Episode 6.1

4.1K 83 3
                                    

KELLY's POV (napapadalas ah. xD)

Pagpasok na pagpasok ko kasabay ng dalawang maarte na'to dito sa restaurant pinagtinginan agad nila kami. Ano pa nga ba? Inaasahan ko na 'to. :|

Nagtuloy ako sa pinakasulok na table. Ayokong makipagplastikan. Isa pa, siguradong hindi sila masaya na makita ako. Bakit kasi nagpunta pa ko dito? Tsss! -.-

"Kaya pala lumamig, may dumating na taong-yelo."

"Bakit nandito yan?"

"Sino bang sumundo jan? Panira naman o."

"Baka malasin itong reunion natin."

"Paalisin nyo na siya."

Nagsimula na ang bulungan sa paligid ko. Magpapanggap na lang akong walang naririnig. :|

"Wag mo na lang silang pansinin. Masaya ako at dumating ka. :)" sabi ng lumapit sa'king isang lalake. Si Ashley. Nakangiti siya.

Pssh, anong kailangan sa'kin ng isang 'to?

Hindi ko siya pinansin. -.-

Pero umupo siya sa tabi ko.

"Kelly, do you still remember me?" tanong niya.

Deadma pa rin ako. Oo, naaalala ko pa siya. Yung duwag na lalaking nang-iwan sa'kin noon.

"Kelly, gusto ko sanang humingi ng sorry sa'yo. Alam kong nasaktan kita noon."

Kapal ng mukha. Ano bang sinasabi niya?

"Ashley! Ano ba'ng ginagawa mo? Hanggang ngayon ba may feelings ka pa rin sa malas na babaeng yan?" sigaw nung papalapit na babae, si Katrina.

Hanggang ngayon pala sila pa.

Kdot :|

"Honey..gusto ko lang humingi ng sorry sa kanya." si Ashley na napatayong bigla. Duwag pa rin hanggang ngayon. Pssh.

"Hoy babae, ano'ng ginagawa n'yo ng boyfriend ko?" galit na tanong sa'kin ni Katrina pagkalapit niya. Sa amin na nakatingin ang lahat ngayon.

"Ano ba'ng nakikita mong ginagawa namin? Pssh." malamig na sagot ko. Threatened masyado..sss!

"What? Inaagaw mo ang boyfriend ko. Flirt ka! Malandi!" hysterical na sigaw ni katrina.

Naglapitan samin ang lahat.

Tumayo ako.

"Natatakot ka ba na gawin ko yung madalas mong gawin sa iba? Pssh. Di mo ko katulad. -.-" sabi ko.

"Anong sinabi mo?" lalong nagalit si Katrina. Bigla niyang hinila ang kamay ko, tapos ay tinulak ako papunta sa sahig.

Napaupo ako. Sumosobra na siya ah. Papatulan ko 'to pag hindi ako nakapagpigil eh. Amp!

Nag-angat ako ng mukha para tingnan siya. Pero pagtingin ko, napapalibutan na pala ako ng mga kaklase ko.

"Buti nga sa'yo!" sabi nung isang babae na hindi ko na maalala ang pangalan.

"Hindi ka na dapat nagpunta pa dito. Sinisira mo lang ang get together. Malas!" segunda nung isa pa. Tapos, nagsunod-sunod na yung mga nagsalita.

"Lahat ng napapalapit sa'yo napapahamak."

"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang Papa mo, hindi ba?"

"Kasalanan mo rin kung bakit namatay sila Mandy at Rhea."

"Pati yung pagkaaksidente ni Ashley, ikaw ang dapat sisihin."

"Muntik na ring maging baldado ang kapatid mong si Gelou dahil sa kagagawan mo."

"Malas ka!"

Iyan ang mag sinabi nila na nakapagpahina sa'kin. Bakit kailangan pang ipaalala yung mga bagay na pilit ko ng kinakalimutan?

MALAS KA!

Patuloy na nag-echo sa isipan ko ang mga salitang iyan. Malas ako. Tama sila.

Namatay ang nakagisnan kong ama dahil sa pagliligtas niya sa'kin mula sa isang rumaragasang sasakyan.

Namatay sila Mandy at Rhea, ang tanging dalawang babae na naging kaibigan ko dahil sa pagliligtas nila sa'kin mula sa pagkalunod.

Nung bata kami, magkasundo kami ni Gelou. Pero muntik na siyang malumpo dahil sa kagagawan ko. Pinaakyat ko siya sa puno, tapos nahulog siya.

Si Ashley, ang nag-iisang lalake na nagpakita sa'kin ng kabaitan. Wala akong kinalaman sa pagkaaksidente niya sa sasakyan, pero baka nangyari yun dahil naging malapit siya sakin.

Malas ka!

Malas ka!

Malas ka!

Patuloy na nagrereplay sa utak ko ang mga katagang iyan. Tama na, ayoko ng marinig!

Nanginginig na tinakpan ko ang tenga ko. Ayoko ng marinig, pakiusap. Tama na!

Napaluha ako sa sobrang takot at panghihina. Malas ako. Kasalanan ko ang lahat. T_T

"Malas! Lumayas ka na dito!" sinipa ako ni Katrina.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Unti-unting nagbalik sa alaala ko ang nakaraan na matagal ko ng pinilit kalimutan.

"Tama na iyan, hayaan nyo na siya. Maawa kayo." boses ni Ashley. Pinagtatanggol niya ko pero halata rin sa boses niya ang takot.

"Nakakairita yung bangs niya, no? Bakit hindi natin subukang gupitin?" si Katrina.

Ano nang gagawin ko ngayon?

Hinang-hina ako at takot na takot.

Malas ako!

At kung sisigaw ba ang malas na tulad ko, maririnig ba niya?

Imposible...pero.

Huminga ko ng malalim, pinilit na ipunin ang natitirang lakas na meron ako, tapos ay sumigaw ako. Yung pangalan ng unang taong pumasok sa isipan ko. Tama. Siya nga.

"Chaaarlieee!"

Pakiusap, dumating ka. T_T

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon