Ito ata ang pinakahabang chapter na nagawa ko HAHAHAHAH. Happy reading, navies!
-admiral rosas.
__
Rainbow
“Friends na kayo ni Sir Azlan, Shia?” tanong ni AC sa akin. Doon lang din ako napakurap-kurap at natauhan. Nilubayan ko nang tingin si Mr. Azlan bago nilingon ang kaibigan ko na ngayon ay nakanguso na naman. Ang tingin din ng iba naming kasama ay nasa akin na.
“No.” I timidly shook my head and looked down. Nagpakawala ako ng isang tikhim dahil sa ilang na biglaang naramdaman. That guy never fails to quiver my system. Ito at napatulala na naman niya ako dahil sa mga salita niya.
Inabot ko ang kutsara at nagsimula nang sumubo sa mabagal na paraan. Hindi na rin naman nagtanong pa si AC at nakipag-debatehan na naman kay Xian. I didn’t mind them and resumed eating. Sina Lez, Nicho at Canix ay tahimik lang din na kumakain pero kapag inaangat ko ang tingin ko ay napapansin ko ang titig ni Lez sa akin minsan. It’s kinda discomforting so I always tear my gaze away from her.
Rumarami na rin naman ang tao sa kantina kaya nahahati ang atensyon ko sa kanila. And I’m waiting for him to come back too. Baka ay tinakasan lang pala kami at hindi siya kakain. Pabalik-balik ang tingin ko sa plato ko pati sa daan na tinahak ni Mr. Azlan kanina. Minsan ko lang naman tinitignan dahil baka makahalata sila at magtaka. Hindi ko naman iyon kaibigan. I don’t like him either so there’s no reason for me to be concern at all. Pero hindi ko mapigilan...
“Ala! Truth or dare pala tayo pagkatapos, ah! Sige na, please?! Ngayon lang naman e!” sa sigaw na iyon ni AC ay nakuha na naman nila ang atensyon ko. I give a quick glance to our surroundings. Nakahinga ako nang maluwag ng hindi na kami binigyan pa nang pansin ng ibang estudyante. Nasanay na rin ata sila sa babaeng ito.
“Game ako. Kayo?” ngumiti si Lez at nagtanong sa iba na agad sumang-ayon. Nang lingunin nila akong lahat ay tanging tango ang naisagot ko. Wala rin naman akong choice dahil sumali na silang lahat. It would be too out-of-place if I’ll be staying in the table but will not join them. Alam ko namang hindi nila ako pipilitin kung ayaw ko pero wala na ako sa comfort zone ko kaya ano pang dapat kong ika-stiff? Ika nga nila ay sobrang stiff ko saka laro lang din naman ito. Puwede namang truth na lang lagi ang piliin ko.
Dahil napagkasunduan na ay nagpatuloy ulit kami sa pagkain. Sa kalagitnaan pa nang pagnguya ko ay naamoy ko ang isang pamilyar na pabango. May humila sa libreng upuan sa tabi ko at umukopa niyon. He placed his own tray in the table. Dalawang cup ng rice iyon at afritada. May isang baso ng juice at isang bottled water din.
“Uy, sir! Bumalik na rin kayo hehe. Kanina pa po kayo hinahanap ng mga mata ni Ayshia e. Akala siguro ay tinakasan mo.” Dahan-dahan akong napalingon kay AC. Nakangiti ito, tila isang batang nakalaklak na naman ng asukal dahil sa pagka-hyper. Lumunok ako ng wala sa oras at naglikot din ang mga mata ko.
I-I didn’t know...
Bumukas sara ang bibig ko para may sabihin. I didn’t know that she noticed it! Akala ko ay walang nakapansin sa tinitignan ng mata ko. Sa huli ay iniwas ko ang tingin sa kaniya at itinuon na lamang ang tingin sa pagkain ko. Kumunot pa ang noo ko na tila may pinoproblemang malaki na bagay.
“Huh? Hinahanap ba siya ni Ayshia? Hindi naman a. Sobrang tahimik nga ng baby natin at behave na behave habang kumakain e,” angal ni Xian sa kaniya.
“Hindi kaya! Tch, nakatingin ka kasi sa ibang tao kaya hindi mo alam! Hindi ba, Lez? Kanina pa tumitingin si Ayshia sa dinaanan ni Sir Azlan?” tanong pa nito sa pinsan ko na mas lalong alam ko na nakakaalam kung saan lumilipad ang tingin ko kanina dahil sa patingin-tingin nito sa akin. I just really hate how innocent AC can get. Ni hindi niya alam na nahihiya na ako sa mga pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
RandomA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...
