Chapter 5.3

4.4K 92 1
                                    

CHARLIE's POV

"Buti andito ka na." nakangiting bati ko sa papadaan na si Kelly. Andito ako sa hallway, nakasandal sa pader at matyagang naghihintay sa pagdadaan ni Kelly.

Tiningnan niya lang ako, with her poker face, tapos nagtuloy-tuloy na siyang maglakad.

Ay, pambihira! Ang tagal kong hinintay tapos hindi man lang ako papansinin? Pssh.

Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Sinusundan kami ng tingin ng mga estudyanteng nakakakita samin.

"Hoy!"maya-maya ay sigaw ni Kelly sa isang estudyanteng lalake na nakita niyang nagtapon ng balat ng candy sa lapag. Nagtatakang napatingin naman sa kanya yung lalake.

"Pulutin mo yung tinapon mo! Ano'ng tingin mo dito sa school, isang malaking basurahan?" singhal ni Kelly.

"Ano bang problema mo, Miss? Private school ito, hindi ko trabaho ang maglinis." hindi nagpasindak yung lalake.

"At hindi mo rin trabaho ang magkalat!" pinanlakihan niya ng mata yung kausap.

Ibang klase talaga siya. Mabuti siyang tao, hindi nga lang siya namulat sa mahinahong pakikipag-usap. Naiiling na napangiti na lang ako.

"Ikaw, trabaho mo bang manermon?" naiinis na yung estudyante. Sa itsura nito, nasa third year na siguro 'to.

"Hindi mo pupulutin?" si Kelly.

Tinalikuran lang siya nung kausap at mukang wala ngang balak na pulutin. Kailangan ko na yatang makialam.

"Brod! Hindi mo ba talaga pupulutin yun?" tawag ko sa nakatalikod ng lalake. Humarap siya samin. Pinalagutok ko yung mga daliri ko. Mukha namang natakot siya nung makita ko.

"Cha-charlie. Pasensya na, pupulutin ko na." mabilis pa sa alas-kwatro na pinulot niya yung balat ng candy na tinapon niya.

"Good! Sa susunod, matuto kang maglinis ng sarili mong kalat, ha?" nang-aasar na sabi ko.

"O-opo." kinakabahang sagot nito.

"ALIS!" paninindak ko.

Mabilis na tumakbo paalis yung pobreng estudyante.

Nakangiting tumingin ako kay Kelly na nakatingin din naman sakin. Kinindatan ko siya. Akala ko ngingiti din siya, pero inirapan niya lang ako at saka siya nagpatuloy sa paglakad. Tssss, asa pa ko.

Tahimik na kaming naglakad papunta sa classroom.

"Nee-chan!" nag-aalalang yinakap ni Gelou ang kadarating na kapatid. Si Kelly, as usual, blank facial expression. :|

Nagtuloy-tuloy na ako sa upuan ko. Naupo ako at itinaas ang paa sa nasa harapang upuan.

"Ayos ka lang ba, nee-chan? Wala bang nangyaring masama sa'yo?" tanong nito habang chinecheck ang kabuuan ng kapatid. Nag-iwas ng tingin si Kelly.

"Ayos lang ako." mahinang sagot ni Kelly. Nagtuloy-tuloy na din siya sa upuan niya. Naiwang nakatayo sa harap si Gelou.

Kung titingnan, parang binabalewala niya si Gelou, lalo tuloy nagiging masama ang tingin sa kanya ng lahat. Pero hindi ako naniniwalang walang siyang pakialam sa kapatid niya.

"Ang sama niya talaga. Ganun ba siya kamanhid para hindi maramdaman ang sobrang pag-aalala ni Gelou?"

"Nagyelo na yata pati puso niya kaya wala na siyang pakiramdam."

Usapan ng dalawa kong kaklase na halatang nilakasan para marinig ni Kelly.

Tssss! Wala naman silang alam sa pinagdadaanan ni Kelly, bakit hindi na lang sila manahimik?

"Tama na yan, Gelie, Rebecca." awat ni Jason sa dalawa.

"Sumosobra na kasi iyang si Kelly eh. Lagi niyang binabalewala si Gelou. Nasasaktan si Gelou sa tuwing iniignore siya ng malditang yan." si Rebecca.

"Oo nga, Jason. Wag mo kaming pigilan dahil concern lang kami sa girlfriend mo." sang-ayon ni Gelie.

Nagsisang-ayon din halos lahat ng classmates ko.

Aysh! Bat ba pinagkakaisahan nila si Kelly? Ampupu.

"Tama na yan, guys. Hindi siya katulad ng iniisip nyo. Mabait si nee-chan." pagtatanggol pa rin ni Gelou sa kapatid. Feeling ko naman, sincere ang pagtatanggol ni Gelou.

Tumingin ako kay Kelly. Dating ayos, nakadikit ang kanang pisngi sa desk at nakapikit. Para siyang walang pakialam sa nangyayari sa paligid.

"Tama si Gelou. Wag nyo sanang husgahan si Kelly." si Jason.

Aba, kung makapagsalita si Jason akala mo naman kilalang kilala niya si Kelly.

"Hindi namin siya hinuhusgahan. Sinasabi lang namin ang totoo." si Rebecca na ayaw pa ring paawat.

"Tama. Masyado lang mabait si Gelou kaya namimihasa yang maldita na yan!" nakisabat na si Karen, isa pang pakialamera.

Inis na sinipa ko yung upuan sa harap ko. Wala lang, gusto ko lang iparamdam na naiinis na ako.

Tahimik na tumingin naman sakin ang lahat. Effective! :) Sumimangot ako para mas lalong maging kapani-paniwala ang acting ko.

"Kung wala kayong sasabihing maganda, tumahimik na lang kayo pwede?" malakas na sabi ko.

Wala pa ring umiimik, yung tatlong babae napayuko.

Tumingin sa'kin si Jason at saka ngumiti. Tsss, ano nginingiti-ngiti niya?

Dumating si Ma'am at medyo nagulat pa na tahimik ang lahat. And it's all thanks to me. ;)

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon