Episode 7.3

3.9K 71 0
                                    

"Pare, isang linggo ka ng badtrip ah. Ano bang problema?" tanong sa'kin ni Jared.

Andito kami sa bahay nila, nakatambay.

"Tinatanong pa ba yan? Yun kasing si Gino, isang linggo ng nakabakod kay Kelly. Hindi niya tuloy malapitan." si Sed ang sumagot.

"Haha, di ko alam na mapapatiklop ka ng ganun ni Kelly. Dahil lang dun, isang linggo ng maasim yang mukha mo." si Jared ulit.

"Oo nga naman tol, marami pang ibang chickas jan. Wag mo ng habulin pa si Kelly, may Gino na pala eh." si Vince.

Dumakot ako ng kinakain kong chips at ibinato ko sa kanila.

"Tigilan nyo nga ako! Mainit ang ulo ko." Pssh. Badtrip talaga!

"Feeling ko talaga may relasyon na yung dalawa. Kita nyo naman, kung saan magpunta si Kelly, nandun lagi si Gino. Kadalasan naka-akbay pa. Tapos hindi man lang tumututol si Kelly." si Sed.

"Oo nga tol, tapos may nakahuli pa daw sa kanila dun sa rooftop. Nakayakap si Gino kay Kelly." dagdag ni Jared.

Mga tsismoso. Tsss!

"Tumigil na nga kayo! Lalo akong nababadtrip eh. Isipin ko pa lang na may ibang kamay na humahawak kay Kelly, kumukulo na ang dugo ko." awat ko sa tatlo.

"Ibang klase kang magselos, tol." si Vince.

"Humanap ka na lang ng iba, tol. Ikaw na nga ang nagsabi, weird si Kelly. Di siya girlfriend-material." si Sed ulit.

Yun pa ang isang dahilan kung bakit di na ako makalapit kay Kelly. Sinabihan ko siyang weird.

Naalala ko pa nung hapon na yun.

*Flashback*

Gusto kong ihatid siya pauwi kaso naunahan na nman ako ni Gino. Kaya ang ginawa ko, hinawakan ko siya sa kamay at hinila. Pero hinawakan din siya ni Gino sa kabilang kamay. Hawak namin siya sa magkabilang kamay niya. Para kaming naghihilahan kay Kelly.

"Ako na ang bahalang maghatid kay Kelly." sabi ko habang hawak yung isang kamay niya.

"May plano na kami ni Kelly kaya pwede ba bitiwan mo na siya!" sagot ni Gino.

Galit na hinila ni Kelly yung parehong kamay niya. Tapos nilingon niya kami, salitan.

"Kelly, sumabay ka na sa'kin." sabi ko. Tiningnan niya ko. Akala ko pipiliin niya na ako eh.

Pero nagtaas siya ng isang kilay, tapos...

"Bakit ka sasama sa isang weird na tulad ko?" malamig na sabi niya sa'kin. Kinuha niya yung bag niya at iniabot kay Gino tapos lumabas na siya ng room.

Ako, naiwan na nakatayo lang, tulala. Paulit-ulit na nagrewind sa utak ko yung sinabi niya. Galit siya dahil sa sinabi ko.

*End of flashback*

"Basta akin si Kelly. Walang ibang makakaagaw sa kanya." wala sa sariling sabi ko.

Nagtawanan yung tatlo.

"Grabe, iba na yan. Parang namagic ka na ni Kelly. Ginayuma ka ba niya?" biro ni Sed.

"Manahimik ka nga! Magkamatayan na, akin siya." matapang na sabi ko.

Binato ako ni Sed ng chips.

"Ang corny mo!" natatawang sabi niya.

"Tutulungan nyo ba ako o hinde?" tanong ko.

"Hinde!" sabay-sabay na sagot nung tatlo.

"Ganyanan ah. Tingnan ko lang pag kayo nainlove. Hinding hindi ko kayo tutulungan." pagbabanta ko.

Alam kong nagbibiro lang sila. Ganyan naman yang mga yan eh, kabaligtaran lagi ang sinasabi. Pero hindi rin nila ako matitiis.

Basta, gagawin ko ang lahat makuha lang si Kelly. Akin siya.

"Bakit kaya hindi mo puntahan sa bahay? Siguro naman hindi sila nakatira ni Gino sa iisang bubong. Walang nakabantay sa kanya ngayon." suggestion ni Vince.

Oo nga naman. Linggo ngayon at siguradong hindi sila magkasama ni Gino.

"Paano kung galit pa rin siya?" alangang tanong ko.

"Ah, umuurong ang buntot ng bata natin o." biro ni Sed. Binato ko siya ng chips.

"Ogag!"

"Kaya ka nga pupunta eh. Susuyuin mo." si Vince.

"Tol, di mo kasi kilala si Kelly. Hindi siya madadaan sa flowers at chocolate tulad ng iba."

"Babae pa rin si Kelly. Nature ng mga girls ang madaling kiligin. Tyaga lang, tol! Hindi ka matitiis nun." si Jared.

"Nga naman. Basta ang gawin mo, siguraduhin mong kakampi sa'yo yung pamilya. Pag nagkataon, madali na lang makuha si Kelly." sang-ayon ng Sed.

Kung alam lang nitong mga 'to. Kakaiba si Kelly. Hindi siya ng isang typical girl na madaling pakiligin at pasagutin. Manhid yun eh.

"Magtapat ka na pag nakahanap ka ng tyempo. Baka maunahan ka pa ni Gino." si Vince.

"Anung baka? Naunahan na nga siya ni Gino. Haha! Torpe kasi eh. Nawawalan ng balls pagdating kay Kelly." pang-aalaska na naman ni Sed.

"Tumahimik ka ah. Pag ikaw ang tinamaan ni Kupido, wag na wag kang lalapit sa'kin para humingi ng tulong." sabi ko.

"Imposible yun tol. Kaming tatlo, hinding hindi gagaya sa'yo." natatawang sagot niya.

"Wag kang magsalita ng tapos, tol." sabi ko na lang.

Tama sila, dapat puntahan ko na sa bahay si Kelly. Tama, tama. Pupunta ako sa kanila.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon