Episode 10.1

3.3K 69 2
                                    

XXXXXX

CHARLIE's POV

"Guys, sina Gelie at Kelly daw nag-aaway sa girls CR." humahangos na balita ni Rebecca.

Napatayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa girls CR. Pagdating ko, marami ng usisero't usisera ang nakapaligid sa kanila.

"Tabi! padaan!" hinawi ko yung ibang mag-aaral para makadaan ko. Hay pambihira, ano ba kasing nangyari?

Nakita ko si Gelie na gusot ang buhok at uniform, nakayakap ito kay Nicole Uy. Si Kelly naman ay nakatayo lang (with her blank expression, of course).

"Hindi ko alam kung bakit bigla niya na lang akong sinabunutan, tapos hinila-hila niya yung uniform ko. Syempre gumanti ako kaya sinampal ko din siya. Tapos sinampal niya rin ako ng ilang beses." umiiyak na kwento ni Gelie kay Nicole.

"I know right. Nakita kong sinampal ka niya. Kawawa ka naman." maarteng pang-aalo ni Nicole kay Gelie. Tatango-tango pa ito.

Imposible! Kilala ko si Kelly. Hindi niya magagawa yung sinabi ni Gelie.

Lumakad ako papunta kay Kelly.

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.

"Charlie, si Gelie ang biktima dito. Bakit yan pa ang inaalala mo?" si Nicole.

Napatahimik ang lahat ng biglang dumating si Mississippi.

"Anong kaguluhan ito?" tanong nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin kay Gelie at Kelly.

"Kayong apat, in my office, now!" galit na sabi nito sabay talikod.

XXXXXX

Nandito kami ngayon sa office ni Mississippi. Nasa left side kami samantalang nasa right side nman sila Gelie at Nicole.

"Nasa CR po ako ng biglang pumasok si Kelly. Muka po siyang badtrip kay tinanong ko po kung may problema ba siya. Then bigla na lang niya akong sinabunutan at pinagsasampal. So gumanti po ako, sinampal ko din siya. Pero di po siya tumigil at sinampal niya ulit ako. Yun nga po yung nakita ni Nicole." pagkukwento ni Gelie kay Missi ng tanungin nito ang nangyari.

"Yes Ma'am, I saw the last part. Sinampal ni Kelly si Gelie." pagsang-ayon ni Nicole.

"Siguro po badtrip siya at ako ang napagbuntunan niya." umiiyak pa rin si Gelie.

Tsss, para namang umaarte lang eh. Hmm.

"Is that true, Ms. Park?" taas-kilay na tanong ni Missi kay Kelly.

Hindi kumibo si Kelly.

"See? Silence means yes." si Gelie.

"Excuse me, Mississi..."

"Mrs. Zipi..."

"Excuse me, Mrs. Zipi pero hindi po ako naniniwalang magagawa ni Kelly yung binibintang niya." singit ko.

"How dare you! So you're telling me I'm a liar?" (amalayer, lol) hysterical na sigaw ni Gelie sa'kin.

"Gelie, bawal sumigaw. Calm down!" awat ni Missi.

"Mr. Yuan, si Kelly ang tinatanong ko. Wala ka sa lugar na iyon ng maganap ang eksena kaya wala kang basehan."

"Ma'am, yung last part lang din ang naabutan ni Nicole. Wala rin tayong basehan na totoo ung kwento ni Gelie." pagpupumilit ko.

"Kaya nga tinatanong ko siya." bumaling ulit si Missi kay Kelly.

"Totoo ba yung kwento ni Gelie?" ulit nito sa tanong.

Tumayo si Kelly.

"Babalik na ako sa classroom." malamig na sabi niya sabay lakad patungo sa pinto.

"Ms. Park, hindi pa tayo tapos!" habol sa kanya ni Missi pero nagpatuloy siya sa paglabas.

"Excuse me, Ma'am." sabi ko sabay habol kay Kelly.

"Kelly!" tawag ko sa kanya ng maabutan ko siya sa pasilyo.

"Bakit hindi mo sinabi yung totoo? Bakit di ka nagsalita?" tanong ko. Huminto siya sa paglakad at humarap sa'kin.

"Nakita mo ba yung mukha niya? Nakita mo ba kung paano niya ko tingnan? Nakabuo na siya agad ng hatol. Nahusgahan na niya ko bago pa man niya malaman ang katotohanan. Nahusgahan na nila ako."

"So ano? Ganun na lang? Hahayaan mo na lang sila sa paniniwala nila? Wala kang gagawin para itama yung pagkakakilala nila sa'yo?"

Muli siyang nagpatuloy sa paglakad.

"Wala rin namang maniniwala sa'kin." sabi niya.

"Ako! Maniniwala ako sa'yo."

Napahinto siya sa paghakbang.

"Maniniwala ka sa'kin? Ni hindi mo nga alam ang totoong nangyari." sabi niya ng hindi man lang lumilingon sa'kin.

Nilapitan ko siya at niyakap.

"Hindi ko nga alam ang totoong pangyayari, pero ikaw, alam ko. Kilala kita. Basta sinabi mo, sapat na yon para maniwala ako ng buong buo." bulong ko sa kanya.

Hindi siya kumibo.

"Sila Gelou at Jayson, maniniwala din sila sa sasabihin mo." bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ko siya sa mata.

"Maraming tao ang maaaring, manghusga sa'yo...pero tandaan mo, yung mga taong nagmamahal sa'yo, hinding hindi magdududa sa'yo."

Hinawakan ko yung kamay niya.

"Tara, babalik tayo sa office ni Mississippi at sasabihin natin ang buong pangyayari."

Hindi na tumanggi pa si Kelly. Hawak-kamay kaming bumalik sa office ni Missi. <3

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon