This chapter is dedicated to our pawn! Hi pawnshop! Hihi, gulat ako n’ong nagpa-dedicate ka HAHAHAHAH!
Votes and Comments are highly appreciated!
-admiral rosas.
__
Hopeless
“Ano ba ito? Luh? Gets ninyo ba ang pinagagawa sa atin?” sunod-sunod na tanong ni AC. Nakabusangot ito habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
Nagkaroon kami nang aktibidad nang pumasok ang guro namin sa Filipino subject. Madali lang naman ang sinabi ng guro namin. Gagawa kami ng isang dula about sa issue rito sa Pilipinas, kahit ano basta issue rito. Ito ang unang aktibidad namin pero isang dula agad ang pinagawa. Hindi ko alam kung saang planeta napunta ang utak ni AC kanina at hindi niya nagets ang sinabi ng guro.
And I don’t know why but both of them are beside me now. Sa kabilang gilid ay si Lez habang nasa harap ko ang upuan ni AC. Wala naman dapat akong katabi noong una pero lumipat ang dalawa. Hindi ko na lang pinansin at ayaw ko rin namang magsalita.
“Dula ang gagawin natin. By group at ang sabi ni Miss ay tayo na lang daw ang bahala kung sino ang ka-grupo natin. Anim tayo dapat sa grupo so kailangan natin ng tatlo pa,” Lezzana said while roaming her eyes around the room.
“Tatlo na tayong babae so kailangan natin ng tatlong lalaki para patas na,” dagdag ni AC na sa tingin ko ay nagbalik na sa planetang earth.
“Kayong bahala,” tanging sabi ko. Wala naman akong maitutulong sa paghahanap ng ka-grupo namin dahil tamad akong magsalita. Saka wala rin akong kilala sa loob ng classroom.
Hinayaan ko ang dalawa sa paghahanap. Si AC ay agad na may nahilang lalaki na sa tingin ko ay kasali sa target niya dahil panay ang pa-cute niya roon. Gwapo naman kasi ang nahila niya kaya hindi kataka-taka. Lezzana was still roaming around the place while I stayed sitting, without any plans to help them.
Napabuntonghininga na lang ako.
“Anong name niya? Kanina pa siya tahimik, ah?” I heard that guy AC’s with said. Hindi ko pinansin ang mga ito. Pakialam ko sa kaniya?
“Ah, si Ayshia. Hehe ganiyan talaga iyan, masanay ka na. Pero huwag mong kakaibiganin o kakausapin kasi magagalit ang best friend ko.” Tumawa pa si AC.
“Best friend mo siya?” tanong niyong lalaki. Hindi ko alam kung bakit wala akong paki pero nakikinig ako. Ang lapit naman kasi nila saka may tainga ako!
“Ha? Hindi siya! Iyong pinsan niya ang best friend ko, si Lezzana. Ayaw rin kasi ni Ayshia magkaroon ng friends eh kaya wala muna. Kaya huwag mong kakausapin iyan, kahit gwapo ka kung siya ang kaharap mo ay deadma ka pa rin.” Napairap ako sa sinabi ni AC. Kahit naman hindi gwapo kung wala akong paki ay talagang wala akong paki.
“Sayang...”
“Anong sayang?” Inangat ko ang tingin ko para lang makita si Lezzana na nakapameywang sa harapan niyong lalaki. Nakataas ang kilay nito at sobrang sungit tignan.
“Gusto niya ata si Ayshia,” sagot ni AC na halata sa boses ang panghihinayang pero agad din namang sumigla ang mukha niya. “Kaso sabi ko bawal hehe. Hindi ba iyon ang utos mo?” tanong pa nito. Sa likod ng isipan ko ay napailing-iling na lang ako dahil mukhang nagkasundo ang dalawa tungkol sa bagay na iyon.
“A-Ah, hindi ko sinabing gusto ko siya, at saka---”
“Halata naman sa mukha mo kahit wala kang sabihin eh. At saka don’t worry, basted ka pa rin naman kay Ayshia kahit na hindi ka namin pigilan ni Lez,” sunod-sunod na sabi AC na ikinangiwi nang kasamang lalaki ni Lezzana. Ngayon ko lang din napansin.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
RandomA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...
