Chapter Fourteen

105 12 3
                                    

Igaganda

Nanatili ako sa loob ng kuwatro ko ng biglang tumunog ang cellphone na hawak ko. Kumunot pa ang noo ko habang tinitignan kung anong meron dahil sa pagkakaalala ko ay wala naman akong ka-text mate maliban na lang kung nag-text ang hukluban na iyon para mang-inis. That damn old hag is really annoying.

Pero lahat ng pagtataka ko ay nawala nang makita ko kung sino ang nag-text. Paniguradong nakuha ni hukluban ang number ko at ibinigay iyon sa kaniya.

Lezzana:

Labas tayo? AC’s with me, gusto niyang pumunta ng mall. Baka ay nabo-bored ka na riyan. Kuya Azlan texted me and said that you’re alone in the house with him.

Good God. Tamang-tama ang timing niya. May maganda rin pa lang mangyayari sa araw kong ito. Hindi ko na talaga kayang makasama sa iisang lugar ang lalaking iyon at baka maibitay ko siya patiwarik sa sobrang inis ko. Who in the right mind would even debate about their looks? Geez, siya lang. Ano naman kung model siya? Hindi ko naman tinatanong basta ay mas lamang si Canix sa kaniya. Hindi niya pa kasi nakikita kaya niya nasasabi iyon.

Me:

Sure. Paki-sundo ako.

Lezzana:

A’right. Wait for us downstairs. Huwag kang lalabas muna ng gate.

Agad kong ibinaba ang phone ko at nagsimula nang mag-ayos sa sarili. I wore a pair of dark skinny pants and white V-neck lose shirt. Tanging flip flops lang din ang sapin ko sa paa. Hindi rin ako nag-pulbo dahil nababahing ako roon kaya pagkatapos kong suklayin ang buhok ko at i-ponytail ay agad na akong lumabas ng kuwarto dala-dala ang isang maliit na sling bag kung saan nakalagay ang pera at selpon ko.

Hindi kagaya ng utos ni Lez sa akin ay sa labas ako naghintay. Doon sa harap kung nasaan ang mini garden ni Mommy. Buti na lang at hindi ko nakasalubong si Mr. Azlan kanina habang pababa ako. That guy can really be something. Pabor din pala sa akin ang langit kahit konti... o baka hindi.

“Aalis ka?” Ang kakapasok lang na lalaki sa gate namin ang agad na kumuha nang atensyon ko. Nakapamulsa ang isa nitong kamay sa bulsa ng suot niyang shorts. Ang buhok ay magulo na naman. Minsan talaga ay naghihinala na ako kung lalaki ba siya o binabae kasi baka nakikipag-sabunutan siya sa kalye kapag may nakikita siyang mas maganda sa kaniya o hindi kaya ay style niya iyan para makakuha ng lalaki. Hindi ko ata maaatim kung ganoon na nga. Hindi na pala siya mare-rape ng mga bakla kapag nagkataon dahil isa na siya sa tutulong sa pag-rape.

Napakurap-kurap ako sa naisip na iyon dahil posible nga naman talaga ang ganoon. Kailangan ko na bang sabihin kina Yaya Milan o Mommy ang nalalaman ko? O hindi kaya kay Lez kasi magkakilala naman sila. Saka kung ganoon nga ay hindi niya gusto si Lezzana o kahit si AC, bessy niya ang mga ito.

“What’s in you pretty mind again, huh?” Napabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang pagpitik ng kung sino sa noo ko. Nang matauhan ay saka ko lang nakita si Mr. Azlan na nakapameywang sa harap ko. Nakakunot ang noo at tila malaki na naman ang problema sa mundo. Iyong mundo nga rin eh, malaki ang problema sa kaniya. Bakla ba talaga siya?

Pero bakit ganito siya ka-mala Adonis kung bakla siya? Este bakit niya ipinaglalandakan na gwapo siya kung binabae naman pala siya? Ano iyon? Double blade?

“Hey, I’m asking you. Saang mundo ka na naman ba nakarating at hindi mo ako pinapansin? Ceased fire muna ako ngayon kaya sagutin mo ang tanong ko,” aniya. Napansin ko ang aliw sa mga mata niya habang nakatingin sa akin kaya agad akong napatikhim. Natawa naman siya sa akin kaya parang ayaw ko nang maniwala sa sinabi niyang ceased fire. Tch, talaga lang ha.

“May iniisip lang ako kaya huwag ka ngang magulo at saka saan ka na naman galing, ha?” Ang noo ko na naman ngayon ang kumunot. Kanina lang naman ay nasa loob siya. Kunsabagay ay siya lang mag-isa kanina kasi iniwan ko. Sinuyod ko nang tingin ang mukha niya at talagang... pogi po siya. Pero siyempre ay hindi ko iyon aaminin sa kaniya! Kapag inamin ko iyon ay lalaki lang ang ulo niya at baka gamitin niya rin iyon para mas lalo akong inisin. Hindi puwede, dapat may pang-inis din ako ano para patas kami. Hindi puwedeng ako na lang lagi ang talo kapag nag-aaway kaming dalawa.

Azlan's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon