Episode 8.3

3.7K 82 3
                                    

Pagkatapos kong uminom ng gamot, nahiga na ulit ako. Gabi na at wala rin naman akong ibang pwedeng gawin maliban sa matulog. Mag-isa na lang ako sa kwarto, binaba kasi ni Kelly yung pinagkainan ko. Isa pa, uuwi na rin siguro yun dahil gabi na.

Pinikit ko ang mga mata ko. Medyo mabuti na ang pakiramdam ko compared sa kanina.

"Tulog ka na?" bumukas yung pinto at pumasok si Kelly. Gulat na minulat ko ulit ang mga mata ko.

"You're still here?" tanong ko. At parang inaasahan ko na ang sagot niya.

"Di ba halata? Nakikita mu pa ko, diba? Tssss!" pilosopong sagot niya habang lumalakad papalapit sa upuan sa gilid ng kama ko.

"Anong oras na ba?" tinanong ko yun para maalala niyang gabi na at kailangan na niyang umuwi.

"Quarter to eight." tipid na sagot ni Kelly. Nilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at nagpipindot.

"Quarter to eight and you're still here? What time are you planning to go home?"

"I'm not going home. I'll stay here." walang emosyong sagot ni Kelly. Iniangat ko ang katawan para maupo.

"What? Paano si Camille? Ang Mama mo? Mag-aalala sila. Sige na, umuwi ka na. I can take care of myself." pagtataboy ko kay Kelly. Pero hindi siya natinag, ni hindi niya ako nilingon.

"Tinawagan ko na sila..nagpaalam na ako." patuloy siya sa pagpindot ng cellphone. Naglalaro yata. Nagbuntong-hininga ako.

"Nagi-guilty ka ba dahil iniisip mong ikaw ang dahilan ng pagkakasakit ko?"

"Hinde, okay? Matulog ka na nga! Wag mo kong intindihin." iritang sabi niya. At siya pa ang galit? Aysh. Bahala na nga siya!

Muli akong humiga.

"Pwede kang matulog sa kabilang kwarto pag inantok ka." Bumiling ako sa kabilang side, patalikod sa kanya.

Alam kong sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sakin kahit wala naman talaga siyang kasalanan. Ako ang nagpasyang hintayin siya. Gusto ko kasing magsorry sa kan...

Oo nga pala, di pa ako nakakapagsorry. Siguro dapat gawin ko na ngayon. Bumiling ako paharap sa kanya.

"Ah...Kelly..." panimula ko.

Ibinaba niya ang phone at tumingin sa'kin.

"Ah, ano. Kasi. Paano ko ba sasabihin? Kasi. Ano."

"Ano?" inip na tanong ni Kelly.

"Sorry." sagot ko. Kumunot ang noo niya.

"Sorry kung sinabi kong weird ka."

"Ayos lang. Totoo naman eh."

"Oo nga." sang-ayon ko. Tiningnan niya ako ng masama.

"Pe-pero sa lahat ng weird, ikaw ang the best! Gusto ko ang pagiging weird mo."

Iniangat niya ang kamay at akmang hahampasin ako.

"Hep! May sakit ako." pigil ko sa kanya.

"Ano ba kasing sinasabi mo jan?" binaba niya ang kamay at inirapan ako.

"Gusto kita." walang gatol na sabi ko.

Nag-blush si Kelly. Naghintay ako ng ilang sandali sa sagot niya. Pero hindi siya kumibo.

"Si Gino, gusto mo ba siya?" alanganing tanong ko. I'm not sure kung gusto ko ngang marinig ang sagot.

"Mahal ko siya." nakaiwas ang tinging sagot niya.

Ouch! Hindi ko na lang dapat tinanong. Ang sakit, dude! Hindi lang gusto, at mahal pa! Pambihirang buhay naman ito, oo!

"Ayaw mo ba sa kanya?" balik-tanong ni Kelly. Kailangan pa bang itanong yan? Syempre ayoko sa kanya. Pssh.

"Ayoko sa kanya. Ayokong ayoko." madilim ang mukhang tugon ko.

"Bakit?" tanong niya ulit.

"Isn't it obvious?" ako. -___-

"Tatanong ko ba kung alam ko? Bakit nga?" pangungulit niya.

Haist, nakakainis!

"Because I'm jealous! I am damn jealous!" malakas at iritadong sagot ko sa kanya. Tapos ay bumiling ako patalikod sa kanya. Now, what? Siguradong pagtatawanan niya na ako. -____-

"M-mahal ko si Gino. Mahal ko din si Gelou. Mahal ko si Camille, mahal ko si Mama." mahinang sabi ni Kelly habang nakatalikod ako. Anong ibig niyang sabihin?

"Pamilya ko sila. Masama bang mahalin ang kapamilya?" dugtong niya. Ibig sabihin ba mahal niya lang si Gino bilang isang kapamilya?

"Ang slow. Tsss!" bulong niya ng hindi pa rin ako kumibo. Ngumiti ako at muling humarap sa kanya.

"Gets ko." lalo ko pang pinalapad ang pagkakangiti ko.

"Tsss, anong nginingiti-ngiti mo jan? Para kang sira." tumayo si Kelly.

"Kung may kailangan ka, andun lang ako sa kabilang kwarto." sabi niya sabay lakad papunta sa pinto.

"Wait, may kailangan ako." nakangiti pa rin ako.

"Ano?" kunot-noong tanong niya.

"Gamot." ako.

"Gamot? Di ba nainom muna?"

"Ibang gamot." alam kong mababatukan ako sa naiisip ko, but I'll say it anyway. :)

"Anong gamot?" lumakad siya papalapit sa table.

"Kisspirin at yakapsule." pabirong sagot ko. Naningkit ang mata niya at saka humarap sa'kin.

"Gusto mong mamatay?" pagbabanta niya.

"Haha! Ito naman, di na mabiro." natatawang sabi ko. Nakasimangot na tinungo ulit ni Kelly ang pinto.

"Kelly!" tawag ko ulit. Tumigil siya sa paglakad.

"Ano na nman? Pag iyan, kalokohan ulit, sasamain ka talaga sa'kin." pagbabanta niya ng hindi humaharap. Grabe, parang hindi siya babaeng magsalita. Daig pa ang leader ng isang gang.

"Salamat sa pag-aalaga mo. Goodnight!" sabi ko.

Hindi siya kumibo. Nagpatuloy na siya sa paglabas ng kwarto.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon