Chapter Three

337 18 4
                                        

Double update! Yey, haha!

___

Weakling

I don’t know what to think, or what to say. Naiwan akong tahimik lang sa isang gilid pagkatapos magpaalam ni Mr. Azlan sa akin. I’m confused. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina? Napakurap-kurap na lamang ako bago huminga ng malalim.

“He’s weird,” bulong ko habang nakatingin pa rin sa puwesto kung saan niya inihinto ang kotse niya kanina.

Dinama ko ang tibok ng puso ko na sa mga oras na iyon ay tila gustong magwala pero hindi puwede. I don’t even know why my heart is starting to beat fasts when he said those words to me.

“Excuse! Excuse me!” What the?!

Wala sa sariling napagilid ako nang makita ang babaeng sakay sa skate board niya nang dumaan ito sa mismong kinatatayuan ko kanina.

“Oh my! I'm sorry!” She waved her hand from the back while I was left gaping at her until I can’t see any traces from her anymore. Geez, people are so weird.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid ko bago napakagat labi. Ang raming tao! Dahil first day pa lang ay naka-civilian ang lahat sa araw na ito. Ako lang ata ang naka-uniform. Talking about out of place. Well, I was informed about that. Ngunit dahil kauna-unahang araw ito nang pagpasok ko ay gusto kong magsuot ng uniform, at ito na nga. Wala sa oras tuloy na napangiwi ako.

“Sana pala ay sinunod ko si Yaya Milan.”

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko bago marahang naglakad papunta sa direksyon kung saan dumaan iyong babaeng naka-skate board kanina. I find that girl cool. Hindi pa naman ako nakasusubok ng skate board dahil baka ma-excite ako nang sobra na alam kong masama para sa akin. I sighed. Wala naman talaga akong sports simula ng bata pa ako dahil sobrang bilis kong mapagod kahit sa simpleng bagay lang.

When I was young, I tried playing those outdoor games. Tagu-taguan, bahay-bahayan, o hindi kaya ay habul-habulan, pero palagi akong nauuwi sa hospital hanggang sa ipinagbawal na ni Mommy sa akin ang paglabas sa bahay, pati na ang pakikipaglaro sa mga kapitbahay namin. I was sad of course. Sino bang hindi malulungkot kapag ganoon? I’m just a simple kid who loves playing but because of my situation, I can’t.

Noong nasa teen age naman ako ay puro basa lang ako ng iba’t ibang libro. Nasa bahay pa rin, at dahil hindi ko ka-close ang mga pinsan ko ay wala akong ka-bonding sa kanila, hindi ko rin naman sila maalala nang masiyado o kahit nakasama nang matagal. Ang sabi ni Mommy ay may nakilala naman daw ako sa kanila noon, noong labing-apat na taong gulang ako na tatlong daan na rin ang nagdaan pero kahit ganoon ay wala naman akong maalala.

Iyon iyong mga oras na wala akong maalala na mga pangyayari. However, Mommy said something bad happen to me that time that they don’t want me to remember for it might give my heart negative effects. Hindi ko na rin lang ipinilit pa saka kung nakatadhanang maaalala ko iyon ay talaga namang maaalala ko iyon.

Napalinga-linga ako sa paligid nang malito. I should have bring Yaya Milan, or Ate Yna with me. Hindi ko naman alam na malawak pala ang school na papasukan ko. Medyo nahihilo na ako tapos ang katotohanan na sobrang daming tao rito. Ayaw ko naman magtanong, o makipag-interact dahil ayaw ko lang.

“Asaan ba ang mga room dito?” Napangiwi ako nang makitang parang lahat nang nadadaanan ko ay pareho lang. Dumagdag pa ang mga estudyante sa paligid ko.

Lord God, please help me out of here.

And as if a cue, someone talk from my behind, a reason for me to get startled.

“Woah, kalma haha. Masyado kang magugulatin,” natatawang sabi nito pero hindi man lang ako natuwa sapagkat ay nasapo ko nang wala sa oras ang dibdib ko na ngayon ay biglaang nagrambulan. Napalunok ako, at wala sa sariling pilit kinalma ang sarili habang nasa harap ko pa rin ang babae na tila nagulat sa biglaang pagsapo ko sa sariling dibdib.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon