EndOfEpisode18

3K 60 2
                                    

CHARLIE's POV

Pagbalik ko bitbit ang pagkaing binili, nagulat ako sa naabutan.

Kausap ni Lolo si Kelly, si Mama naman kausap yung Mama ni Kelly, at si Papa kausap yung duktor. Tsk. Anong ginagawa ng tatlo na'to dito nang ganito kaaga?

Pinaalam ko sa kanila ang kalagayan ni Kelly kagabi ng umuwi ako para magbihis. Saktong nasa bahay namin si Lolo kaya nalaman niya rin ang nangyari kay Kelly. Umiyak sila ni Mama ng sabihin kong may sakit si Kelly. Kahit daw hindi pa nila matagal na nakasama si Kelly, napamahal na rin daw sa kanila kaya hindi nila maiwasan ang maging malungkot para kay Kelly.

Bago ko umalis, nabanggit nilang dadalawin nila si Kelly ngayong araw, pero hindi ko naman ineexpcet na ganito kaaga. Pambihira!

"Wag kang mag-alala sa bayad dito sa ospital at sa doctor, Kelly. Kami na ang bahala sa lahat, pagmamay-ari ng anak ko ang ospital na'to." narinig kong sabi ni Lolo.

"Salamat sa kabutihan nyo, Lolo." sagot ni Kelly sa kanya.

"Ehem." pagpaparamdam ko.

"O Charlie, nanjan ka na pala." bati sa'kin ni Mama ng makita ako. Nagpunas ng luha si Lolo at tumingin sa'kin.

Tsk, hanggang ngayon ba naiiyak pa rin si Lolo. Ganun niya kagusto si Kelly?

"Ma, Lo, kaaga nyo naman pong pumunta dito." sabi ko. Nagmano ako kay Lolo, at humalik sa pisngi ni Mama.

"Nagpunta kami ng ganito kaaga para paalalahanan ka. Baka nakakalimutan mong nag-aaral ka pa." sagot ni Lolo.

"Friday naman na eh, next week na po ako papasok." sagot ko. Ibinaba ko sa table ang pagkaing binili ko.

"Pumasok ka, Charlie. Hindi pwedeng babantayan mo ko dito sa ospital maghapon araw-araw. Tsss." sang-ayon ni Kelly kay Lolo. Amp, pinagtulungan pa ko.

"Papasok ako sa monday, promise. Hayaan nyo na kong umabsent ngayong araw, friday naman eh." sagot ko.

"Hinde!" panabay na sagot nila Lolo at Kelly.

Nagkatinginan pa silang dalawa, pagkatapos ay nag-apir.

Anak ng...

"Mama..." baling ko sa mabait kong ina nang hindi ko makumbinsi yung dalawa.

"Wala akong magagawa, anak, alam mo yan." sagot sa'kin ni Mama.

Tsss! Oo na, pag si Lolo ang nagsalita, wala nang makakabali. Amputek. :/

"Sige na, Charlie. Bumalik ka nalang mamayang hapon pagkatapos ng klase n'yo." sang-ayon ng Mama ni Kelly.

"Opo, sige po." sagot ko sa kanya.

"Tara na po, sasabay na ko sa inyong umuwi ng bahay." baling ko ulit kina Mama.

"Kadarating lang namin, paaalisin mo kami agad? Umuwi kang mag-isa." sagot ulit ni Lolo.

Hay, pambihira naman o! Bakit ba laging kontra si Lolo. :|

Nagpaalam ako kay Kelly at sa Mama niya. Tapos ay lumabas na ako ng kwarto. Kainis, gusto kong bantayan si Kelly maghapon eh. :(

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon