This chapter is dedicated to my anak. Hi Ate Myline!
___
Annoying
“Hey! Sabi ko na nga ba at ngayon ang labas ninyo.” He slightly chuckled and brushed his already messy hair. Napatanga ako sa harapan nito pero nang matauhan ay agarang kumunot ang noo ko.
“What are you doing in here?” I asked. Nilingon ko ang likuran niya kung nakasunod ba sina Mommy at Daddy pero wala akong nakita kaya ibinalik ko na lang sa kaniya ang tingin ko. As far as I remember, we are not close. Hindi ibig sabihin na naihatid niya ako kanina ay magkaibigan na kaming dalawa.
And I’m not even planning to have some friends!
“Hala, sino iyan? Bakit ang pogi?” Narinig ko ang paghagikhik ni AC at kasunod nito ay ang tuluyan na niyang paglapit kay Mr. Azlan. I am calling him Mr. Azlan because it was clearly obvious that he’s way older than me. Habang ito namang si Aizelle ay parang nakakita nang isang kayamanan sa paraan nang pagtitig niya sa lalaki.
Kumunot ang noo ko bago ngumiwi. I remember her saying about her target or ‘gwapo’ for specifically. Gwapo nga ang lalaking tinititigan niya pero mas matanda pa rin ito sa amin. Hindi sila bagay kapag nagkataon.
Mr. Azlan is too old for her.
Napangiwi ako. Masiyadong walang lasa si AC para sa mga lalaki.
“Kuya Az--”
“Oh! Lezzana Montreal, ikaw pala iyan!” Kumaway si Mr. Azlan kay Lez. They looked close. Montreal ang pinsan ko. Also, he’s my parents business partners so it will not be a suprising truth anymore if they knew each other. I pouted my lips. Nakaabang ako sa susunod nilang pag-uusapan.
“Bakit ang gwapo mo po? What’s your name, kuya?” Kumurap kurap si AC at nakuha pang pindutin ang braso ni Mr. Azlan gamit ang daliri niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Like what the fudge?
Natawa si Lez sa inasta ng kaibigan niya. Ang lalaking kasama namin ay ngumisi naman at inilahad ang kamay niya kay AC.
“My name is Azlan. Azlan Zephyrus Vergara...”
“Woah! Hala, ikaw iyong peymus?! Omg! Pa-picture ako, kuya! Ipagmamayabang ko lang sa mga pinsan ko hehe...” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni AC. Famous? Famous siya? Bakit wala naman ata akong alam kung famous naman pala siya.
“Geez, hinay-hinay lang AC at baka maiuwi mo si Kuya Az--”
“Picturan mo kami, Lez.” Inabot ni Mr. Azlan ang cellphone na hawak. Kay AC iyon na agad niyang nakuha nang sabihin niyang magpapa-picture siya dahil nga ay sikat ang lalaki. Grabe naman iyon. Sikat siya pero hindi ko alam. Puwede ba iyon?
What is he anyway?
Hinintay kong matapos ang photography class nila at nang matapos ay may pahabol pang yakap si Aizelle na halatang kilig na kilig sa simpleng bagay na iyon.
“I’m going now...” usal ko nang sa wakas ay natapos na sila. Lahat sila ay napatingin sa akin dahil sa sinabi ko. Napanguso pa ako nang makitang dali-daling inabot ni Mr. Azlan ang cellphone ni AC kay Lez bago siya nagmamadaling lumapit sa akin.
Uh...?
“Ang maghahatid sa iyo?” tanong ni Lez na ngayon ay balik na naman sa pagiging protective. Her forehead creased as she asked that question.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
RandomA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...