! Anong problema ng mokong na'to? Bat parang ang saya pa niya? >.<

"Babe? Ano ako, baboy? Psh. Ano bang kailangan mo?" naiinis na tanong ko. Problemado ako, tapos siya ang saya-saya. Amp. :/

"Naks, back to normal na ang Kelly ko. Nagtataray na. Haha!" tumatawang sabi ni Charlie. Tsk, pang-asar talaga.

"Ano ba kasing kailangan mo?" ulit ko sa tanong.

"Eh kasi babe, gusto ni Lolo na bisitahin natin siya sa kanila bukas ng hapon, after ng klase natin." sagot niya.

Ano daw? Yung Lolo niya? Amp. Ayoko nga!

"Mag-isa ka! Ayoko ng maka-usap yung Lolo mo, mag-aaway na naman kami. >.<"

"Relax lang, Kelly. Nagbago na si Lolo. Hindi na kayo mag-aaway, promise."

"Nagbago? Agad-agad? Wag mo nga akong pinaglololoko." -.-

Narinig kong tumawa na naman si Charlie.

"Totoo. Kahit ako hindi makapaniwala kanina eh. Pero nung pagbalik ko, pagkatapos kitang maihatid, biglang nag-iba na yung mood niya. Hinahanap ka pa nga kanina eh." kwento ni Charlie.

Hindi ko alam kung nakatira lang ba siya ng katol o totoo talaga yung sinasabi niya. Eh imposible naman talaga, diba? Tsk.

"Paano nangyaring nag-iba? Niloloko mo ba ako, Charlie? Tsss!" singhal ko.

"Kelly naman. Totoo yung sinasabi ko. Kasi diba naikwento ko yung tungkol sa bola, ni isa wala pang nakakasalo nun. Ikaw pa lang. Kaya ayun, dahil sa pagkakasalo mo, biglang nagbago si Lolo ng tingin sa'yo. Gustong gusto ka na talaga niya ngayon." mahabang paliwanag ni Charlie.

"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko.

"Yes babe. Kaya bukas, pupunta tayo sa bahay nila, okay?" sagot ni Charlie. Napangiti ako. Amp, ewan ko ba, di ko mapigilan. Parang ang saya lang. :)

"Okay." nakangiting sagot ko.

"Aba, napangiti ka ah. Masaya ka ba na hindi na tutol si Lolo sa'yo?"

Paano niya nalaman na nakangiti ako?

"Hindi ako nakangiti, no. Hmp." pagkakaila ko.

"Kabisado na kita. At alam kong nakangiti ka." sabi ni Charlie.

"Tumahimik ka nga jan. Hindi sabi ako nakangiti. Batba ang kulit mo?" kunwari ay naiinis na sabi ko. Ang galing niya kasi, nalaman niya nung ngumiti ako.

"Oo na, hindi na kung hindi. Basta bukas ah, after ng klase."

"Oo, sige na. Matutulog na ako." paalam ko.

"Okay, sige. Good night babe. Wag kang male-late bukas ah. Love you." sagot ni Charlie.

Tsss, bat ba ako kinikilig? Parang ewan. >.<

Pabagsak kong hiniga ang katawan.

"See you tomorrow...babe." sabi ko sabay pikit ng mata.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon