Episode 11.3

3.2K 66 1
                                    

Naglakad ako papunta sa table nila Gelie. May kailangan pa kong turuan ng leksyon.

"Cha-Charlie.. anong ginagawa mo dito?" halatang may takot sa boses niya. Dahil siguro sa galit na nakikita niya sa mukha ko.

Itinaob ko yung mga plato at baso sa table nila.

"Ayyy! Ano bang ginagawa mo, Charlie?" natarantang napatayo si Gelie pati ang mga kasama niya.

"Sa susunod na guluhin at pagkatuwaan n'yo pa si Kelly, sinisigurado kong hindi lang iyan ang gagawin ko. Naiintindihan nyo ba?!" pagbabanta ko.

"O-oo Charlie." halos sabay-sabay na sagot nilang apat.

Tinalikuran ko sila at naglakad palabas ng cafeteria. Kailangan kong mahanap si Kelly.

Tumakbo ako papunta sa classroom namin. Baka bumalik na siya dun.

Ilang saglit pa ay narating ko rin ang classroom. Pero wala dito si Kelly.

Kainis, asan na ba siya?

Takbo ulit ako papunta sa gym pero wala rin si Kelly dun. Tumakbo ako paakyat sa third floor, nagbabakasakaling nandun siya sa library...pero hindi ko rin siya natagpuan dun.

Pagod na pagod na ako at napuntahan ko na halos lahat ng pwede niyang tambayan pero hindi ko pa rin siya makita.

Bumalik ulit ako sa classroom, baka nandun na siya. Pero bigo pa rin ako. Asan ka na ba, Kelly?

Lumapit ako kay Gelou.

"Alam mo ba kung nasaan si Kelly?" tanong ko.

Tinaasan niya ko ng kilay.

"Kahapon lang halos hindi mo siya pinapansin. Tapos ngayon, hahanap-hanap ka. Ano ba talaga? Pinaglalaruan mo ba si nee-chan? Baka!" galit na sabi niya.

"Hoy, alam ko ibig sabihin ng baka, tsss! Di bale na nga lang. Nagtanong pa kasi ako eh."

Tinalikuran ko na si Gelou.

"Sandali! Mahilig tumugtog ng piano si nee-chan." mahinahon ng tawag sa'kin ni Gelou.

Eh? Di ko gets. :/

"Try mo sa music room, brod. Ang slow mo!" singit ni Jayson.

"Gwapo naman." sagot ko bago ako tumakbo papuntang music room. Oo nga naman, bat di ko naisip maghanap sa music room? Tsk.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng marating ko ang music room. Puro musical instruments ang bumungad sa'kin. Natural, music room nga eh. Alangan namang puro hayop ang makita ko dito. :|

Tama nga si Gelou, nandito si Kelly. Pero hindi siya tumutugtog ng piano. Nasa sulok lang siya at nakahiga.

Teka, natutulog ba siya?

Isinara ko ang pinto at dahan-dahang naglakad palapit kay Kelly. Sinikap kong hindi niya marinig ang mga yabag ko.

Nang makalapit ako sa kanya, pinagmasdan ko ang mukha niya. Nakapikit siya at tila natutulog nga. Hmm, gulatin ko kaya? xD

"WHAT?!"

"Ay shet na kabayo!" gulat na sabi ko ng bigla na lang dumilat si Kelly. Alam mo yung eksena sa mga horror movies, yung patay na biglang dumilat. Takte, buti wala akong sakit sa puso.

"Balak mo ba kong patayin sa nerbiyos?" sabi ko habang tinatapik-tapik ang dibdib ko. Minus pogi points, tsss.

"Sino'ng kabayo?" singhal ni Kelly. Naupo siya.

Hindi na ako kumibo pa. Umupo ako sa tabi niya.

Katahimikan.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Ano ang una kong sasabihin? Maniniwala kaya siya sa'kin? Anak naman ng tokwa, oo! Paano ba ko magpapaliwanag? Tsk.

Biglang tumayo si Kelly.

"Malapit nang magsimula ang klase. Mauna na ko." sabi niya. Akmang aalis na sana siya kaya hinawakan ko yung kamay niya para mapigilan siya.

"I'm sorry, Kelly!" yan ang mga salitang unang lumabas sa bibig ko.

Tapos ilang segundo ulit ng katahimikan.

Muling naupo si Kelly sa tabi ko.

"Timer starts now." sabi niya habang nakatingin sa relo.

Napangiti ako.

"Unang-una, gusto kong sabihin na hindi ko gusto si Nicole. Napilitan lang akong magpanggap bilang boyfriend niya dahil sa isang kasunduan."

"Kasunduan?" kunot-noong tanong niya.

"Ganito kasi yun."

*FLASHBACK*

"Ano namang kapalit?" tanong ni Nicole ng hingin ko ang tulong niya. Parang may kakaiba sa kanya. Hmm.

"Kahit ano." sagot ko.

Lalong lumapad ang pagkakangiti niya.

"Kahit ano?" nanunubok na tanong niya.

"Kahit ano, basta kaya ko."

"Deal! Hindi ka nagkamali ng taong nilapitan. :D" makahulugang sabi niya.

"So tutulungan mo na ako?" tanong ko.

"Honestly, may recorded video ako nung nangyari kanina. Hindi totoong yung last part lang ang nasaksihan ko. In fact, nasaksihan ko ang nangyari mula sa simula.

Papasok sana ako sa banyo ng narinig kong nagsasalitang mag-isa si Gelie. Naaliw ako sa monologue niya kaya nagpasya akong irecord. Tapos biglang dumating si Kelly para maghugas ng kamay. Kahit ako nagulat sa mga sumunod na nangyari." mahabang kwento ni Nicole. Inilabas niya ang cellphoe mula sa bulsa at pinapanood sa'kin ang video ng mga pangyayari kanina.

Naikuyom ko ang palad ng matapos kong mapanood ang video.

"Bakit hindi mo 'to pinakita kay Mississippi? Bat ka nagsinungaling?" galit na tanong ko.

"Because I hate Kelly! Si Gino at ikaw, pareho kayong may gusto kay Kelly kaya hindi n'yo ko pinapansin. Naiinis ako dahil mas maganda ako sa kanya pero ni hindi n'yo ko nililingon." puno ng pait na sabi niya.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon