Hi Ate Love! Dedicated sa ‘yo ang part na ‘to hihi kasi ginanahan ako n’ong nalaman kong may nagde-dedicate sa akin which is you<3
Votes and Comments are highly appreciated!
-admiral rosas.
___
Aso at Pusa
“Guys!” Napaangat ang tingin ko sa dalawang bagong dating. Nicho and Xian was standing just right in front of our table while holding their tray of foods. Natapos na ang lahat nang klase para sa umagang ito at lunch na. Dahil wala naman akong masasamahan na iba ay kina Lez at AC na lang ulit ako sumama. Both of them are harmless anyway except if they wanted to befriend me, that’s the part where they can bring harm already.
“Puwede makiupo? Puno na ang cafeteria eh.” Napakamot sa batok niya si Xian at ngumisi sa amin.
“Magbayad ka muna,” AC said. Nakalahad ang palad nito at tila naniningil nang utang.
Napabuntonghininga na lang ako bago iniwas ang tingin. Tatanda lang ako nang maaga kapag pinansin ko pa sila.
“Anong bayad? Sa iyo ba ang mga gamit dito? Hindi naman, ah? Atsaka hindi ikaw ang tinatanong ko ano. Lez, puwede paupo?” Rinig kong pag-angal ni Xian. I snickered silently, both of them are bickering like a couple.
“Ayshia, okay lang ba?” Napalingon ako sa kanila dahil sa pagkuha ni Lez sa atensyon ko. Tanging kibit-balikat ang sagot ko sa kaniya bago ko iniwas ang tingin. I caught a glimpse of red hair from my own peripheral view. Sa paglingon ko ay napansin ko ang palinga-lingang si Canix. Hawak niya sa kabilang kamay niya ang tray at ang kabila ay hawak ang bag niya na nakasabit sa kabila niyang balikat.
“Oh, si Canix oh!” Hindi lang pala ako ang nakapansin dito. Agaw pansin naman kasi masyado ang pula niyang buhok na hindi ko alam kung orihinal ba o ano.
“Paupuin natin dito!” Hagikhik ni AC na tila kinikilig pa. Parang kanina lang ay nagrereklamo siya sa pagiging tahimik nito pero ngayon ay parang may masamang balak na sa klase nang malanding tawa niya. Sabagay ay hindi niya naman nakuha kanina si Xian na ngayon ay kinaiinisan niya pa.
“Favoritism ka masyado! Tch, kanina ay ayaw kaming paupuin tapos nakita lang iyong taong manok ay siya na mismo ang nag-aya.” Sa klase pa lang ng tono ni Xian ay halatang nagpaparinig lang siya. Nilingon ko sila at nakita kong matalim ang tingin nito kay AC na wala naman sa kaniya ang tingin kundi kay Canix na nasa gitna pa rin ng cafeteria at halatang naghahanap nang mauupuan.
“Hindi ka naman kasi gwapo. Tignan mo ang taong manok na tinutukoy mo, ‘di ba talo ka niya? At halatang mabait iyon kaysa sa iyo. Baka nga ay regaluhan ako niyon sa birthday ko ng isang set ng Wattpad books, hmp!” Umirap sa ere si AC bago nakangusong ibinalik kay Canix ang tingin. Totoo naman ang sinabi niya, Canix seems innocent and kind. Parang nahihiya nga lang siya pero baka kapag nasanay na siya sa paligid namin ay maging makulit din tulad nitong isa. Si Lezzana ay makulit din naman, hindi kataka-takang naging mag-kaibigan agad sila.
“Gwapo raw. Mas gwapo naman ako riyan. At anong set? Bigyan kita ng dictionary set ng hindi ka na magtampo riyan. Libro lang pala eh, maraming dictionary sa bahay. Bigay ko na lang sa iyo tutal ay masiyado kang nakakaawa...” Lahat kaming nasa mesa ay nagpigil nang tawa dahil sa sinabi ni Xian. He looks annoyed despite his sarcastic remarks. Pero ang mas nakapagpaaliw sa akin ay ang mabilis na paglingon sa kaniya ni AC na sobrang talim na ang tingin. AC reached for her bag. Sa isang iglap ay naipalo na niya iyon sa ulo ni Xian na ngayon ay puro na reklamo.
“Bwesit ka! Sabi ko libro! Hindi dictionary!” sigaw ni AC na sobrang pula na ng mukha dahil sa inis.
“A-Aray! Ano ba? Eh l-libro naman ang dictionary, ah? Aray ko! Tama na!” Tuluyan nang natawa si Lezzana dahil sa pangangatwiran ni Xian. Nicho on the other hand was shaking his head while laughing his ass out. Tanging pagngiti at iling lang din ang nagawa ko dahil sa kakulitan ng dalawa. Nagkamali ata ng nakuha si AC dahil ngayon ay para na silang aso at pusa sa pagbabangayan. It’s cute like how I find Disney movies cute but they are also noisy.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
NezařaditelnéA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...
