Chapter Twenty Three

167 9 2
                                        

Caught

“Hi, yaya.”

I kissed Yaya Milan’s cheek. Kakauwi ko lang galing school. Si Mr. Azlan pa rin naman ang naghatid sa akin at kahit sanay na ako sa katahimikan naming dalawa dahil hindi naman ako nagsasalita ay nanibago pa rin ako. Sa hapon na ito ay sigurado akong may nagbago. Para siyang... galit. Ewan pero salubong kasi ang kilay niya nang pagbuksan ako ng pinto kanina.

Tapos hindi rin siya nang-iinis. Hindi siya nag-initiate nang pag-uusapan naming dalawa kahit puro lang iyon pang-iinis niya. Talagang wala. Sa kauna-unahang pagkakataon ay tahimik siya at parang nawalan nang gana sa mundo.

“Si Azlan?” tanong ni Yaya Milan kaya palihim akong ngumuso.

“Nasa bahay ng mga Lim, yaya. Hayaan mo na siya, pagod siguro iyon. Siya po pala ang substitute teacher namin sa math.”

At pinaparusahan niya po ako, yaya. Talagang ako lang ang napapansin niya para sagutan ang equation sa board. Tapos ngayong hapon bigla na lang hindi namamansin, dumiretso pa agad doon sa target niya. Kapag nakita ko talaga ang anak ng mga Lim ay... oh? Anong gagawin mo?

Sa huli ay ngumuso ako sa likod ng isipan ko at umirap.

“Nasabi niya nga sa amin kagabi. Umakyat ka kasi kaagad sa taas kaya hindi mo nalaman,” aniya.

Binitawan niya ang hawak na walis at lumapit sa glass table na nasa harap ng sofa namin. May nakalagay na pitcher doon at mga baso. Pagkatapos niyang salinan ng tubig ang baso ay bumalik siya sa puwesto ko at inabot iyon sa akin.

“Thank you po.”

Kinuha ko iyon mula sa kamay niya at ininuman. Wala na akong sinabi pa roon sa nasabi ni Yaya Milan. Sa sobrang payapa kasi kahapon ay inantok ako agad. Nagpaalam ako kay yaya na aakyat na pagkatapos kong ibalik doon sa mesa ang baso.

Wala pa ata sila Mommy at Daddy. Scam nga ata talaga iyong hindi sila masyadong magiging busy. Both of them are business man and business woman. Walang hindi busy kapag ganoon. But I know that those two will make time for us. Busy lang iyon ngayon kasi gusto nilang tapusin agad ang trabaho nila para makasama na kami. I’m happy that they are not like those other parents. Iyong mga magulang na mas mahalaga ang pera at hindi na nagkaka-oras para sa anak nila. Tapos ang gagamiting rason ay para sa mga anak nila ang ginagawa nila. For me, it’s a lame reason.

Bakit? Kapag ganoon ba ay hindi na puwedeng magka-oras para sa anak nila na kahit makasabayan ito sa pagkain ay hindi puwede? Kaya napapalayo ang loob ng mga anak sa magulang nila. Dahil halata naman sa mga magulang nila na wala silang pakialam sa mangyayari pa. Bago nila isipin ang pera ay dapat inisip muna nila kung ang pinaglalaanan ba nila nito ay masaya. Anong gamit niyong pera kung ang sinasabi nilang para sa anak nila ito ay naglaho na. Dahil mismo anak nila ay nawala na sa kanila.

Kaya sobrang humahanga ako sa mga magulang na kahit gaano man sila kapagod ay may nailalaan pa rin silang oras para sa isa’t isa. Iyong tipong kahit pagpapahinga lang nang sabay ay sapat na. Kuwentuhan at tawanan habang nakahilata sa kama. Hindi naman kailangan ng out of town na trip o out of the country dahil ang pinakamasayang moment ay iyong alam ng tao na ang kasama nila ay ang taong mahalaga sa kanila.

Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay sumalubong agad sa akin ang amoy ng lavender roses. Iyon ang perfume ko na binili ni Mommy sa United Kingdom nang nagpunta sila roon para sa isang business meeting at thankfully ay nai-close nila Mommy at Daddy ang deal.

Inilagay ko ang bag ko sa kama at agad na pumasok sa banyo para maghalf-bath. Nanlalagkit na kasi ako. Kung wala lang klase kanina ay nagpunta na lang sana ako sa gym at nakigamit ng shower room. Natawa na lang ako nang maalala ang nangyari kanina. Pagkarating namin ni Canix sa classroom ay sinugod agad kami niyong apat at pinagtatanong. Ang dalawa lang naman talagang babae at sunod-sunuran lang sila Nicho at Xian.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon