Episode 13.2

3K 65 0
                                    

XXX-XXX

CHARLIE's POV

Tahimik na tahimik ang lahat habang kumakain. Mahinang ingay ng kutsara, tinidor at plato lang ang maririnig mo. Wala ni isa ang gustong magsalita. Nagpapalitan lang sila ng mga makahulugang tinginan. Amp. Lahat naduduwag pag kaharap ang matandang 'to. :/

Present si Mama, si Dad, ako, yung dalawang kapatid ni Mama at ang asawa nila, yung lima kong pinsan at si Lolo.

Yung iba, hindi na pinatawag. Bukas na lang daw dahil birthday na ni Lolo yun, siguradong kumpleto ang buong angkan (maliban sa mga nasa ibang bansa, syempre).

"Kamusta ang pag-aaral mo, Charlie?" pagbasag ni Lolo sa katahimikan.

At ako agad ang naharap, takte!

Kung sa bagay, sabi nga nila, ako ang paboritong apo. Paboritong pagalitan. Takte!

"Ayos naman po. Top 28, nasa star section pa rin." sagot ko.

"Ano? Top 28? Malapit ka ng mapatalsik sa star section. Ano bang inaatupag mo? Basag-ulo? Babae?" galit na tanong ni Lolo.

Sabi na, ganito ang mangyayari eh.

"Pagbubutihan ko po sa susunod." sagot ko ulit ng hindi tumitingin sa kanya.

Sila tito at tita ay nagkakatinginan lang.

"Dapat lang. Nakakahiya kung maaalis ka sa star section. Sikat ako at ang ama mo dahil sa galing namin, tapos ikaw, sikat sa kalokohan mo." pagpapatuloy ni Lolo.

Lakas makaangat ng confidence, no? :|

Hindi na ako kumibo.

"Next saturday, ipapakilala kita sa anak ng kaibigan ko. Sikat ang pamilya nila, milyonaryo, may mgandang pinag-aralan ang anak.. At malaki ang maitutulong nila sa negosyo natin." hirit na naman ni Lolo.

Eto na nga ba ang kinatatakutan ko eh. Ampupu. Lahat kaya ng mayayamang pamilya, ganito? Yun tipong dalawang buwan pa lang sa sinapupunan ng ina, planado na yung future. Kung ano ang pangalan, kung saan mag-eelementary, high school at college. Kung sino ang magiging kaibigan. Kung anong course ang kukunin. Kung anong magiging propesyon. Kung sino ang mapapangasawa. Kung saang hospital dadalin pag nagkasakit. At pati yung funeral service na gagamitin pag namatay. Anak ng tokwa!

"Di po ba masyado pang bata ang anak ko para jan, Pa." singit ni Mama sa pag-uusap namin.

"Sinabi ko bang ipapakasal ko na sila? Gusto ko lang magkakilala sila ng mabuti habang maaga para pag dumating yung tamang panahon, sanay na sila sa isa't-isa." paliwanag ni Lolo. Natahimik si Mama.

"Ayoko po." sabi ko habang nagpupunas ng bibig.

Naniningkit ang matang napatingin sa'kin si Lolo.

"Anong sabi mo?"

"Ayoko pong makipagkilala sa iba, Lo. May girlfriend na po ako." sabi ko ng harapan kay Lolo. Natatakot ako sa kanya pero hindi ko dapat ipahalata.

"Kalokohan! Nahihibang ka na ba? Sinusuway mo ko?" nanggagalaiti sa galit si Lolo. Agad namang tumayo si Mama sa likuran ni Lolo para pakalmahin ito.

"Lo, buong buhay namin sinusunod ka namin. Pwede po bang pagdating sa pag-ibig, ako naman ang masunod?" nagtaas na rin ako ng boses.

"Suwail! Kailan ka pa natutong sumagot sa'kin ng ganyan? Yan ba ang natutunan mo sa babaeng sinasabi mo?"

"Charlie, stop!" awat sa'kin ni Tita.

"Hindi po. Sinasabi ko lang ang saloobin ko. Ayokong pati sa makakasama ko habambuhay eh kayo pa rin ang masusunod." pagtatanggol ko sa sarili.

"Sinasabi mo bang mali ang panghihimasok ko sa inyo? Hindi mo ba nakikita kung gaano ka-successful ngayon ang pamilya nyo? ang mga tita at tito mo? Lahat yan ay dahil sa pagpiling ginawa ko." hindi nagpapatalo si Lolo. Nagpapalakasan kami ng boses na dalawa.

"Hindi mo rin ba nakikita kung gaano kamiserable ang pagsasama nila ngayon? Hindi porket successful ay masaya na." sagot ko ulit. Hindi ko man madalas makasama sina tito at tita, ramdam ko ang lamig ng pagsasamahan nila.

"Tumahimik ka!" napatayo na si Lolo sa sobrang galit.

Tumayo din ako.

"I'm sorry, Lo. May mahal po akong iba at di ako papayag sa gusto nyo. Nagmahal din po kayo, sana naman maintindihan nyo. Excuse me, magpapahinga na po ako." sabi ko sabay lakad paalis.

Hindi pa man ako masyadong nakakalayo nang may bolang tumama sa ulo ko mula sa likuran. Aray, amputek!

Hanggang ngayon ba naman, nakay Lolo pa rin itong bwisit na bola na'to?

Lagi niyang dala ang bola dahil importante daw ito sa kanya. Sabi ni Mama, bigay ito ni Lola bago namatay. Kapag may nagagawa kaming kasalanan kay Lolo, lagi niya kaming binabato nung bola. At sa maniwala kayo o sa hinde, ni isa samin ay wala pang nakailag sa bolang hinagis ni Lolo.

Pinulot ko yung bola at pabalik na naglakad papalapit kay Lolo.

"Walang tatalo sa katigasan ng ulo mo. Ipakilala mo sa'kin yang pinagmamagaling mong babae. Pag hindi ko siya nagustuhan, wala kang magagawa kundi ang sumunod sa'kin." matigas pero mahinahon na sabi ni Lolo ng ilapag ko sa lamesa ang bola.

Napangiti ako. Napangiti din si Mama at Tita.

"Opo Lo, salamat po." masayang sabi ko.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon