Chapter Ten

190 16 3
                                        

Messing

Tumikhim ako sa sobrang tahimik. Hindi ko naman sinasabing mag-ingay kami dahil mas lalong ayaw ko niyon pero nakakailang ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang tinatahak namin ang daan patungong school.

Mr. Azlan agreed on taking me to school. Aalis na rin naman daw siya kaya wala raw iyong problema. It’s so frustrating! I am so guilty! Talagang nadala lang ako nang inis ko kagabi pero ayaw ko naman talagang manatili siya sa bahay namin pero, nakokonsensya na ako sa mga pinagsasabi ko kagabi. I want him out of our house and if possible, I want him out of my life also but because it is making me guilty, I think he--

“If you’re just guilty about what you said last night, then don’t be.” Umawang ang labi ko para may sabihin dito. Napalingon pa ako sa kaniya sa sobrang gulat. Ah, h-ha?

Masiyado ba akong halata?

“The expression of your face says it all.” Naitikom ko nang wala sa oras ang bibig ko sa sinabi niya bago nag-iwas nang tingin.

Hindi ko naman talaga sinasadya ang kagabi! Napangunahan lang naman ako nang inis ko sa kaniya! Nakaiinis!

Para tuloy na kasalanan ko pa kung bakit kailangan niyang umalis. Parang ako pa ang masisisi kahit hindi rin naman alam ng mga magulang ko ang nangyaring sagutan kagabi. Kung hindi lang siya nakakainis tignan ay hindi mangyayari iyon! It’s also his fault! Bakit ako lang ang nagi-guilty rito?

“H-Huwag ka na lang umalis. You can stay. Malaki naman ang bahay namin at may marami kaming kuwarto. Puwede ka pa rin naman doon,” sabi ko, nauutal pa. Hindi iyon labas sa ilong kahit malapit na. I still don’t like him, alright? Besides, I don’t have any reasons to like him. He is annoying.

“Nah. No need, may nahanap na rin naman akong hotel na puwede kong tirhan hanggang next year. Okay lang kahit maubos ang pera ko pero kapag hindi na kaya ay sa kalye na lang siguro talaga ako at mag-a-apply bilang clown. Magkakapera naman siguro ako niyon. Okay lang kahit gusot-gusot ang damit ko at gutom na gutom na basta may---"

“Stop!” agad kong angal. Halos umusok ang ilong ko sa pinagsasabi niya. Eh bakit parang nangongonsesya siya?! Eh ano naman ngayon kung magutom siya?!

Napabusangot ako.

Natawa ito nang mahina. Ang mga mata ay nasa harap pa rin. Nakatukod ang isa niyang kamay sa bintana habang sinusuportahan ang panga niya at patagilid na nakatingin sa daan. Ang itim niyang buhok ay buhaghag na naman na parang hindi nasuklayan nang ilang daang taon. I want to see his black expressive eyes. Maganda iyon tignan, sigurado ako lalo na dahil tumawa na naman siya.

“Nakakainis ka, alam mo ba iyon?” Umirap ako sa ere habang nakabusangot pa rin.

“What? Eh totoo naman ang sinasabi ko, ah? Sa kalye na lang ako matutulog. Sa malamig na semento, yakap-yakap ang sarili sa gitna nang mahangin at malamig na gabi. Magugutom ako, mangangamoy at wala ng damit pang masusuot. Palaboy-laboy na lang sa kung saan sa kagustuhan na magkapera. Manglilimos ako tapos magiging clown tutal ay pabida ako, hindi ba?”

Arghh! See? He’s annoying me! Bakit siya nagpapaawa?!

Mas lalo lamang akong napabusangot sa pinagsasabi niya dahil nagpapaawa ang boses nito. Nangongonsesya talaga ang kapatid ni Jollibee!

“I’m sorry, alright? Huwag ka na kasing umalis! Kargo konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sa iyo sa kalye.” Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong lumingon ito sa akin pero siyempre ay hindi ko siya nilingon kahit gusto kong titigan ang mga mata niya. Sa lahat ng bagay na mayroon siya ay ang mga mata niya lang ata ang pinakagusto ko. Kahit nakaiinis siya ay nabibihag pa rin naman ako ng magaganda niyang mata.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon