Episode 17.1

3K 58 1
                                    

"Ayoko sabi eh. Bat ba ang kukulit nyo? Tss!" mataray na sagot ni Kelly. May sakit na nga, nagtataray pa. Ampupu.

"Ikaw ang makulit eh! Papatayin mo ba kami sa pag-aalala sa'yo?" di ko na napigilang magtaas ng boses.

Nag-iwas ng tingin si Kelly.

"Ayos lang ako, wag kayong mag-alala. Ipapahinga ko lang ito." sagot niya.

"Kelly naman. Hindi pwedeng hindi kami mag-alala sa'yo. Please, para sa ikatatahimik ng lahat, sumama ka na sa amin sa ospital." nakikiusap na sabi ko.

Tumingin ulit sakin si Kelly. Kahit sa mga mata niya, bakas ang panghihinang nararamdaman niya. Malamlam at walang kinang.

"Please?" sabi ko ulit ng hindi siya kumibo. Nagbuntong-hininga siya at tumango.

"Suko na ako sa kakulitan nyo. Sige na, tara na sa ospital at ng matahimik kayong tatlo." sagot ni Kelly. Tumingin ako kay Camille na napangiti rin sa narinig.

"Camille, sabihin mo kay Mama na pupunta na tayong ospital." utos ko. Tumango lang ito at lumabas na ng kwarto.

Inalalayan ko na si Kelly para makababa ng higaan niya.

"Hindi mo kasi iniingatan ang kalusugan mo. Nagkasakit ka tuloy." pangaral ko sa kanya habang papalabas kami ng kwarto.

"Manahimik ka nga jan. Wag mo akong sermunan, sawa na ako sa sermon ni Mama." nakasimangot na sagot niya.

"Mahal ka kasi namin kaya kami ganito sayo." nakangiting sabi ko.

Tiningnan lang ako ni Kelly. Hindi siya kumibo.

"Buti naman napapayag mo siya. Hala, tayo na." sabi ng Mama ni Kelly. Lumapit siya kay Kelly para umalalay din.

"Wag nga kayong OA jan. Simpleng sakit lang 'to, malayo sa bituka." inis na sabi ni Kelly. Bumitiw siya samin ng Mama niya at mag-isang naglakad papalabas ng bahay.

Nagkatinginan kami ni Mama.

Nagkibit-balikat siya at sumunod na kay Kelly palabas.

XxX.XxX

Nandito kami ngayon sa isang pribadong ospital kung saan naka-assign ang family doctor namin. Syempre, para makasigurado ako na matitingnang mabuti si Kelly, dito ko na siya dinala. Isa pa, pagmamay-ari ito ng tito ko.

Nasa loob ng kwarto si Kelly at nakahiga. Nakabantay sa kanya si Camille.

Kami naman ni Mama niya, nakaupo sa labas ng kwarto, dito sa pasilyo at hinihintay ang pagbabalik ni Doc para sa resulta ng check-up.

Hindi nagtagal, natanawan na namin si Doc na lumabas ng office niya at papunta na sa amin. Sabay pa kaming napatayo ni Mama.

"Doc, anong balita?" tanong ko kaagad ng makalapit siya samin.

"Kayo po ba ang nanay ni Kelly?" baling ni Doc kay Mama.

"A-ako nga ho. Ano pong lagay ni Kelly?" kinakabahang tanong ng Mama ni Kelly.

"May ilan lang ho akong katanungan." sabi ni Doc. Lalo tuloy akong kinabahan. Bakit ba ayaw nya pang sabihin agad? Tsss!

"May history po ba ng cancer sa pamilya nyo?" tanong ni Doc.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Bakit niya tinatanong?

"Ba-bakit ho?" nanginginig ang boses na tanong ni Mama.

"Doc, ano ba? Sabihin nyo na! Ano bang sakit ni Kelly? Wala naman sigurong kaugnayan yang tinatanong nyo!" inip na sabi ko.

"Charlie, Mrs. Park, huwag sana kayong mabibigla. Kalamayin nyo sana ang sarili nyo sa sasabihin ko. Si Kelly, meron siyang... meron siyang leukemia." alanganing sabi ni Doc.

Para akong natulig sa sinabi niya.

A-ano daw? L-leu-kemia? Ano bang kalokohan ang sinasabi ni Doc?

Dahan-dahan napasalampak sa sahig ang Mama ni Kelly. Mabilis na tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Ano bang kalokohan yan? Si Kelly, may leukemia? Nasisiraan ka na ba? Imposible yang sinasabi mo!" galit at di makapaniwalang sabi ko.

"I'm sorry. Ayon sa mga test results..."

"Pwes mali yang result na yan! Ulitin nyo ulet! Nagkakamali lang kayo!" hindi ko mapigilang sumigaw.

"Huminahon ka, Charlie. Wag kang sumigaw dito sa ospital." sagot ni Doc.

"HUMINAHON? Alam mo bang sinasabi mo, Doc. Ikaw kaya ang nasa kalagayan ko? Kahapon lang ang lakas-lakas ni Kelly, tapos ngayon biglang may cancer na?" hindi ko pa rin hinihinaan ang boses ko. Feeling ko sasabog ang puso ko anumang oras.

"Traydor ang sakit na cancer. Ngayon, malakas ka...tapos bukas, malalaman mo na lang na may cancer ka na pala." paliwanag ni Doc.

"Tama na. Hindi kami naniniwala sa'yo." sabi ko. Yumuko ako at hinawakan si Mama.

"Ma, tayo na po. Lilipat tayo ng ibang ospital. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga doctor dito." sabi ko.

"Charlie..." nanginginig ang boses na tawag sakin ni Mama. Nanginginig din maging ang kamay niya nang humawak siya sa'kin. Walang tigil sa pag-agos ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya.

"Sa bawat henerasyon ng pamilya namin... may isang namamatay dahil sa sakit na yan." sabi ni Mama.

Biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig sa narinig. Dahan-dahan akong napaupo sa katabing upuan.

Totoo ba ang sinasabi ni Mama?

"I-imposible. Kelly." biglang pumatak ang mga luha mula sa mata ko sa pagbanggit ng pangalan niya.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon