A New Chapter?

153 7 4
                                    

Where Is He?

When life face me with its wrath, all I did was conquered it with darkness. Because that time, I still had him. He is still there to guide me.

“Ayshia!” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kuya Kian while half running waved at me, nakuha pang ngumisi kaya sumingkit lalo ang mata niya.

“Bakit nandito ka na naman, ha?” tanong ko sa kaniya nang huminto na siya sa mismong harapan ko. Months had passed, nagpatuloy ang buhay ko kahit tuluyan ng nawala siya. Gabay ko ang mga kaibigan ko sa bawat hakbang na ginagawa ko. Nagpupunta pa rin ako sa doktor ko para sa isang annual checkup, at tumigil lang ako last week. I was already declared fully healed that time.

Match na match daw ang puso niya sa akin kaya hindi ako nahirapan. Wala rin itong naging side effects, hindi tulad ng nangyayari sa iba. Kahit wala na siya ay hindi niya pa rin ako pinapabayaan.

“Ako ang maghahatid sa ‘yo. Come on, male-late ka na sa klase mo.” He offered his hand na agad kong tinanggap. Nilingon ko ang isa pang swing kung saan siya nakaupo noon. Nandito ako sa playground kung saan ako napadpad noong gabing nagtampo ako kay Mommy dahil sa nalaman.

Kada umaga o gabi ay pumupunta ako rito para alalahanin siya. Hindi ko pa siya actually nabibisita sa sementeryo dahil natatakot ako. Tanggap ko naman, pero baka magbago rin ang isip ko kapag nakita ko ang pangalan niya sa lapida. Matapang lang ako ngayon pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko iyon mapapanindigan.

“Wala ka bang trabaho? Palagi mo na lang akong binabantayan, hindi naman na ako bata. And I’m perfectly fine, I can handle myself, kuya.” Kumunot lang ang noo nito at hinila ako para akbayan. Naglakad na ito pasulong kaya nasama na rin ako.

“May pinangakuan ako. Wala akong balak na sirain ang pangakong iyon,” bulong niya. Sapat lang iyon para marinig ko. Nagpakawala ako ng mahinang singhap bago tipid na lamang na ngumiti.

Natahimik na kami pagkatapos niyon. Hindi ko alam kung paano kami naging malapit lalo ni Kuya Kian sa isa’t isa. I just always found myself in his arms every time I remembered him. Maraming bagay ang nagbago sa nagdaan na buwan. Canix transferred to Sanford University. Ang naiwan na lang sa school ay kaming apat nina Nicho, Lez, at Xian. Sila ang gumabay sa akin noong hindi ko kayang makipagsabayan sakanila sa pag-aaral. Natapos ko ang grade eleven ng nandiyaan sila. Kapag may outing ang mga pinsan ko sa kahit saan ay palagi na akong nasasama.

Hindi ko nga alam kung kailan sila nagsimula sa pang-iistorbo sa akin. But I appreciated their efforts. It really helps me a lot to get going.

School happened in the next months. I spent my time with my family and friends. Kapag may time ay nagkikita pa rin kami nina Canix lalo na kapag hindi ito busy. Hindi ko namalayan ang pagdaan ng oras tulad noon. Ni hindi ko napansin na naghilom na ng dahan-dahan ang sugat na noon ay palaging kumikirot.

Everything happened like the flash.

“When are you going home?” Lezzana asked from the other side of the phone. Rinig ko rin ang boses ni Jade roon. Allana is already married to someone kaya hindi ko na napapansin kung saan siyang lupalop na napunta. Kuya Jacob is I don’t know, ewan ko sa pinsan kong iyon at panay rin ang gala. While Kuya Rex is also nowhere to be found. It had been seven years. Seven years without him.

Lumamlam ang mga mata ko habang nakatitig sa maliwanag na city lights ng New York. I had been here since the day I graduated from College. Wala akong klaro na plano noon, pero gusto kong lumayo. Isa ang New York sa napuntahan namin noong nag-outing kaming magpipinsan. I fell in love with the place kaya nang sinabi kong gusto kong huminga muna ay ito agad ang naisip kong puntahan.

Azlan's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon