"Lolo naman. Wag n'yo po sanang pagsalitaan ng ganyan si Kelly." pagtatanggol ko. Si Lolo ang may mali, inisulto niya kasi yung Mama ni Kelly kaya lumaban si Kelly.
"Tumahimik ka! Kinakampihan mo siya? Baka nakakalimutan mo kung ano ang kaya kong gawin?" galit at nananakot na baling sa'kin ni Lolo.
Tumahimik ako. Pero hindi dahil sa natatakot ako sa kaya niyang gawin. Ayoko lang na pati kami ay magtalo.
"Yan lang ang kaya mong gawin, Sir...ang manakot. Kaya mo silang kontrolin sa mga pananakot mo. Namumuhay sa takot sa'yo ang mga tao sa lugar na'to!" medyo malakas ang boses ni Kelly.
"Anong sabi mo?" napatayo na si Lolo sa sobrang galit.
Tumayo din si Kelly.
"Sir, akala ko mabuti kayong tao...kase yung apo n'yo, napakabuti niya." sabi ni Kelly na sumulyap pa sa'kin habang nagsasalita.
"Pero mukang nagkamali ako. Sarado na talaga ang isip n'yo. Nabulag na kayo ng kasikatan n'yo at ng mga bagay na inaakala n'yong tama. Nawala na sa isip n'yo ang mga bagay na ikaliligaya ng pamilya. Nakalimutan nyo nang tanungin ang gusto nila kapag nagdedesisyon kayo. Sir, laging ikaw utak, ang mata nila, ang bibig nila, ang kamay at paa. Sana naman kahit minsan, subukan mo namang maging tenga na nakikinig sa lahat ng hinaing at pagtutol nila.
Nagmahal din po kayo. Alam n'yo ang pakiramdam, hindi ba? Sana naman, hayaan n'yo na si Charlie na pumili ng babaeng gusto niya. Hayaan n'yo na po kami." mahabang litanya ni Kelly.
Wow, as in wow! Hindi ko inaasahan na masasabi niya yung mga bagay na 'yon. Another side of Kelly na naman ang nakita ko. And I'm really impressed.
Pero hindi pa rin nagbabago ang galit na expression ng mukha ni Lolo. Sa tingin ko, walang anumang bagay ang makapagpapabago pa sa kanya.
"Bata ka lang. Wala kang karapatang pangaralan ako. Wala kang alam at wala kang pakialam sa buhay namin." mariing sagot ni Lolo.
"Siguro nga po. Kaya nga pasensya na at nasira ko ang salu-salo n'yo. Aalis na po ako."
Napatingin ako kay Kelly sa huling sinabi niya. Hinawakan ko siya sa kamay.
"Kelly, please." nakikiusap na pigil ko sa kanya.
Ni hindi niya ako tiningnan. Binawi niya ang kamay niya at nagsimula nang maglakad palayo. Tumayo ako para sundan siya.
"Maupo ka lang jan, Charlie." mariing utos ni Lolo. Nilingon ko siya, at nakita kong hawak niya ang paborito niyang bola.
Teka. Amp. Wag mong sabihing balak ni Lolo na batuhin din si Kelly nung bola? Daheck?!
Pumorma na si Lolo at sinisipat na mabuti si Kelly.
"Lolo naman." sabi ko sabay lakad papunta kay Kelly.
Isa,
dalawa,
tatlo,
apat na hakbang pa lang ang nagagawa ko ng mauna na sa'kin ang bolang hinagis ni Lolo. Ambilis, at anlakas ng pagkakabato niya. Amputek.
"Kelly!" bago pa matapos ang sigaw ko ay biglang humarap si Kelly at mabilis na sinalo ang bola.
:O
Para bang alam na alam na niyang may bolang paparating.
Ang galing! Napatigil ako sa paglakad. Tiningnan ni Kelly ang bola. Tapos ay tumingin siya kay Lolo na nakatingin din naman sa kanya.
"Sa inyo yata ito, Sir." sabi ni Kelly at pumorma na tila ihahagis din pabalik ang bola. Huwat?
Napatingin ako kay Lolo na nakangiti at sinesenyasan si Kelly na ituloy ang pagbato sa bola.
Ano 'to, laro? Putek!
Ibinato ni Kelly ang bola sa direksyon ni Lolo. Pagkatapos ay tumalikod na ulit siya paalis.
"Kelly, wait!" habol ko sa kanya.
Tumakbo si Kelly.
Tumakbo rin ako.
"Kelly naman, ano bang trip mo, habulan?" sigaw ko habang tumatakbo pasunod kay Kelly. Pero hindi pa rin siya humihinto sa pagtakbo.
Wala yata siyang balak tumigil sa pagtakbo. Ayt.
"Ano ba, Kelly! Mag-usap tayo." narating na namin ang hi-way katatakbo.
Buti na lang mabilis akong tumakbo kaya bago pa siya makatawid sa kabila, nahawakan ko siya sa kamay.
"Kelly!" hinihingal na tawag ko ng makahinto kami.
"Bat ka ba kasi sumunod? Bumalik ka na don." sabi ni Kelly na humihingal din gawa ng pagtakbo.
"Paano ka? Sinong maghahatid sa'yo?" sagot ko sabay tingin sa mukha niya. Nabigla pa ako ng pagtingin ko, may luhang umaagos mula sa mga mata niya.
Ampupu. Ano bang nangyayari?
"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Ano bang nangyari?" nag-aalalang pinunasan ko ng daliri ang mga mata niya.
"Napuwing lang ako." pagkakaila niya.
"Sinungaling! Bakit ka nga umiiyak?" tanong ko ulit.
"Eh kasi, nabigo kita. Hindi ako nagustuhan ng Lolo mo. Inaway ko siya." umiiyak na sagot ni Kelly.
Aw, nadudurog ang puso ko sa reaction niya. Psh. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito.
Niyakap ko si Kelly.
"Sshh. Wag ka nang umiyak. Tama lang yung ginawa mo." pang-aalo ko.
"Pano na ngayon? Lalo ko siyang ginalit." bakas sa kanya ang pag-aalala.
"Walang magbabago, okay? Ipaglalaban kita, di ba nangako ako sa'yo? Di ako papayag na mahiwalay sa'yo. Bukas, kakausapin ko ulit si Lolo at susubukan kong kumbinsihin siya." pangako ko.
Hindi kumibo si Kelly. Pero naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa'kin.