AFTER TEN YEARS!
AUTHOR's POV
Sampung taon na pala ang matuling lumipas. Andami nang nangyari mula ng namatay si Kelly.
Si Gelou at ang pamilya niya, lumipad papuntang America after graduation. Dun kasi nag-college si Gelou. Pero bumalik din naman sila after 5 years. Isa na ngayong matagumpay na fashion designer si Gelou.
Si Jayson naman, dito sa Pinas nagpatuloy ng pag-aaral. Ewan ko ba kung paano nila naisurvive ni Gelou ang relasyon nila sa loob ng limang taon na magkalayo sila. Pagbalik nila Gelou sa bansa, nagplano ng magpakasal yung dalawa. At sa ngayon, meron na silang dalawang cute na anak. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho si Jayson bilang photographer sa isa sa mga sikat na magazines sa bansa.
Si Camille naman, malapit na ring grumaduate ng high school sa eskwelahan kung saan nag-aral sina Kelly at Charlie. Oo, dun nga. xD Papa rin ni Kelly ang nagpapaaral sa kanya.
Ang Mama naman ni Camille, maghapon lang sa bahay. Nagbukas kasi sila ng convenience store. :)
At syempre, malilimutan ko ba naman si Charlie? Syempre hinde. xD
Dito lang din sa bansa nagtapos ng pag-aaral si Charlie. Pagkagraduate niya (kelan lang), ipinasok agad siya ng Lolo niya (oo, buhay pa si Lolo. ang tindi, no?) sa kompanya nila. Naging assistant director muna siya para ma-train hanggang sa dumating yung araw na sa tingin ng Papa niya ay kaya na niyang tumayo bilang director.
At sa kasalukuyan nga, nasa sarili niyang office si Charlie, naghahanda na sa pag-uwi. Hindi pa tapos ang trabaho niya pero nakapangako kasi siya kay Camille na pupunta siya ng maaga sa bahay ng mga ito. Birthday kasi ni Kelly ngayon at naghanda ng konting salu-salo ang Mama ni Kelly.
Kabababa lang ni Charlie ng elevator ng mag-ring ang cellphone niya.
"Hello Camille. Paalis na ko dito, wag kang mag-alala." bungad ni Charlie.
"Pag di ka dumating before six, lagot ka talaga sa'kin. Hindi kita papansinin ng isang taon. Ay hindi, dalawang taon pala." pagbabanta ng nasa kabilang linya na si Camille.
Natatawang sinipat ni Charlie ang relo.
"Maaga pa, Camille. Darating ako on..." hindi na naituloy ni Charlie ang sasabihin ng may nabunggo siya. Sa relo kasi siya nakatingin habang naglalakad kaya hindi niya namalayang may makakasalubong pala.
"Camille, I'll call you later, okay? Bye." mabilis niyang nilagay ang cellphone sa bulsa. Tinulungan niya ang babae na magpulot ng mga dala nitong papel na nahulog sa sahig.
"I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya." sabi ni Charlie habang namumulot ng papel.
Nang mapulot na lahat, tumayo siya para iabot sa babae ang mga napulot niya.
"I'm sorry..."
Napatigil si Charlie sa pagsasalita ng makita ang itsura ng babaeng kaharap.
"Wala yon, may kasalanan din naman ako." nakangiting sagot sa kanya ng babae. Hinihintay nito na iabot ni Charlie ang mga papel. Pero nakatulala lang si Charlie.
Sino ba naman ang hindi matutulala, nasa harapan niya ngayon ang isang babaeng kamukhang kamukha ni Kelly.
"Kelly?" mahinang tawag niya dito.
"Okay ka lang ba, Mister?" naguguluhang tanong nito sa kanya. Lalong nataranta ang babae ng may luhang pumatak sa mata ni Charlie.
"Naku, sorry. Sorry talaga." hinging paumanhin nito.
Iniangat ni Charlie ang kanang kamay papunta sa mukha ng babae. Hinaplos niya ito.
"Mister, a-ano bang ginagawa n'yo?"
"Kelly!" hindi napigilan ni Charlie na yakapin ang babae.
"Sa-sandali, Mister." nagpumiglas ang babae at ng makawala ay sinampal siya. Tapos, inagaw nito ang mga papel sa kamay niya at mabilis na tumakbo paalis.
Naiwan si Charlie na nakatulala, nakatingin sa direksyong pinuntahan ng babae. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang boses na yon, ang itsura na yon, kagayang kagaya ng kay Kelly.
Pero imposible. Patay na si Kelly. Ibig sabihin, kamuka niya lang yung babae. Pero paanong kamukhang kamukha niya? Mula sa boses, sa ilong, sa labi, sa lahat!
Ano bang nangyayari?
Sino siya?
Bakit kamuka niya si Kelly?
Ano ang kaugnayan nilang dalawa?