Episode 6.3

4.3K 96 0
                                    

"At bago kami umalis, hayaan n'yong bigyan ko kayo ng konting advice para naman sa ikabubuti n'yo. Wag kayong magdo-doctor. Kawawa ang magiging pasyente n'yo. Kukutyain n'yo lang sila dahil sa sakit nila kung sakali sa halip na tulungan n'yong gumaling. Wag din kayong magti-teacher. Kawawa ang magiging estudyante n'yo. Kukutyain n'yo lang sila kapag may hindi sila naintindihan sa lesson sa halip na turuan sila. Ang gawin n'yo, pumasok kayo sa simbahan...dun, baka sakaling mabago yang mga ugali n'yo!" seryosong sabi ko bago tuluyang bumaba ng hagdan paalis.

Tinungo ko ang sasakyan. Inalalayan ko sa pagpasok si Kelly.

"Sandali!"

Papasakay na ako ng kotse ng tawagin ako ng isang lalaki.

"Si Kelly?" tanong niya sa'kin. Sino ba 'tong loko na'to?

"Nasa loob na siya. May kailangan ka ba, tol?" ako.

"Wala."

"Wala naman pala eh. Sige, aalis na kami."

binuksan ko yung pinto ng kotse.

"Ah, sandali!"pigil ulit niya.

"Ano na naman ba, tol? May sasabihin ka ba o wala?" iritadong tanong ko. Sumeryoso ang mukha niya.

"Ingatan mo sana siya. Mabuting tao si Kelly, kaya wag mo sana siyang sasaktan." habilin nung lalaki.

"Tol, kahit hindi mo sabihin, yan talaga ang gagawin ko." sabi ko sabay sakay ng kotse. May gusto pa yata kay Kelly ang ugok na yun.

Pinasibad ko na ang kotse.

**************************************

Nakaupo kami ni Kelly dito sa park. Tahimik lang siya, di ko naman alam kung paano magbubukas ng topic. At kelan pa ko natorpe? Damn!

"Salamat."

Natigil ako sa pag-iisip ng magsalita si Kelly. Nakaiwas siya ng tingin at mahina ang boses niya.

"Ha? Ano yun? Di ko narinig." nakangiting sabi ko.

"Pssh. SALAMAT!" malakas ulit niya na nakatapat ang bibig sa tenga ko.

Amputek, gusto niya ba kong mabingi?

"Kelan ka kaya magiging mabait sa'kin?" ako.

"Hindi ka dapat na lumapit sa'kin. Malas ako." seryosong sabi niya.

Tiningnan ko ang seryosong mukha niya. Ibang-iba ang Kelly na nasa harapan ko ngayon.

Malas siya? Naniniwala talaga siya dun?

"Kaya ba iniiwasan mo ko? Ayaw mong mapalapit ako sa'yo?" seryosong tanong ko.

Tumango siya.

Kaya din ba lagi siyang cold, ayaw niyang may mapapalapit sa kanya?

"Yung Papa na nakagisnan ko at nagpalaki sa'kin, naaksidente siya dahil sa pagliligtas sa'kin." simula niya sa pagkukwento. Malamlam ang mata niya at ramdam ko ang lungkot niya.

"Yung bestfriends ko nung elementary ako, namatay silang pareho dahil sa pagliligtas sa'kin. Naligo kami sa ilog, napalayo kami sa pampang. Nung pabalik na kami, pinulikat ang paa ko kaya hindi ako nakalangoy. Binalikan nila akong dalawa, pero pare-pareho kaming tinangay ng alon. Nung may dumating na tao para sumaklolo samin, ako ang unang nailigtas. Sina Mandy at Rhea, huli na nga makita. Wala na sila." napaiyak si Kelly.

T'was the first time i saw her cried.

"Kung hindi nila ako binalikan, baka buhay pa sila hanggang ngayon."

"Hindi mo kasalanan ang nangyari, Kelly. Aksidente ang lahat." pang-aalo ko.

"No, it was my fault. Dahil malas ako. Si Gelou, inutusan ko siyang kumuha ng mangga kaya umakyat siya sa puno at nahulog. Muntik na siyang malumpo dahil sa'kin." patuloy sa pag-agos ang luha niya.

Yung nakilala kong Kelly na sing tigas at sing lamig ng yelo, unti-unti ngayong natutunaw sa harapan ko. She's hurting, and I hate it. I will do anything that will make her feel happy and loved.

Lagi siyang cold, sa Mama niya, kay Camille, kay Gelou, sa akin, sa lahat...pero hindi dahil sa wala siyang pakiramdam. Ayaw niya lang mapalapit ang iba sa kanya dahil natatakot siyang may mangyaring masama sa mga ito.

Naiintindihan ko na ngayon.

Hinarap ko siya at pinahid ko ang mga luha niya.

"Kapag malas ba si Camille, lalayuan mo ba siya?" tanong ko.

Umiling lang siya.

"Alam ko. Dahil ganun din kami. Kelly, kahit ikaw pa ang pinakamalas na tao sa buong mundo, hindi namin gugustohing iwasan ka, or iwasan mo kami. Tanggap ka namin. At para sa'min, hindi ka malas." tiningnan ko siya sa mata para ipakitang sincere ako sa mga sinasabi ko.

Nag-iwas siya ng tingin.

Nahihiya ba siya? Takte, ang cute! Nagba-blush si Kelly. O_O

"Malas pa rin ako." sabi niya habang nakaiwas ng tingin. >_>

"Pag sinabi mo pa ulit iyan, hahalikan na talaga kita." nakangiting banta ko.

Tiningnan niya ako ng masama, o mas tamang sabihing tinitigan niya ako, mata sa mata.

"Subukan mo...kung gusto mong magulpi." sagot niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Titiisin ko na ang sakit ng gulpi mo, mahalikan ko lang ang labi mo." nang-aasar na sabi ko. Nag-blush na naman si Kelly. At anak ng tupa, ang ganda niya!

Lalo ko pang inilapit ang mukha ko, malapit na malapit. Tapos tiningnan ko yung labi niya, kissable. Nakaka-tempt, amputek!

Inilayo ko ulit yung mukha ko. Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko eh. Nag-iwas ako ng tingin.

"Charlie..." mahinang tawag sa'kin ni Kelly.

Paglingon ko sa gawi niya, nagulat pa ako dahil nakalapit pala ang mukha niya sa mukha ko. At sa isang iglap...

Boom!

She kissed me.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon