Episode 17.3

2.9K 55 1
                                    

CHARLIE's POV

Nanatili pa kami ng ilang minuto sa labas pagkaalis ni Doc. Kailangang pakalmahin muna ni Mama ang sarili niya bago kami pumasok sa loob para hindi mahalata ni Kelly.

Kahit ako, hindi ko alam kung paano na haharap kay Kelly ngayon. Iniisip ko pa lang ang mukha niya, gusto na nmang pumatak ng luha ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit at bigat ng nararamdaman.

"Tayo na sa loob. Baka magtaka si Kelly pag nagtagal pa tayo dito." pag-aaya ni Mama.

"Sigurado po ba kayo?" alanganing tanong ko.

Tumango lang siya. Tumayo na kaming pareho para pumasok sa loob ng kwarto kung saan naka-confine si Kelly. Binuksan ko ang pinto at pinauna na si Mama sa pagpasok. Huminga muna ako ng malalim bago sumunod sa kanya.

Pagkapasok, naabutan namin si Kelly na nakahiga pa rin. Si Camille nman, nakaupo lang sa gilid, nagbabalat ng mansanas.

"Nandito na kami." paunang salita ni Mama. Halata sa boses niya ang pagpipigil na maiyak.

Hindi kami nilingon ng dalawa. Nanatili lang sila sa kanya-kanyang posisyon. Naglakad si Mama palapit sa kanila. Ako naman, hindi umalis sa tabi ng pinto. Hindi ko alam, parang ipinako ang mga paa ko. Hindi ko maigalaw. Siguro ay dahil sa hindi ko pa kayang harapin si Kelly. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Bakit po ang tagal nyo?" tanong ni Camille ng hindi man lang lumilingon.

"May-- may nakita kasi akong kakilala sa labas. Napakwento pa ng konti." iwas-tinging pagsisinungaling ni Mama.

"Kamusta na ang pakiramdam ng ate mo?" tanong niya kay Camille.

Hindi sumagot si Camille. Nabitiwan nito ang hawak na kutsilyo.

"Ano bang ginagawa mo, bata ka? Akina nga yan at ako na ang magbabalat. Baka mamaya mahi--" hindi na niya naituloy ang sinasabi ng makita ang mata ni Camille.

"Anong nangyari? Bat namamaga yang mga mata mo? Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa anak.

Umiling si Camille.

"Wala ito, Mama. Napuwing kasi ako kanina. Tapos kinusot ko." paliwanag niya.

"Nagsisinungaling ka, kabisado kita. Sabihin mo sa'kin, anong nangyari?"

Tiningnan ni Mama ng diretso ang anak. Biglang bumagsak ang mga luha ni Camille.

"Mama!" niyakap ni Camille ang ina. Nagsimula na siyang umiyak.

"Camille. Ba-bakit ba? Anong problema?" nagtatakang tanong ng Mama niya.

"Gagaling si Kelly, di ba, Mama? Sinabi ng doctor na gagaling siya, diba?" humahagulgol na tanong ni Camille.

Nabitiwan ni Mama ang hawak na mansanas.

Tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Napatingin siya kay Kelly.

"Narinig ni Camille yung usapan nyo ng doctor." nakapikit na sabi ni Kelly.

Ibig sabihin ba, alam na rin niya?

Parang sinaksak na nman ng matulis na bagay ang puso ko sa isiping iyon. Alam na ni Kelly ang tungkol sa sakit niya. Ano kayang nararamdaman niya ngayon?

Hindi ko na kayang pigilin pa ang pag-iyak kaya napatalikod ako para hindi makita ni Kelly ang pagluha ko. Ang sakit! Sobrang sakit!

"Bakit mo sinabi kaagad sa ate mo?" galit at umiiyak na baling ni Mama kay Camille.

"Sorry po, Mama. Sorry! Nag-alala kasi akong bigla." hinigpitan ni Camille ang yakap sa ina.

"Mama, ayos lang ako. Wag nyong pagalitan si Camille." awat ni Kelly. Nakaiwas siya ng tingin. Siguro ay pinipigilan niya lang rin na umiyak.

"Kelly, wag kang mag-alala. Gagawin namin ang lahat para gumaling ka." umiiyak na sabi ni Mama.

"Patawarin mo ako, anak. Hindi ako naging mabuting ina sa'yo. Puro paghihirap ang naranasan mo ng dahil sa'kin." umiiyak na niyakap niya si Kelly. Nakayakap din si Camille.

Dali-dali kong binuksan ang pinto at patakbong umalis sa lugar na yon. Hindi ko makayang pagmasdan sila. Parang dinudurog ang puso ko.

Dinala ako ng mga paa ko sa harap ng simbahan. Tahimik ang lugar at wala ni isang tao.

Dahan-dahan akong naglakad papasok.

"Ikaw! Ikaw ang may-ari ng langit at lupa, hindi ba? Ikaw ang ang lumikha sa tao, hindi ba?" pagkausap ko Diyos habang naglalakad ako papunta sa harapan.

"Bakit mo siya binigyan ng ganong sakit?! Bakit siya pa?! Marami namang masasamang tao jan, mga patapon ang buhay! Bakit si Kelly pa? Unfair ka!" galit na sigaw ko.

"Bakit mo pa siya binigay sa'kin kung ganito lang rin pala?!"

Napaluhod ako at napahagulgol. Alam kong mali ang kwestyonin ang Diyos. Pero sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Nakikiusap ako sayo, pagalingin mo si Kelly. Ako na lang. Ako na lang ang kunin mo." mahinang sabi ko habang hilam na hilam sa luha ang mga mata.

Nagpatuloy ako sa pag-iyak. Gusto kong mahugasan ng mga luha ko ang matinding sakit na nararamdaman ko.

Lima.

Sampu.

Dalawampu...

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa simbahan bago tuluyang matuyo ang mga mata ko.

Tumayo ako at inayos ang sarili. Anuman ang mangyari, kailangan kong harapin si Kelly. Kailangan kong maging matatag para sa kanya.

Naglakad ako palabas ng simbahan.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon