Chapter Two

539 24 10
                                        

I’m Here

“Ilayo ninyo sa akin ang lalaking iyan,” I said, glaring a bit. Pinanatili kong kalmado ang ekspresyon ng mukha ko habang kasama ang Yaya Milan na ngayon ay hinahagod ang likod ko dahil sa biglaang emosyon na naramdaman.

I can still remember what happened earlier when I opened the gate.

His black expressive eyes were beautiful but the sudden admiration I felt instantly faded because of his question. Really? Maid? Do I look like a maid? Damn this guy!

“Miss, kasambahay ka ba rito? I came here for Mr. and Mrs. Montreal.” Ngumiti siya, pero ang mga labi ko ay walang balak gantihan ang ngiti nito sa akin. How dare he? Kailan pa ako naging maid?

Imbis sagutin ito ay sinaraduhan ko siya ng gate na ikinagulat niya. Serves him right!

“I’m not a maid, you ass,” kalmadong sabi ko sa kaniya habang nakairap. Jerk.

“Miss! Hey! I’m here for Mr. and Mrs. Montreal!”

And that’s how it ended. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay itinanong ni Mommy sa akin kung sino ang bisita, pero hindi ko siya sinagot na ipinagtataka niya kaya siya ang sumundo ron. Doon nalaman ng gago kung sino ako. He did not even apologized! He even have the guts to smile at me! Argh! I’m gonna have my heart attack because of him!

“Calm down, Ayshia...” Yaya Milan said. Ngumuso lamang ako bago nagpaalam na aakyat sa kuwarto para kunin ang bag ko. Si Dad ang gustong maghatid sa akin ngayon kaya excited ako.

I don’t really know who that guy is, and I don’t have any plans to have a getting-to-know-each-other-level with him. He’s not worth it anyway.

“Dad, let’s go.” Mahigpit ang naging hawak ko sa strap ng bag bago ngumiti kay Daddy. This is it! Sa araw na ito ay sisimulan ko na ang pakikisalamuha sa maraming tao. And I hope for it to went well.

“Ahm baby, someone wants to take you to the school.” Kumunot ang noo ko nang makita ang pag-aalinlangan sa mga ngiti ni Mommy.

“Sino? Si Yaya Milan? But I want Dad to take me to the school,” angal ko agad habang nakasimangot.

“No, ahm iho, come here na.” Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko nang makitang inilahad ni Mommy ang kamay sa lalaking kanina pa tahimik na nagmamasid sa amin. What the? No way!

Ang mga itim at magaganda nitong mata ay napatingin sa akin. Agaran namang kumunot ang noo ko bago ito inirapan. Wala akong pakialam kung nagmumukha akong bastos at maldita dahil kilala ako ng pamilya ko sa ganoon.

Just like what I had said earlier this morning, I love bullying my yaya’s. Hindi ko naman sila gusto kaya kahit gaano pa ako ka masakitin ay nakukuha ko pa ring man-trip sa mga maid namin sa bahay. Nilalagyan ko ng ipis ang kuwarto nila o hindi kaya ay daga na pinapakuha ko pa sa mga guard namin na walang angal na sinusunod lagi ang utos ko kahit ang kapalit niyon ay ang araw-araw na pagkawala ng mga maid namin sa bahay dahil sa lahat nang kalokohan ko. Kaya ngayon ay wala na rin kaming guard.

Actually, the reason why I hated my previous maid’s is the fact that they are all plastics! May iba roon na ayaw ko dahil nangungutya sila ng ibang kasambahay. I am not a childish brat to do things without any valid reasons. But now, to make sure that I will really behave, only Yaya Milan stayed as our helper.

Pero alam ko rin naman na masama ang mga ginagawa ko. I know, that it’s all wrong, and I should respect them because they are all older than me but no. Because someone gets respect when that someone knows how to do it too. Ika nga nila, huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon