Author's Note:
Thanks nga pala sa mga nagvo-vote^.^
Keep voting, guys! :*
**************************************
Kumakain kami ni Kelly dito sa cafeteria. Nandito kami sa pinakasulok, alam nyo naman 'tong kasama ko.
Hindi lingid sakin na pinagtitinginan kami. Pakialam ko? Kahit saan naman ako pumunta, agaw-pansin ako. Iba talaga pag gwapo. Hahaha!
Basta isa lang ang iniisip ko ngayon. Paano ko ba mapapasabi kay Kelly yung pangalan ko?
Takte, napakasimpleng bagay, pinoproblema ko ngayon. Bakit ba kasi hindi niya masabi yung pangalan ko eh. Tssss!
"Ah, Kelly."
Kukuhanin ko muna yung atensyon niya, masyadong siniseryoso yung pagkain eh.
"Kelly." ulit ko ng hindi niya ko pinansin. Kaso wa epek pa din, tuloy lang sa pagkain.
Magkaharap lang kami, imposibleng hindi niya ko naririnig.
"Ke---"
Blag! Ay putek!
Padabog na ibinaba ni Kelly yung hawak niyang kutsara't tinidor.
"ANO?" galit na tanong ni Kelly. Masyado naman siyang high blood, ampupu.
"Chill. Sige lang, kumain ka lang." sagot ko. Hindi ko siya mapipilit sabihin ang pangalan ko kung galit siya sa'kin. Pagkatapos na lang naming kumain.
Katahimikan.
Tunog lang ng kutsara at plato, at ng tsismisan sa iba't ibang table ang maririnig.
Ten minutes.
Fifteen minutes.
Less than thirty minutes ang nakalipas, parehas kaming natapos sa pagkain. Kinuha niya yung lunch box sa'kin at nilagay sa paper bag.
"Kelly." panimula ko ulit.
"Naliligaw ka ba? Kanina ka pa tawag ng tawag jan." malamig na sabi niya. Atleast hindi ako sinigawan.
"Kilala mo ba ako?" sabi ko.
Amputek, ano bang tanong yun?
"Wala akong amnesia." sagot ni Kelly.
"A-anong pangalan ko?"
Tiningnan niya ako ng masama.
"Ano bang problema mo?" tanong niya.
"Hindi mo pa kasi binabanggit ang pangalan ko kahit minsan."
"So?" o_O
Ang labo! Tssss. Aware siya?
"Bakit hindi?" tanong ko.
"Bakit dapat?" padabog na tumayo siya at lumakad papalabas.
"Ano bang problema sa pangalan ko? Bat hindi mo masabi?" tanong ko habang sinusundan siya sa paglakad.
"Haaayst! Tumahimik ka nga. Sa ayoko eh, bat mo ba ko pinipilit?" iritado na siya.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Alam ko na!
"Siguro crush mo ko, no?" nang-aasar na sabi ko nung nasa hallway na kami. Iinisin ko na lang siya hanggang sa mapilitan siyang sabihin.
Kaya ayun, tumigil si Kelly sa paglalakad. Tapos humarap siya sa'kin. o_O
Ang talino ko talaga. Gwapo na, matalino pa! Bwahaha!
Ngumiti ako para makita ang dimples ko.
Naniningkit ang mata niya habang nakatingin sa'kin. Ilang hakbang din ang layo namin sa isa't isa. Kaya humakbang ako papalapit sa kanya.
"One more step and you're dead!" singhal ni Kelly.
Tumigil ako sa paghakbang. Anak ng! Ako pa ang tinakot niya. Hayyy, kung hindi ko lang talaga siya...
"Okay, fine. Hindi na kita pipilitin na banggitin ang pangalan ko kung ayaw mo talaga." pagsuko ko.
"Good!" tumalikod siya at muling nagpatuloy sa paglakad.
"Kelly!" tawag ko, nakatayo pa rin ako.
Huminto ulit si Kelly sa paglalakad...pero hindi na siya lumingon.
"Kapag kailangan mo ng tulong o ng makakausap, isigaw mo lang yung pangalan ko. Darating ako para sa'yo." sabi ko.
Ilang segundo rin siyang hindi gumalaw.
"Sino ka, si superman? Tsssss! Di ko kailangan ng tulong."
Tapos nun ay nagpatuloy na siya sa paglakad.
"Basta! Just call my name and I'll be there." pag-ulit ko.
May issue siguro siya sa name calling kaya iintindihin ko na lang.
Ano pa ba'ng magagawa ko? Di ko naman siya matitiis. She's still my angel, after all.