Chapter Nine

186 15 1
                                        

Double update! Hihi.
-admiral rosas.

__

Driver

“Good morning, baby!” Mommy greeted me while smiling widely. Nakayakap ito kay Daddy na hawak-hawak naman ang bewang niya. They look so sweet and happy.

“Morning, Mom. Morning, Dad.” I kissed their cheeks. Agaran namang pinanggigilan ni Mommy ang pisngi ko sa kakakurot. Hinayaan ko siya kahit medyo masakit iyon pero agad din naman niyang tinigilan nang sawayin siya ni Daddy.

Maaga akong nagising ngayon, taliwas sa nakasanayan na kailangan pa akong ipagising kay Yaya Milan. That’s always her job in the morning because I am the most sleepyhead among us all. Ang sabi nga ni Yaya Milan ay baka kahit lumindol na at bumagyo ay hindi pa rin ako magising. I just shrugged my shoulders that time because what she said is clearly possible to happen. 

Kaya rin naman ako maagang nagising dahil hindi ako nakatulog nang maayos. Masama iyon sa kalusugan ko kaya pinilit ko ang sariling matulog na nangyari rin naman, pero iyon na nga at nagising naman ako nang maaga. I’m still stucked with what happened last night. Ang mga salita ni Mr. Azlan ay tumagos sa kaloob-looban ko na tila naging patalim pa na nangongonsensiya dahil sa pagiging matigas ko. Hindi naman ako ipinaglihi ni Mommy sa bato kaya hindi ko rin alam kung bakit ako ganito at mas lalong hindi sa yelo kaya nakakatakang nanigas na nang tuluyan ang puso ko.

Ayaw kong magpapasok nang kahit sino sa mundo ko, ni ayaw kong sirain nila ang harang na ginawa ko. Dahil sa oras na mangyari iyon ay puwede na rin nilang masira ang iniingat-ingatan ko.

I stared at my Mom’s happy face. Hindi lingid sa kaalaman ko na nasasaktan ko sila. Nasasaktan din naman ako sa ganoong sitwasyon pero sanayan na lang ata ito.

“Wow! You woke up early, ate!” Natawa si Paolo at agad lumapit sa akin para yumakap. This clingy boy. Napailing na lang ako bago hinaplos ang buhok niya. He giggled and gestured for me to level my face to his that I immediately did. He soundly kissed my cheeks that made me smile a bit. Kung sino mang makabibihag sa kapatid kong ito ay masuwerte. He is sweet.

“Let’s eat na!” anunsiyo ni Mommy na agad kaming inakay para makapasok sa kusina. Kahit si Ate Yna ay nagulat nang makita akong maagang nagising, si Yaya Milan ay malapit pang mapaso nang makita rin ako. Hindi sila makapaniwalang nagising ako nang maaga ng hindi man lang ginigising. Ganoon nga ata talaga ako kaantukin.

“You should always woke up early, Ayshia. Tapos mag-exercise ka para na rin mas lalong maging active ang katawan mo. Hindi exercise na mahihirapan ka nang sobra at mapapagod. Kahit maglakad-lakad ka lang dito sa palibot ng village ng mga five para makalanghap ka rin ng sariwang hangin,” Ate Yna suggested. Ngumiti ito at inilahad na sa akin ang medical kit ko. I accepted it and put it beside me. Hindi pa ako nagbibihis o naliligo dahil maaga pa naman kaysa sa nakasayanan ko. Ito rin ata ang kauna-unahang pagkakataon na maaga kaming kakain ng breakfast.

Palagi kasi nila akong hinihintay matapos para sabay na lang kaming lahat. And I always end up being woken up by Yaya Milan. Siya lang din naman kasi ang nakakapagpagising sa akin. Kahit malayo ito ay ramdam ko na agad ang presensya niya. Besides, she’s always using my new year’s resolution to blackmail me. Na kesyo nangako akong magbabago at gigising na nang maaga, na susunod na ako at magiging mabait. Although I always end up erasing those promises in my mind. Hindi ko rin naman magagawa kaya ano pang silbi niyon?

Saka mabait naman ako. Talagang mataas lang ang standards niya sa mga mababait. At ayaw ko rin naman maging mabait ng sobra dahil ang mga mababait na tao lagi ang nasasaktan. They always end up getting hurt. Minsan nga ay niloloko na at pinapaikot pero hindi nila pinapansin kasi nga mabait. Mga uto-uto sila at tanga. Palagi nilang hinahanapan nang kabaitan ang isang tao. Para namang may maghahanap sila. Well, yeah everyone have goodness in them but they are also evil. Mapanlinlang ang ibang mga tao at nasa kanila na iyon kung magpapalinlang sila.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon