Monday : PM
CHARLIE's POV
Nasa loob kami ng classroom ng biglang pumasok si Mississippi.
"Star section, good afternoon!" bati niya.
"Good afternoon!" sabay-sabay na bati ng buong klase.
Siguradong may kinalaman kay Geli at Kelly ang ipinunta niya rito. Ano kaya ang naging desisyon niya? Matapos naming sabihin ni Kelly sa kanya ang totoong nangyari kanina ay pinalabas niya muna kami at pag-iisipan niya daw ang buong pangyayari. Napag-isipan na siguro niya kaya siya nandito.
"Hindi nman lingid sa inyo ung nangyaring away kanina, hindi ba?" panimula niya. Nagsimula ng magbulungan ang buong klase.
"Ssshhh! Makinig kayo. Dahil wala naman talagang nakasaksi ng totoong nangyari, walang sapat na ebidensya sa kung sino talaga ang may sala, dadaanin natin sa dating proseso." paliwanag ni Missi.
"Ma'am, ang unfair naman yata niyan." tutol ni Gelou.
"Tama si Gelou, hindi makatwiran yan, Ma'am." sang-ayon ko.
Ang dating proseso na tinutukoy ni Missi ay ang botohan. Boboto ang star section kung sino ang dapat na maparusahan. At dahil wala namang kasundo si Kelly sa klase kundi ako, si Gelou at si Jayson, sino sa tingin nyo ang mananalo? Dem!
"Well, wala akong magagawa. Ito ang batas." pinal na sabi ni Missi.
"Pero Ma'am!" sabay naming tutol ni Kelly.
"Walang pero-pero. Simulan na natin."
Dati, masaya ako kapag ginagawa namin ang botohan na'to. Lagi kasing ako ang pinagbobotohan. At dahil marami akong fans sa klase, hindi ako napaparusahan. Ngayon ko lang naisip kung gaano ka-unfair angbotohan na'to!
"Kung sinoman ang naniniwala na may kasalanan si Gelie, maaari ng tumayo." pagsisimula ni Missi.
Umugong na nman ang bulungan sa klase. Walang alinlangan akong tumayo.
"I'm sorry, Gelie. Naniniwala akong walang kasalanan si nee-chan." sabi ni Gelou sabay tayo. Sumunod naman sa kanya si Jayson.
Tatlong minuto na at tatlo pa lang kaming nakatayo. Meron lang 5 minutes para mag-isip at bumoto. Takte, mga makikitid ang utak!
"Bakit ayaw nyong tumayo? Sa palagay nyo ba magagawa talaga ni Kelly yung binibintang ni Gelie?" galit na sabi ko sa kanila.
Napayuko ang iba kong kaklase.
"Last one minute." pag-iinform ni Missi.
"Ano ba? Tumayo kayo!" galit na sabi ko.
"Charlie! Wag mo silang diktahan. Nasa kanila ang desisyon." si Missi.
Amputek naman o!
"Ten, nine, eight..."
Hanggang sa matapos ang countdown ni Missi ay wala na talagang tumayo.
Badtrip, mga utak ewan! Sh!t lang!
"Sa palagay ko, di ko na dapat pang tanungin kung sino ang kampi kay Gelie. Malinaw na kung sino ang nanalo."
Bumaling si Missi kay Kelly na nakatingin sa bintana.
"Ikinalulungkot ko, Ms. Kelly Park. Alam mo naman siguro ang magiging parusa mo."
"Mississippi, that's unfair. Wala namang kasalanan si Kelly." tutol ko pa rin.
"The decision is final, Mr. Yuan. Unless mapapatunayan mo na wala nga siyang kasalanan."
"Kung parurusahan n'yo si Kelly, idamay n'yo na rin ako. Yung mga gulong nangyari dati, ako ang may kasalanan nun, Mississippi. Ako ang laging nagsisimula ng away. Tinatakot ko lang yung mga kaklase ko para hindi ako isumbong at hindi maparusahan pero..."
"Mr. Yuan, tama na. Past is past, at hindi kita pwedeng parusahan ng dahil lang dun." putol ni Mississippi sa sinasabi ko.
"Edi mananapak ulit ako, magsisimula ulit ako ng gulo..."
"I'm warning you, Mr. Yuan. Kapag ginawa mo iyan, ikikick out ka na sa school na'to."
"Pambihira naman o! Ano ba kasing alam nyo? Kung tutuusin wala kayong karapatang magparusa!" hindi ko napigilang sagutin si Missi. Takte naman kase, inaapi niya si Kelly.
"Charlie, ano ba, tumigil ka na." awat ni Gelou sa'kin.
"Hinde, Gelou. Papayag nalang ba tayo ng ganon? Basta-basta na lang mapaparusahan si Kelly dahil lang hindi siya binoto ng mga 'to? Ano din bang alam ng mga iyan? Wala silang alam kundi ang manghusga ng tao!"
"Tumigil ka na, Charlie!"
Natahimik ang lahat ng biglang tumayo si Kelly.
"Mrs. Zipi, handa kong tanggapin ang parusa." balewalang sabi niya habang nakatingin sa'kin.
"Pero Kelly..."
"Manahimik ka nga! Para namang napakabigat ng parusa.Aalisin lang ako sa star section at ililipat sa section five. Hindi pa ko pupugutan ng ulo kaya wag kang OA! Psh."
"Pero Kelly, mahalaga sa'yo ang star section, di ba? Dahil nandito si Gelou. Isa pa, isa 'to sa mga paraan para maging proud sa'yo ang Papa mo. Di ba, kaya mo pinagbubutihan ang pag-aaral mo?" ako.
"Nee-chan..." malungkot na tawag ni Gelou.
"Ang drama n'yo. Tigilan nyo nga yan!" sabi ni Kelly tapos ay inabot niya yung bag niya at naglakad na palabas ng room.
Sumunod naman sa kanya si Mississippi.
Anak ng Putakte!
Ano pa ang silbi ng Star Section sa'kin kung wala na dito yung Star ko. Demit!