Episode 11.2

3.2K 68 0
                                    

KELLY's POV

"Nandito na ko." bati ko kay Camille. Nadatnan ko siya sa sala at nanonood ng TV.

"Hi Kelly." matamlay na bati ni Camille.

Naupo ako sa tabi niya.

"Bat magkasalubong yang kilay mo?" tanong ko.

Naghalukipkip siya.

"Nakakabadtrip kasi sa school kanina eh." naka-pout na sagot niya.

"Bakit, anong nangyari? May umaway ba sa'yo?" alalang tanong ko.

"Wala, Kelly. Walang umaway sa'kin. Badtrip lang ako dahil sa bestfriend ko." paliwanag niya.

"Anong meron sa bestfriend mo?"

"Eh kase may bago siyang kakilala sa kabilang section." si Camille.

"O, tapos? Anong nakakabadtrip don?" naguguluhang tanong ko.

Kababata, kadaming issues. Amp.

"Kaninang break time, kasama naming nagmerienda yung bago niyang kakilala. Tapos parang napansin ko na gusto niyang kasama yun kasi ang saya-saya niya habang nag-uusap sila."

"Tapos?" di ko talaga gets. :S

"Wala. Nagseselos lang ako. Hmp."

"Nagseselos?"

"Oo. Kasi baka bukas o sa makalawa, malaman ko na lang na mas gusto na niyang kasama yun kesa sa'kin. Isipin ko pa lang na maagaw siya ng iba, nababadtrip na talaga ko. >.<" dugtong ni Camille.

Napatulala ako.

Natatakot maagaw ng iba? Nagseselos?

"Ganun ba ang selos? Yung ayaw mong makita siya na may kasamang iba. Yung gusto mo sa'yo lang ang atensyon niya. Yung sa tuwing may ibang babaeng dumidikit sa kanya, kumukulo ang dugo mo at gusto mong sabunutan yung babae. Yung parang tinutusok ng karayom ang puso mo tuwing naiisip mo na masaya siya sa iba. Yung..."

"Kelly! Tungkol sa'kin pa ba yan, o tungkol sa'yo na?" bigla akong nahimasmasan ng magsalita si Camille.

"Ha? Ano yun?" tanong ko.

"May nangyari ba sa inyo ni Charlie? May ibang babae ba siya?"

"Ha? Ano bang sinasabi mo jan? Wala. Kalimutan mo na yung sinabi ko." tumayo ako.

"Magbibihis na ako." sabi ko sabay lakad papunta sa kwarto.

"Uyyy, si Kelly, nagseselos." pang-aasar ni Camille.

"Manahimik ka nga! Hindi ako nagseselos. Imposible!" inis na sabi ko. Padabog kong isinara ang pinto.

XXXXX

Wednesday.

Mag-isa akong kumakain ng lunch sa cafeteria dahil busy si Charlie sa Nicole niya. Ni hindi na niya ko pinapansin, samantalang kelan lang eh sinabi niyang gusto niya ko. Tsss. Sinungaling! >.<

And speaking of Charlie at Nicole, kapapasok lang nila ngayon dito sa cafeteria. Tulad ng dati, nakakapit si Nicole sa braso ni Charlie. Pareho silang nakangiti.

Nagtuloy sila sa table kung saan nandun sina Jared, Vince at Sed. Inalalayan pa ni Charlie sa pag-upo si Nicole. Tapos ay nagpunta si Charlie sa counter para bumili ng pagkain.

Teka nga, ampupu! Bakit ba sinusubaybayan ko bawat kilos nila? Hmp.

Nawalan na ako ng ganang tapusin ang pagkain. Uminom ako ng tubig, at tsaka tumayo na para umalis. Biglang sumama ang ihip ng hangin eh. :|

Naglakad na ko palabas ng cafeteria. Pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng biglang may paang pumatid sa'kin. Hindi ko napansin yon kaya dali-dali akong nadapa.

"Oopps, sorry. Di ko sinasadya. Ikaw nman kasi eh, di ka tumitingin sa dinadaanan mo." halatang nang-aasar na sabi ni Gelie.

Di talaga ko nilulubayan nito eh. Tsk, pag ako hindi nkpagpigil, papatulan ko 'to.

Napalingon ako sa paligid, nakatingin sa'kin halos lahat ng nasa loob ng cafeteria, pati sila Charlie.

Inirapan ko siya, at tsaka ako tumayo. Pinagpag ko ang damit ko pagkatapos ay nagtuloy na akong lumabas ng cafeteria.

*************************************

CHARLIE's POV (Namiss ko 'to agad.. haha)

Galit na ibinagsak ko sa mesa ang kutsarang hawak ko. Nagulat naman ang barkada ko pati si Nicole.

"May problema ba, honey? Di mo ba gusto yung pagkain?" malambing na tanong ni Nicole.

"Bat biglang nagdilim yang itsura mo?" takang-tanong ni Vince.

Tumayo ako.

"Tama na. Hindi ko na kaya." sabi ko sabay tingin kay Nicole.

"Let's stop this. I can't do this anymore!" galit na sabi ko.

"Ano bang sinasabi mo jan, tol?" si Sed.

"Hindi ko ugaling sumira sa binitiwan kong pangako. Pero anak ng putakte naman, ibang usapan na kapag nasasaktan na si Kelly. Pasensya na pero hanggang dito na lang ang kaya ko. Hindi ko na kayang ignore-in pa siya. Hindi ko na kayang..."

Tumawa si Nicole.

"I'm expecting this. Sa tuwing magkasama tayong dalawa, alam kong laging si Kelly ang nasa isip mo. Salamat sa pagpatol mo sa kalokohan ko. Sa totoo lang, wala ka naman talagang utang na loob sa'kin. Ako pa nga ang may atraso sa'yo at kay Kelly. Nadala ko ng inggit ko kay Kelly kaya ko nagawang magsinungaling kay Missi. Go ahead, sundan mo na siya. Pinapalaya na kita." mahaba at malungkot na sabi ni Nicole ka.

"Ano bang nangyayari?" nagtatakang tanong nung tatlo.

"Mahabang kwento." sagot ni Nicole. Tumayo ito.

"Charlie Yuan, break na tayo. Masyado akong maganda para sa'yo. Wag kang mag-alala, ako na ang bahalang magpaliwanag sa lahat." sabi niya sa'kin.

Tumango ako.

"Salamat, Nicole."

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon