JARED's POV
Monday - Cafeteria
"Hi, Kelly. Pwede ba kaming makitabi sa'yo?" tanong ni Sed kay Kelly. Mag-isa itong kumakain ng lunch sa table na pang-apatan. Puno ang cafeteria at sa totoo lang, yung table lang ni Kelly ang bakante.
Tiningnan niya lang kami. Tapos nagtuloy na siya sa pagkain.
Suplada talaga siya. :)
"Silence means yes!" tumatawang sabi ni Sed sabay hila sa upuan.
Inilapag na namin yung tray na dala namin at nagsimula na ring kumain.
"Tol, ano na nga balita kay Charlie? Balita ko absent siya ngayon ah." mariing tanong ni Vince na halatang pinaririnig kay Kelly.
:|
"May sakit daw tol. Umuwi daw ng madaling araw na basang-basa at nanginginig sa lamig. Ayaw namang sabihin kung saan galing." kwento ko sa dalawa.
Actually, kanina pa namin napag-usapan ito. Inungkat lang ulit ni Vince para siguro malaman ni Kelly.
Tiningnan ko si Kelly, tahimik lang siyang kumakain. Parang di naman siya interesado sa pinag-uusapan namin. Tsk, tsk.
"Di ba wala naman ang parents niya sa bahay nila? Sinong nag-aalaga sa kanya?" tanong ni Sed.
"May katulong naman sila." sagot ko ulit.
"Sira, tol..di ba kapapalayas lang nila nung katulong nila dahil masyado daw tsismosa." singit ni Vince.
"Kung ganon, walang siyang kasama sa bahay nila ngayon? Kawawa naman pala siya." si Sed na nakatingin rin kay Kelly.
"Tss, may ospital naman." malamig na sabi ni Kelly.
Ganito ba talaga siya ka-cold?parang di man lang nag-aalala kay Charlie eh.
"Oo nga naman tol, bakit di sa ospital dinala si Charlie? Atleast doon may nurse na mag-aasikaso sa kanya." segunda ni Vince sa sinabi niya.
"Ayaw ni Charlie sa ospital, loko! Kahit kaladkarin mo papuntang ospital yun, hindi yun sasama." sagot ni Sed.
"Puntahan natin after ng klase. Ano na nga yung address nila?" alam naman ni Sed ang bahay nila. Tinanong niya lang yun para marinig ni Kelly kung saan nakatira si Charlie.
Para-paraan. :))
Tumayo si Kelly ng matapos siyang kumain.
"Tapos ka na agad? Ang bilis mo naman!" tanong ko.
Di siya kumibo. Tuloy-tuloy na siyang lumabas ng cafeteria.
**************************************
KELLY's POV
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko dito sa harapan ng napakalaking bahay na'to. :|
Oo na, nakunsensya ako dahil kasalanan ko kung bakit nagkasakit ang loko. Kaya eto, nag-skip ako sa klase at sa halip ay pumunta dito sa bahay nila Charlie. Feeling ko ang uto-uto ko. -.- Nagpadala ko sa parinig nung tatlong ugok. :|
"Excuse me?" di ko namalayan na may tao na pala sa likuran ko. Tiningnan ko siya. O_o
Hindi siya mukang mayaman, pero maayos yung suot niya.
"Kilala mo ba yung may-ari ng bahay?" tanong niya sa'kin.
"Classmate ko siya." matipid na sagot ko.
"Ah, ganun ba? Nandito ka ba para dalawin siya?" usisa nung lalaki.
"Sino ka ba?" malamig na tanong ko. Oo, hindi ako nangungupo sa matatanda. Ano bang pakialam mo?!
"Driver ako nung family doctor nila Charlie. Nasa loob si Doc, hindi pa siya makaalis kasi walang mag-aalaga kay Charlie." pakilala niya.
"Kung ayos lang sa'yo, pwede mo ba siyang bantayan? Marami pa kasing appointment si Doc eh."
"Ayos lang sa'kin." sagot ko. Tutal ako naman ang may kasalanan.
"Talaga? Ay nako, hulog ka ng langit! Matutuwa si Doc nito." masayang sabi nung driver.
Nagdoorbell siya. Nang bumukas ang gate, niyaya na niya kong pumasok sa loob ng malaking bahay na'to.
Ang laki ha. Pwede ng tumira ang limang pamilya sa laki nito ah. Kung sa bagay, mayaman sila Charlie. Hindi na nakakapagtaka pa na ganito kalaki yung bahay nila.
Sumunod lang ako kay manong driver. Hanggang sa marating namin ang unang silid sa ikatlong palapag ng bahay. Kumatok siya, at ilang saglit lang ay binuksan ng isang lalaking naka-white na damit ang pinto. Siya siguro si doc.
"Sino siya?" tanong ni Doc kay manong driver.
"Nakita ko siyang nakatayo sa labas, Doc. Classmate daw ni Sir Charlie. Pumayag siyang bantayan si Sir."
Tiningnan ako ni Doc, nakangiti siya.
"Classmate ka ba niya o girlfriend?" tanong niya sa'kin.
"Classmate." maikling sagot ko. Medyo kumunot ang noo ni Doc.
"Sigurado ka bang classmate 'to ni Charlie?" baling ulit ni Doc kay manong.
"Tingnan mo yung uniform, Doc. Di ba ganyan ang uniform sa school ni Sir?"
Tiningnan ulit ako ni Doc, mula ulo hanggang paa.
"O siya, sige. Ikaw na ang bahala kay Charlie, okay? Nasa table sa loob yung list ng gamot na dpat niyang inumin. Wag na wag mo siyang iiwan, at wag kang magpapapasok ng ibang tao." para siyang amo na nagbibilin sa katulong. Tsss!
"Alam ko." sagot ko. Nagkatinginan si manong driver at si Doc.
"O sige, pumasok ka na sa loob. Aalis na kami. Kapag may masamang nangyari, call me. Nakalista din dun yung number ko. Tapos blah blah blah."
Matapos ang nakakainip na litanya, umalis na yung dalawa. Naiwan akong nakatayo sa harap ng kwarto ni Charlie. -.-