(External link.
Charlie with aldred, his car.)
Sa jeep.
O_O Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong binatukan niya yung estudyanteng katabi niya. What the!
"Aray! Ano bang problema mo, miss?" galit na sabi nung bata, siguro nasa 13 ang edad nito.
"Hindi mo ba nakikita yung sign? 100% SMOKE-FREE! Bakit ka naninigarilyo?" singhal ni Kelly.
"Itapon mo sa labas yan!" utos pa niya.
Grabe, ganito ba talaga siya ka-violent? Mapapahamak siya sa ganyan eh. Tsk.
"Ayaw mo?" nanggigigil na sabi niya.
Padabog na itinapon nung bata yung sigarilyo.
"Ang bata bata mo pa, naninigarilyo ka na." irap pa niya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nung hindi na kumibo pa yung bata.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo?" pinanlakihan ni Kelly ng mata yung lalaking katabi ko na nakatingin sa kanya.
Ay, amputek! Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. May inaaway na naman siyang iba.
"Bakit ba ang sungit mo, miss? Hindi ka magkakaboyfriend niyan pag ganyan ka palagi. Ang ganda mo pa naman, sayang kung tatanda kang dalaga." sagot nung lalake.
Napangiti ang mga pasahero.
Aba't! Sumasagot pa eh.
"Kung katulad mo rin lang naman ang magiging boyfriend ko, hindi bale na lang." malamig na sabi niya.
"Ma, para!" sabi nung babaeng katabi niya. Di ko alam kung bababa na ba talaga yung ale, o natakot lang kay Kelly.
Tumabi ako sa kanya pagkababa nung ale. Umakbay ako sa kanya. Napatingin samin
Tiningnan niya ko ng masama.
"Sumakay ka na lang, pwede?" bulong ko.
Mukhang na-gets niya naman ako. Napatingin samin lahat ng pasahero. Well, actually kanina pa naman talaga sila nakatingin samin, pagkasakay pa lang. Sa gwapo ko ba naman nato, sino ang hindi mapapatingin? :)
Makalipas ang ilang minuto, pumara na si Kelly. Bumaba na kami ng jeep.
Mall? Magmo-mall kami?
"Ano'ng gagawin natin dito sa mall?" tanong ko habang naglalakad kami papasok.
"World of fun." maikling sabi niya.
So ang date namin ay sa world of fun?
Nagtuloy-tuloy nga kami sa WOF. Hindi ko alam na mahilig siya sa mga ganito.
Sa bungad ng WOF ay may videoke. Sakto! Perfect place para kumanta siya.
"Tara, basketball."
Sinabi niya yun sa tono na nag-uutos, hindi nag-aaya.
"Mauna ka na, bibili lang akio ng tokens." sagot ko. Sumunod naman siya. O diba, napapasunod ko din siya paminsan-minsan kaya wah nyong isiping under ako sa kanya.
Nagpunta na ko sa booth para bumili ng tokens. Tapos ay pinuntahan ko na siya sa basketball-an.
"Bakit ba ang tagal mo?" iritang bungad niya sakin.
Hindi ako kumibo. Iniabot ko sa kanya ang mga tokens na binili ko. Napatingin siya sakin.
"Bakit?" takang-tanong ko.
"Mauubos ba natin 'to? Bakit ang dami?"
Hay! Andaming reklamo eh!
"Edi itabi natin yung sosobra. Di naman napapanis yan eh." sagot ko.
"Ano?" singhal niya. Akmang babatukan niya ko.
"Hey, chill! Joke lang yun."
Pinigil ko ang kamay niya. Ang hilig mambatok, psss!
Nag-insert na ako ng token.
Tapos ay nagsimula ng maglaro.
"Kelly, padamihan tayo ng mapapalabas na ticket. Yung matatalo, may parusa." sabi ko habang nagsho-shoot ng bola sa ring.
"Okay." sagot niya. Napangiti ako. Huh! Expert yata ako dito. :)
Tatlo lang ang sablay sa mga tira ko. Sabi ko naman sa inyo expert ako dito. Bwahaha!
Kinuha ko yung tickets na lumabas sa machine.
Tapos ay si Kelly naman ang naglaro.
:o wow! Ang galing niyang magshoot! Takte, mas magaling pa yata sakin! :o
Ilang minuto siyang naglaro.
Alam nyo kung ilan ang sablay sa tira niya? Dalawa lang. :/
Kinuha niya ang tickets niya.
42 yung sakin, sana wag niyang malagpasan. *pray*
"Ang daya! Bakit 40 lang to? Eh mas mataas pa nga ang score ko kaysa sayo?" reklamo niya.
Napangiti ako. Thank You, Lord - sa loob-loob ko. May himala!
"Ahaha! Talo ka. Yes! Panalo ako. Bwahaha!" mayabang na sabi ko. Tapos biglang boom! Binatukan niya na naman ako.
"Aray!"
"Pinagtatawanan mo ko?" singhal ni Kelly.
Pag ako hindi nakapagpigil hahalikan ko 'to ng matahimik!
"Basta talo ka. May usapan tayo, may parusa ang matatalo."
"Oo na." sagot niya
Yeeeesss! Ito na yun, mapapakanta ko na siya.
"Ang parusa, kailangang kumanta ka dun." sabi ko sabay turo sa videoke. Tumaas ang kilay niya.
"Bakit?"
"Dahil gusto ko. Gusto kong marinig ang boses mo."
"Bakit?"
"Hay, andaming tanong! Basta yun ang dare."
"Sigurado ka?" si Kelly.
"One hundred percent." nakangiting sagot ko.
"Okay."
Hinila niya ko papunta sa videoke.
Orayt! Maririnig ko na din ang boses niya. Mako-confirm ko na rin kung siya nga yung batang tumulong sakin noon.