Chapter Seventeen

174 12 4
                                        


Oh wait, sa mga nabasa na ang Loving Her Rudeness, I‘ll give you some clue sa makakatuluyan ng anak ni Rudeoz and yes, Rudeoz will have her new version. That person is part of this story and actually ay nabanggit na siya hihi. Sa mga hindi pa nababasa ang isa ko pang story ay basahin niyo na, I will not disappoint you, promise!
-admiral rosas.

__

Sundo

“Tahimik mo pa rin, ah? Tampo ka pa rin?” Ngumuso si AC habang nakapameywang sa harap ni Xian. Talaga kasing tinalikuran namin ang lalaki kanina habang lihim siyang pinagtatawanan ng mga tao na nakakita sa ginawa niya. Nakakahiya kaya ang ginawa niya.

“Tch, huwag mo akong kausapin. Hindi ninyo ako kilala, hindi ba?” Kulang na lang ay umirap si Xian para sabihing galit talaga siya at hindi natutuwa. Ang plano naming pag-a-arcade ay hindi natuloy dahil pinagtataguan namin ito. Para tuloy kaming mga bata na naglalaro nang tagu-taguan sa loob ng mall kanina. Nang tuluyan na kaming nahanap nito ay nag-aya na rin si Lez na kumain na sinang-ayonan namin dahil gutom na talaga kami. Ilang oras din kaming nagtagu-taguan.

“Eh kasi Mr. Stranger, I really talk to someone even if I don’t know him or her. Oha! English iyon!” Mahinang natawa ang kasama namin sa mesa. Canix looks amused. Si Lez at Nicho kasi ang nag-boluntaryo na mag-order ng pagkain naming lahat. Nasa isang healthy restaurant kami at hindi talaga nila pinili ang fast food chain kasi nakakasama raw iyon sa akin.

Wala na rin akong nagawa dahil nakapag-desisyon na sila. Saka payag din naman ako dahil bawal talaga sa akin ang ganoong pagkain, baka mapagalitan pa ako ni Yaya Milan kapag nagkataon.

“Huwag mo akong kausapin! Hindi ko rin kayo kilala! Lalo na ikaw!” Itinuro niya pa si AC habang magkasalubong ang kilay niya. Kapag ngumuso talaga ang lalaking ito ay itutulak ko na siya kay AC. Duckling couple.

“Ansama mo sa akin. Para namang gustong-gusto kitang kausapin,” AC muttered while glaring at him but Xian’s already staring at the girl who passed by. Napasipol pa siya na mas lalong ipinagsalubong ng kilay ni Aizelle.

“You saying?” Nilingon na siya nito habang may ngising nakapaskil sa labi.

“I hate you.” Sobrang tigas nang pagkakasabi ni AC niyon na kahit ako ay naramdamang tumagos iyon.

“You two both love hating each other. Do you guys know that the more you hate, the more you love?” Sa wakas ay nagsalita na si Canix at dahil sa sinabi niyang iyon ay sabay na natigilan ang dalawa. Nanlalaki ang mga mata nila sa gulat.

“Yuck!”

“Ew!”

“Mas ew ka! Kadiri! Ikaw?! Magugustuhan ko!? Oh my ghad, kunin Mo na ako, Lord!” Tumingala pa si Aizelle sa ceiling ng restaurant at parang tanga dahil talagang pumikit pa na tila nagdadasal. Grabe ang reaksyon nila ah.

“Hindi, Lord! Ako po ang kunin Mo! Ayaw ko pong makatuluyan ang isang ito Lord! Maawa kayo! Kunin Mo na ako!”

“Hindi! Dapat ako ang kunin Mo, Lord! Makinig Ka po sa akin! Mas mabait ako sa kaniya! Lord! Pakinggan Mo ang hinaing ng isang api!” Sabay kaming nagsi-was nang tingin ni Canix. See? Bagay sila. Parehong mga tanga.

“Oh? Bakit nag-uunahan na iyan sa pagpunta sa impyerno?” Ang kararating lang na si Lez ay takang-taka na tinitigan ang dalawa. Nakasunod sa kaniya ang isang waiter na may dala ng order namin at si Nicho na may dalang maliit na paper bag.

“Ayaw raw nilang magkatuluyan eh,” sabay naming sagot ni Canix at natampal naman ni Lez ang noo habang si Nicho ay natawa na lang.

“Kuya Waiter, hindi po namin talaga kaibigan ang dalawang iyan. Napulot lang po namin sila sa kalye kasi nakakaawa,” bulong ni Nicho sa waiter na natawa na lang din sa kalokohan namin dito. Nicho handed me the paper bag he’s holding that made me confused.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon