**************************************
Lunes.
Walang pasok ang Star section dahil puyat ang lahat sa courage test kagabi. Iyan ang isa sa mga benifits ng nasa star section, dahil matatalino, allowed mag-organize ng kung anu-anong activities. :)
It's four in the afternoon, I'm on my way to school. Walang pasok, pero may date kami ni Kelly. Yea, ngayon ang date. Tinawagan na ko ni Gelou at pinapupunta na sa school.
"Am i late?" bungad ko sa SC members. Nandito kami ngayon sa likod ng school, sa hide out nila.
"Nope, sakto lang Papa charlie." sagot ni Regine.
Bakit nandito ang SC members? Dahil sila ang nag-ayos ng date nato...yung pagkain, yung ayos ni Kelly, yung ayos ng lugar, sila lahat.
"Asan si Kelly?" tanong ko.
"Nasa loob na." si Gelou.
"Ganun ba? O sige, papasok na ko."
Tumango lang ang mga ito.
Lumapit ako sa pinto ng room at binuksan ko iyon.
Wow ha, maganda ang pagkakaayos...romantic. May mga balloons sa paligid, red roses petals sa sahig, red heart-shaped curtain, at teddy bears everywhere. May red carpet na nakalatag sa sahig, sa dulo nun ay ang table na kinaroroonan ni Kelly. Candle-lit dinner?
Babae nga naman, nagkibit-balikat ako.
Lumapit na ko sa table. Nakatalikod si Kelly kaya di niya siguro alam na nandito na ko.
Pumunta ko sa likod niya para takpan ang mata niya.
"Don't dare!"
Di ko na naituloy ang paglapit ng kamay ko sa mata niya.
"Ang suplada naman." natatawang sabi ko sabay upo sa upuan na nasa opposite side niya.
"Kani---" di ko na naituloy ang sasabihin ng mapatingin ako sa kanya.
Wohow! Si Kelly ba to? Amputek, ang ganda! Naka-straight ang buhok niya at may ribbon sa ulo, light lang ang make-up pero tlagang maganda! Nasa labi niya ang isang daliri at inosenteng nakatingin sakin (external link).
Literal na napanganga ako.
"May problema ba?" untag niya sakin.
"Ha? Ah, wala. Nagulat lang ako sa itsura mo." sagot ko.
"Hindi daw nila ibibigay ang pera pag hindi ako nagpaayos sa kanila." paliwanag ni Kelly. Natawa ko. Lahat talaga gagawin para sa ten thousand?
"Bagay sa'yo." nakangiti ako.
Binato niya ko ng tissue na nasa harap niya.
Hala, bakit?
"Wag kang magsalita ng mga nakakahiyang bagay." singhal niya.
Huh! Ibang klase! Nahihiya siya? Yung iba nga nagkakandarapa, mapansin ko lang ang ganda. Di niya ba alam kung gaano siya kaswerte? Anak ng!
"Kumain na tayo." nakangiting sabi ko.
Hinawakan niya ang kutsara at tinidor at nagsimula ng kumain. Napangiti ako. Ang ganda niya talaga. Ang sarap niyang titigan at panuorin.
"Aray!"
Nagulat ako ng bigla niyang ihagis sakin yung tinidor. Anu bang problema niya?
"Tssss!Kumain ka! Ayoko ng tinititigan ako." sabi niya.
"Oo na! Ang bayolente eh, kailangan pang mambato."
Kumain na rin ako.
Kroo.
Kroo.
Kroo.
Tahimik lang kami habang kumakain. Bida ang mga kuliglig, parang ang awkward tuloy. Hay, pambihira! Ganito ba siya makipag-date?
Sabay pa kaming nagpunas ng bibig ng matapos kaming kumain.
Halatang hindi concious sa figure niya eh, daming nakain.
"Di ka ba diet ngayon?" tanong ko.
"Diet? Bakit ako magda-diet?" malamig na sagot niya.
"Astig ka talaga. Parang hindi ka normal na babae." ako.
Tiningnan niya ko ng masama.
"Hey, don't get me wrong. Mas gusto kita kaysa sa normal na babae." paliwanag ko.
Tumayo siya. O, walk-out?
"Where are you going?" tumayo ako at hinabol siya.
"Hanggang seven lang ako, kung ayaw mong maubos ang oras mo diyan kauupo, sumunod ka na lang." sagot niya.
Ayos ah, ako na naman ang susunod? Bat laging ako ang under? Ay, pambihira!
"So saan nga tayo pupunta?" kunot-noong tanong ko.
Ang bilis niyang maglakad ah, partida, nakahigh heels pa siya at nakadress ng above knee.
"Hindi ko alam. Kahit saan."
Ha? Ang labo!
Di na ko kumibo pa. Mahirap na, baka mamaya mabatukan pa ko eh. Papalabas na kami ngayon ng school...teka, papalabas na nga kami ng school.
"Hey, wait. Nasa parking area ang car ko." pigil ko.
Nakahinto kami ngayon dito sa harap ng gate.
"So? Sino naman nagsabing magko-kotse tayo?" taas-kilay na sabi niya.
Bigla siyang pumara ng padaang jeep.
"Jeep? Sasakay tayo diyan sa jeep?" tanong ko. Binigyan ko siya ng nasisiraan-ka-na-ba look.
"Bakit, kaya mo bang buhatin 'to?" pilosopong sagot niya.
Amp!
"Ayaw mo? Maiwan ka."
Pagkasabi nun ay sumakay na siya sa jeep. Aba't!
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod (na naman) sa kanya. Sumakay din ako sa jeep. Wala ng space sa tabi niya kaya dun na lang ako naupo sa opposite side.