CHARLIE's POV
"Ayaw mo talagang pumasok?" tanong sakin ni Kelly pagkababa namin ng sasakyan. Nandito na kami sa bahay ni Lolo.
"Hindi na, maghihintay na lang ako dito." sagot ko.
"Okay. Kung ganon, papasok na ako sa loob. :|" paalam niya.
Tumalikod na si Kelly at nagsimula ng lumakad papunta sa loob.
"Ah, Kelly!" tawag ko bago pa siya makalayo. Lumingon si Kelly.
"Ano?" nakairap na tanong niya.
"Ah, yung mga bilin ko..wag mong kalimutan." paalala ko.
"Tsss! Paano ko makakalimutan eh paulit-ulit ka? Hmp."
"Naninigurado lang. Sige na, pasok na." nakangiting sagot ko.
Tumalikod na ulit si Kelly.
Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya, tinawag ko ulit siya. Ewan ko ba, di talaga ako mapalagay eh. :/
"Kelly!"
Inis na humarap ulit sakin si Kelly.
"Ano na naman?" iritang tanong niya.
"Bilisan mo lang ah. Wag kang magtatagal." sagot ko.
Hindi na sumagot si Kelly. Tumalikod na siya at nagpatuloy ulit sa paglakad.
"Kelly!" tawag ko ulit.
"Urgh! Wag na kaya akong tumuloy!" galit na sabi niya sakin sabay lingon.
"Sorry naman, babe. Sige na, pumasok ka na."
"Isang tawag mu pa, masasaktan ka talaga sa'kin." pagbabanta niya.
Sus, ang tapang eh. :/
Pinanood ko si Kelly hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. *sigh*
Binuksan ko yung pinto ng kotse, sa loob nalang ako maghihintay.
Pero bago pa ko makapasok sa loob, biglang may bumusina sa labas. Mabilis na binuksan ng guard ang gate.
Sino naman kaya ito? Hindi kaya...?
Tuloy-tuloy na pumarada yung kulay asul na kotse sa tabi ng sasakyan ko.
Maya-maya pa ay nakangising bumaba si Marco. Tsk. Sabi na eh.
Tumingin siya sa'kin.
Takte, kapag minamalas ka nga nman, oo.
"Hey, cousin. Long time, no see. I'm glad to see you here." bati niya sakin. Pambihira, sarap upakan, tsk.
"Why are you here? I mean, why don't you go inside?" nakangising tanong niya. Halatang nang-aasar itong isa na'to eh. Tsss!
"Pwede ba, lubayan mo ko. Pumasok ka na sa loob at naaalibadbaran ako sa pagmumuka mo." inis na sagot ko.
Tumawa ng malakas si Marco. Grrr! Tuwang tuwa ang mokong na'to.
"Bakit parang naiinis ka sa'kin, ano bang ginawa ko sa'yo?" tumatawang tanong niya.
"Pag di ka pa lumayas, uupakan na kita." pagbabanta ko.
"Haha. Relax, dude! Chill lang. Sige na, mukang ayaw mo talaga akong kausap eh, so paano? Edi si Lolo at ang girlfriend mo na lang ang kakausapin ko sa loob."
Natatawang tumalikod si Marco at naglakad papasok.
Madapa ka sana. Putek!
Pumasok ako sa loob ng sariling sasakyan at nagpatugtog. Kailangan kong libangin ang sarili ko habang naghihintay para di ako mag-isip ng kung anu-ano. :|
XXX.XXX
KELLY's POV
Sampung minuto na rin kaming nakaupo ni Lolo, naghihintay sa paimportante niyang apo.
"Maaga ko siyang pinapunta para makapagbonding kami ng mas matagal pero hanggang ngayon wala pa. Ang batang iyon talaga, masyadong busy sa pag-aaral." nakangiting sabi sa'kin ni Lolo.
Busy sa pag-aaral agad? Di ba pwedeng di lang tlaga siya marunong tumupad sa usapan. Amp!
"O! Heto na pala siya." masiglang tumayo ang matanda at sinalubong ang apo.
Napatingin ako kay Marco.
Anong itsura niya? Tulad ng sinabi ni Charlie, mas gwapo nga si Marco kaysa sa kanya. Pero itsura pa lang mahahalata mo na ang lakas ng hanging dala ng isang 'to. >.<
Lumapit silang dalawa sa'kin. Napilitan tuloy akong tumayo. Hmp.
"Apo, this is Kelly.
And Kelly, this is my grandson Marco." masayang pagpapakilala ng matanda sa aming dalawa.
"Hi, please to meet you." nakangiting bati niya sa'kin. Parang na-imagine kong bigla yung maaarteng tilian ng mga classmates kong babae nung ngumiti siya. Kung nandito kasi sila, sigurado laglag na nman ang panga nila sa kagwapuhan ng isang 'to. No wonder, maraming nabibiktima. Psh.
"Ah, Kelly..." nakangiting untag sakin ni Lolo. Saka ko lang napansin yung nakalahad na kamay ni Marco.
Napansin ko din yung makahulugang tinginan nung dalawa. Yung 'napatulala-siya-sa-kagwapuhan-mo-kaya-posibleng-maakit-mo-siya' na tinginan. Ampupu. Kasalanan ng mga kaklase ko. >.<
Inabot ko yung nakalahad na kamay niya. Dinala niya sa labi niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Tsss! Lumang tugtugin. :|
Hangga't maaari, pinapanatili ko ang 'cold look' ko.
"Maupo na tayo." sabi ni Lolo. Sumunod naman kami ni Marco.
"I'm sorry Lo, alam kong late ako sa usapan. Andami ko kasing school works na tinapos eh." paliwanag ni Marco sa matanda.
"Napakasipag mo talagang mag-aral apo." nakangiting sagot ni Lolo.
"Kung si Charlie yon, siguradong darating siya twenty minutes bago ang itinakdang oras." singit ko sa pagbobolahan ng magLolo.
Sabay silang napalingon sa'kin.
"Naniniwala kasi si Charlie na ang pagiging late sa usapan ay isang uri ng pagnanakaw. Ninanakaw mo yung oras ng kausap mo." nakangiting dugtong ko sa sinabi.
Tahimik na nagtinginan yung dalawa.