Chapter Seven

283 18 9
                                        

Live

What the hell is this jerk doing in here?!

Agaran kong inaabot ang isang baso ng tubig dahil tila ano mang oras ay mabubulunan ako dahil sa gulat. Kanina lang ay inis na inis ako sa kaniya at ayaw ko rin siyang makita pero hindi ko alam kung galit ba ang langit sa akin o talagang galit talaga ito sa akin. Pareho lang ang pagpipilian dahil halata naman ang sagot.

Ang mga mata nitong sobrang ganda tignan ay nakatitig sa akin. Kung hindi lang ako iniinis ng lalaking ito ay magugustuhan ko sana siya at puwede pang maging magkaibigan kami kaso gago siya kaya ekis. Kalahi pa siya ng pulang bubuyog na iyon, pabida ang ibig kong sabihin.

“Oh? Ayshia, gusto mo pa ba?” Natauhan ako nang magsalita si Ate Yna. Ngumiti ito sa akin bago inilahad ang mga nilutong pagkain ni Yaya Milan pero parang nawalan na ako nang gana lalo na at nalaman kong nandito ang lalaking ito. Nakita ko pa talaga ang nakakainis niyang pagmumukha. I don’t even know why he is here. Ni hindi ko man lang napansin ang pagdating nito pero ganoon nga siguro talaga kapag pagkain na ang kaharap ko. Nawawala ako sa sarili kaysa naman mabaliw nang tuluyan dahil sa gutom. Mas hindi ko kakayanin iyon.

“Why are you here?” Imbes sagutin si Ate Yna ay naibalik ko ang atensiyon ko sa lalaking nasa harap ko. His beautiful expressive eyes are staring at me. Get a hold of yourself, Montreal! Nagusot ang ekspresiyon ko sa likod ng aking isipan. Kahit ano nga ata talagang pagkainis ko rito ay mangingibaw pa rin ang paghanga ko sa mga mata niya.

“He is our guest, baby. Kain ka kasi nang kain kanina kaya hindi mo napansin ang pagdating ni Azlan. I found out that he’s the one who fetched you earlier and I’m glad he did. Mapag-kakatiwalaan talaga ang batang ito at sobrang talino pa.” Mommy smiled while bragging about Mr. Azlan’s greatness. Well I don’t really care. Para sa akin ay pulang bubuyog siya. Pabida!

“Well, it would be more greater if it’s Dad or Yaya Milan who fetched me earlier, Mommy. I don’t really want strangers to take me to school nor get me,” I uttered bluntly. They know I’m really blunt. Iyon ata ang hindi ko alam kung saan ko namana dahil kahit ata masasaktan ko ang sasabihan ko ay sasabihin ko pa rin talaga ang nais kong iparating dito. Even if it would hurt me. Pain should be nothing to me. I have to get used to it.

“But he’s not a stranger, baby. Azlan is a good man.” I only shrugged my shoulders. Ang mga mata ko ay mas lalong naging matalim habang nakatingin kay Mr. Azlan na hindi rin naman inaalis sa akin ang tingin. It’s awkward tho I have no plans to lose in this staring contest of ours. I want him to know that I don’t like him, even just a bits.

Unang pagkakita ko sa kaniya ay namangha ako lalo na nang makita ko ang mga mata niyang masiyadong nakakabighani tignan pero nang una niya ring ibuka ang bibig niya para magsalita ay ang araw na nakalagay na siya sa death list ko. And my hate for him is just getting bigger each passing minute. Mas lalo lang na lalago ang pagkaka-disguto ko sa kaniya kapag araw-araw kong siyang nakikita.

Mukha pa lang niya na kamukha ni Red Bee ay talagang nakakainis na. He even have the guts to tease me earlier! Akala mo naman ay nakakatuwa. Napairap ako sa hangin at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko na nagwawala na naman dahil sa emosyon na nararamdaman ko. He is really really bad for me.

“I see and treat him as a stranger.” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo pagkatapos kong punasan ng tissue ang gilid ng labi ko.

“I’m gonna take my rest now, Mommy, Daddy.” Tinanguan at tanging tipid na ngiti ang ibinigay ko kina Ate Yna at Yaya Milan. I then walk slowly towards my younger brother and ruffled his hair before bidding my excuse.

Nagpatiuna na agad ako palabas ng dining area pagkatapos nang pag-excuse ko. Ni hindi ko pinagtuonan nang pansin si Mr. Azlan na sa tingin ko ay nakatingin sa akin. Tsk. He even have the guts to come in here after pissing me off earlier. Talaga naman.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon