Episode 13

3.1K 70 1
                                    

Dedicated to Deo Aldrin a.k.a. red_phoenix

KELLY's POV

Nakaupo kami ni Gelou dito sa park at nagpapahinga. Si Gelou, may binabasang notebook. List siguro ng mga nabigyan ng gift.

Katatapos lang naming magpamigay ng regalo sa mga bata at dito ang meeting place naming lahat. Naghiwa-hiwalay kasi kami sa pagpapamigay. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon, wala pa yung iba. Amp, inuuna pa kasi ang pagrereklamo at pahinga kaysa sa pamimigay.

Umalis si Jayson at si Charlie para bumili ng merienda namin kaya kami lang ni Gelou ang naiwan.

Amp, naiilang ako. Di ko alam kung paano siya kakausapin. >.

"Ano yang binabasa mo?" alanganing tanong ko.

"Wala 'to, nee-chan. Nakita ko lang sa sasakyan kanina." sagot niya.

"Ah." maikling sabi ko.

"Ang cute nga eh, signs that you're falling in love. Pakinggan mo, nee-chan ah." sabi niya at nagsimulang basahin ang nakasulat sa notebook.

"You're in love when:

1. When you think about him, your heart beats faster but slower at the same time." panimula ni Gelou.

Napatingin ako sa di kalayuang tindahan kung saan nandun sila Charlie. Sakto namang napalingon din siya sa'kin kaya nagtama kami ng tingin. Ngumiti siya agad, kaya bigla na namang naging abnormal ang tibok ng puso ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"2. Unexplained happiness."

Oo na, masaya ko kapag kasama ko si Charlie kahit di ko alam kung bakit. >.

"3. You smile when you hear his voice."

Bakit ako ngingiti? Parang sira. Tsss. Pero pag naririnig ko yung boses ni Charlie, biglang gumagaan yung mood ko. >.

"4. When you look at them, you can't see the other people around you, you just see him."

Dahil hindi ko sila gustong tingnan, yun lang yon. >.

"5. You start listening to slow songs while thinking about them."

Music lover lang talaga ko. Amp. >.

"6. He's all you think about."

Hinde ah. Hmm, minsan lang. Amp, okay fine. Di na nga siya maalis sa isip ko. >.

"7. Everything they do seems cute and endearing.

8. You can't look at that person."

Whatever! >.

"9. He changes you.

10.While reading this, there was one person on your mind the whole time."

(source: google)

Napatulala ako sa last sign. Si Charlie.

"Nakarelate ako dito, nee-chan. Haha, ang cute!" masayang baling ni Gelou sa'kin. Patuloy pa rin ako sa pag-iisip habang nakatanaw sa malayo.

Posible nga kayang...

"In love na ko sa kanya?" wala sa loob na sabi ko.

"What? Kanino, nee-chan?" kinikilig na tanong sa'kin ni Gelou. Saka lang ako nahimasmasan. Amp, nasabi ko ba ng malakas yung nasa isip ko? O_o

"Ha? Ah, wa-wala. Kalimutan mo na lang." tarantang sagot ko.

"Eeehhh, nee-chan naman. Sabihin mo na kasi. Si charlie ba?" pangungulit ni Gelou.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Sa tingin mo ba may gusto talaga ako sa kanya?" nahihiyang tanong ko.

"Nakarelate ka ba sa mga signs na binasa ko?" makahulugang tanong niya.

Amp. Tumango lang ako.

"Edi in love ka nga, nee-chan." nakangiti si Gelou.

Hindi ako kumibo. Okay, in love ako sa kanya. Eh ano ngayon? Anong gusto n'yong gawin ko? :/

"Hindi masamang ma-inlove, nee-chan. Normal lang sa tao yun. Ang hindi normal ay yung mahal mo na, dinedeny mo pa. Parang pinagkakait mo sa sarili mo ang maging masaya." seryosong sabi ni Gelou habang nakatingin kila Jayson at Charlie na naglalakad na pabalik sa amin.

"Sa tingin mo dapat kong sabihin sa kanya?" seryoso ring tanong ko.

"Go nee-chan. Sabihin mo. Hindi kahinaan ang pagsasabi ng tunay na nararamdaman. Isa pa, hindi ako tutol kay Charlie kung sakali. Naniniwala kasi ako sa sincerity niya sa'yo. Ngayon ko lang siya nakitang handang gawin ang lahat para sa babae."

Hindi rin ako duda sa feelings ni Charlie sa'kin. Pero duda ako sa pwedeng mangyari. Paano kung sinagot ko siya, tapos may nangyaring kamalasan sa kanya?

"Kaduwagan ang pagtatago ng tunay na nararamdaman." sabi ulit ni Gelou.

Minsan kailangan mo ding maging duwag. Pero hindi para sa sarili mo, kundi para sa kapakanan niya.

Hindi na ako nakakibo hanggang sa dumating yung dalawa.

"Anong pinag-uusapan n'yo? Mukang seryoso ah." pansin ni Jayson sa'min.

"Secret." nakangiting sagot ni Gelou.

Inabot sa'kin ni Charlie yung meriendang binili niya.

"Napagod ka ba?" nag-aalalang tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin.

Wala na kong ginawa kundi ang mag-iwas ng tingin buhat kanina, pansin n'yo ba? Amp. :/

"Mas muka ka pang pagod kesa sa'kin." sagot ko.

Tumawa si Charlie.

"Honestly, sobrang napagod ako. Pero ayos lang, sulit naman eh. Biruin mo nakapagpasaya na ako ng mga bata, nakasama pa kita ng matagal." masayang sagot niya.

"Dumadamoves ka na naman." biro ni Jayson kay Charlie.

"Wag kang epal, totoo ang sinasabi ko." pabiro ring sagot niya.

Tumawa lang sina Gelou at Jayson. Natawa na rin si Charlie.

Parang mga sira. Wala namang nakakatawa eh.

Pero di ko rin napigilan ang sarili ko na ngumiti.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon