Chapter Twenty Four

75 10 1
                                    

Scam ako taena amp HAHAHAHAH! Sabi ko sa sarili ko na hanggang 25 chapters lang ‘to pero selp bakit nasa chapter 24 na tayo pero hindi ka pa rin nakakaabot sa gitna? Tae HAHAHAHAH!
-admiral rosas.

__

Love

“Kumain ka pa.” Nangunot ang noo ko nang lagyan pa ni Mr. Azlan ng pagkain ang plato ko. Pagkatapos nang sayawan namin kanina ay nagpahinga rin kami agad habang si Yaya Milan at Mommy ay nagluto na para hapunan namin.

Everything became awkward to me knowing that I have a crush on him. Sa kaniya ay wala lang kasi hindi niya naman alam na hinahangaan ko siya. Hindi ko rin naman sasabihin at baka gamitin niya iyon para mang-inis sa akin. He’s still a jerk.

“Ikaw ba ang magulang ko? Mas marami ka pang reklamo kina Mommy at Daddy e.” Matalim ko siyang tinignan at pinalo ang kamay niya nang inabot niya pa iyong adobo. Nagusot ang mukha niya sa sinabi ko bago ako tinignan, tila sinusuri niya pa ako sa klase nang tingin niya.

“Kumain ka ng marami at ang payat-payat mo. Tinalo mo pa ang stick sa barbecue, naiintindihan mo?” nakangisi niyang tanong.

I almost growled at him because of what he said. Sabi nila Lez at AC ay sexy ako at hindi payatot tulad ng stick! This gay!

“Tse! Inggit ka lang. Malaki kasi katawan mo.” Umirap ako sa ere at hindi na nagsalita pa dahil nasa harap kami ng pagkain at baka mapagalitan din ako nina Mommy at Yaya Milan. Ayaw pa naman nila nang nagsisigawan kapag nasa mesa na dahil kabastusan iyon sa Diyos.

“Hindi pa rin kayo bati? Grabe iyang away ninyo ah,” komento ni Ate Yna. Si Yaya Milan ay natawa dahil sa sinabi nito.

“Akala ko nga ay magkabati na dahil hindi naman sarkastiko ang pagkakasagot ni Ayshia sa akin kanina nang sagutin niya ang tanong ko kung nasaan si Azlan. Ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig sa gulo...”

Kung magiging mabait si Mr. Azlan sa akin ay magiging mabait din naman ako kaso himalang mangyari iyon. I just want to cheer him up earlier kasi hindi bagay sa kaniya ang pagiging madrama pero ngayong okay na siya ay parang mas maganda kung ganoon na lang siya lagi. Pero kapag nalulungkot din naman siya ay damay ako kaya huwag na lang pala.

“Azlan iho, kumusta nga pala ang pagiging guro mo ngayong araw? Hindi ka ba nahirapan?” tanong ni Mommy nang humupa na ang usapan tungkol sa alitan namin ni hukluban.

“Hindi naman po, tita. It was good, ang tatalino ng mga estudyante ko.” At nilingon niya pa ako.

E papaanong hindi magiging matalino e ako lang naman lagi ang pinapasagot mo. Sa likod ng isipan ko ay umirap ako. Kapag ito talaga naging estudyante ko ay siya na lang ang pipiliin kong magturo tapos uupo na lang ako sa gilid at magpapahinga tutal ay matalino naman siya. Dapat lang na pakinabangan iyon.

“Buti naman. Eh ang baby namin? How is she in the class?”

Nagpatuloy ako sa pagnguya at hindi na sila pinansin pa. Kung alam lang nila na hanggang school ay iniinis ako ng isang iyan. At hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi niya kanina na wala akong talent sa pag-arte. E ‘di wow, siya na ang magaling.

“She’s brilliant, tita. At hindi ko alam na ang galing niya pa lang umarte. Nakita ko sila kanina sa rooftop habang nagpa-practice ng dula nila sa Filipino. She’s really good.” Iba ang sinabi mo kanina, bakla. Sipsip talaga.

Tuloy ay inangat ko ang tingin ko sa kaniya para taliman siya nang tingin at dahil nakatingin din naman siya sa akin ay sinamahan ko pa iyon nang pag-irap pero ang hukluban ay tinawanan lang ako nang mahina.

Azlan's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon