Episode 15.3

3K 69 6
                                    

XX.XX

KELLY's POV

Ewan ko ba kung bakit ako pumayag. Siguro dahil curious lang ako sa reaction ni Charlie. Ano ba kasing problema ng mokong na'to at ang oa makatutol na makilala ko si Marco. Tsss! Parang sira. Ang weird makareact.

"Aalis na po kami ni Kelly, baka hinihintay na siya ng Mama niya." inis na tumayo si Charlie at hinawakan ako sa kamay.

"Tara na."

Kunot-noong tumayo ako.

"Aalis na po kami." paalam ko sa Lolo ni Charlie.

"Sayang naman. Gusto pa sana kitang maka-kwentuhan ka eh, pero sige na. Basta bumalik ka bukas, ha?" pamamaalam din ng matanda.

"Hindi na po kami babalik, Lo." singit ni Charlie sabay hila sa'kin paalis.

"Babalik po kami." pahabol na sabi ko. Tapos ay binawi ko kay Charlie yung kamay ko.

"Hwag mo nga akong hilahin. Kaya kong maglakad mag-isa." inis na sabi ko.

Kaasar na ah. Daig niya pa ang may monthly period. Topakin. Psh. >.<

Naglakad kami palabas ng walang imikan. Ewan ko kung anong masamang espiritu ang nakasanib sa kanya at ganito ang mood niya. Sarap batukan. Aysh.

Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan, wala pa ring kibo si Charlie. Tahimik niyang pinaandar ang kotse. Nakakainis lang dahil nababagabag ako sa pagiging tahimik niya. Galit ba siya? Ano bang ginawa ko? Amp. :/

"Kung may problema ka, sabihin mo sakin. Ayokong manghula kung ano ang dahilan ng topak mo." malamig na sabi ko.

Tiningnan ko siya at naghintay ako ng sagot niya. Pero hindi siya kumibo. Pagbilang ko ng tatlo at hindi pa rin siya nagsalita, sasapakin ko na talaga siya. -.-

"Isa..." malakas na bilang ko. Nakita kong sumulyap sakin si Charlie at bagyang kumunot ang noo.

"Dalawa..." pagpapatuloy ko.

"Tat... ay putek!" hindi ko na naituloy ang pagbilang ng bigla niyang kabigin ang sasakyan pagilid at inihinto niya.

"Ano bang problema mo? Gusto mong mamatay? Tsss!" galit na banta ko.

Tumingin siya sa'kin.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang bumalik bukas? Ang tigas ng ulo mo." sa wakas ay sabi niya.

At siya pa ang galit. Topak talaga. >.<

"Bigyan mo ako ng isang magandang dahilan para hindi na bumalik bukas." nanunubok na sabi ko.

"Ayaw mo kay Lolo, hindi ba? Bakit ngayon bigla-bigla nalang gusto mong bumalik bukas?" balik-tanong niya.

"Mabait na siya ngayon. Gusto ko na siya. Isa pa, may ipapakilala siya sakin, diba? At yun ang dahilan kung bakit ka ganyan. Para kang nasaniban ng may toyong espiritu. Psh."

"Hindi mo kilala si Marco. Ayokong makilala mo siya, di pa ba sapat yun para tumanggi kang bumalik?"

"Kaya nga makikipagkilala, diba? Ewan ko sa'yo. Ang labo mo." O.o

Suko na ako sa kabaliwan ng isang 'to. Amp.

"Pero natatakot ako na makilala mo siya." biglang huminahon at humina ang boses ni Charlie.

O diba, may sapi lang. Hmp.

"Sabihin mo sakin kung anong kinatatakot mo. Serial killer ba siya? Psh."

"Si Lolo...gusto niyang subukan ang loyalty mo. Gagamitin niya si Marco para subukin ka. Gwapo si Marco at halos lahat ng babae na gusto niya, kaya niyang paibi..."

Hindi ko na pinatapos pa si Charlie sa pagsasalita. Binatukan ko siya agad.

Ang lokong 'to. So kaya pala ayaw niya na makilala ko si Marco. Sarap sapakin eh. Tsk.

"Aray! Para saan naman yun?" takang-tanong niya.

"Ayaw mong makilala ko siya dahil natatakot kang mahulog ako sa bitag ni Marco, tama?" O.o

"Tama." maikling sagot niya.

"At ganyan kababaw ang tingin mo sakin, tama?" inis na tanong ko ulit.

"Hi-hindi naman sa ganon. Kung iniisip mo na wala akong tiwala sa'yo, nagkakamali ka. May tiwala ako sa'yo, pero kay Marco, wala." paliwanag niya.

"Kung may tiwala ka talaga, kahit sinong Adonis pa ang kasama ko, hinding hindi ka magdududa. Psh. Pinakita mo lang kung gaano kababaw ang tingin mo sakin." >.<

"Babe naman..."

"Tahimik! Ayoko nang marinig. Hatid mu na ako. :|"

"Babalik ka pa rin bukas?"

"Oo, walang dahilan para umatras." malamig na sagot ko.

"Bahala ka na nga. Kung gusto mong pumunta, ikaw na lang. Busy ako bukas." sagot ni Charlie.

"Okay." ako. -.-

Saglit na tumingin lang sakin si Charlie.

Nag-iwas ako ng tingin.

Maya-maya ay pinaandar na niya ulit ang sasakyan. Hindi na siya kumibo. Hindi na rin ako nagsalita. Ano pa bang sasabihin ko?

Kainis! Muka ba akong easy-to-get? Amp. Masyadong insecure.

Pinikit ko ang mata at sinubukang matulog.

Lima,

sampu,

hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas ng maramdaman kong huminto ang sasakyan. Minulat ko ang mata at sumilip ako sa labas.

"Nandito na tayo." malamig na sabi ni Charlie. Hanggang ngayon, may topak pa siya.

Bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto.

"See you tomorrow." poker face na sabi niya. Di ko alam pero hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi kasi bagay sa kanya. Amp.

"See you tomorrow...babe?" papahinang sabi ko. Kamote naman, nakakahiya talaga. Ang baduy! >.<

Pero atleast nakita kong ngumiti si Charlie bago tuluyang sumakay sa kotse at umalis.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon