Chapter Twenty Five

97 9 1
                                    

Ways

Years ago, I’m just a little aloof kid. I acted cold to shoo people away because for me, harm is all that they can give. I talk sarcastically to let them know that I don’t need them, that I know what I am doing. Iyong batang mas gusto na lang na nasa kuwarto kaysa ang lumabas. Ang batang babae na hindi nagsasalita kahit napapalibutan na nang masasayang tao.

And I never thought that that young girl is now sitting in a bench under this starry night with someone who is a stranger to her before. Lahat ng ito ay hindi ko inaasahan. Lahat ng ito, kahit sa panaginip ko ay hindi pumasok. But thank God because He let me. Impossible things happened possibly.

Hindi ko inaakalang makakaramdam ako nang kapayapaan sa pamamagitan nang katahimikan. Dahil noon kahit nasa kuwarto ako ay alam kong hindi ako panatag. Punong-puno ng lungkot ang puso ko kapag mag-isa ako sa kuwarto pero dahil iyon lang ang bagay na alam kong makakapagligtas sa akin ay wala akong magawa kung hindi ang damhin iyon.

If only a jerk named Azlan didn’t came then I will be still the old young me. But God have other plans. And I’m very thankful to Him because of that.

“Inaantok ka na?” tanong niya. Ipinatong ko ang paa ko sa bench at tumagilid para harapin siya. He’s still holding Azie, he don’t have plans either to hand it to me because he said that it’s his child. Eh anak ko rin naman iyon at akin iyon kaya wala siyang magagawa kapag kinuha ko iyon sa kaniya.

“Hindi pa, ikaw ba? Kailangan mo na bang mag-beauty rest?” Napatawa ako nang mahina dahil sa naisip kong itanong. Kung ito talaga naging babae ay talbog niya kaming lahat. Bakit naman kasi ang gwapo nito? Hindi man lang pinagkaitan ng kalangitan. Noong nagpaulan ata nang kagwapuhan ay nagpagawa pa siya ng pool para roon dumiretso lahat ng ulan tapos paulit-ulit siyang naliligo roon. Hindi man lang nag-share ang hukluban.

“Beauty rest? Baka ikaw ang may kailangan niyan. Anong akala mo sa akin? Bakla?” salubong ang kilay niyang tanong.

“Bakit? Hindi ba?” Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay lumabas na iyon galing sa bibig ko. Mula sa tinitignan niya sa mata ni Azie ay lumapit ang tingin niya sa akin. Seryoso na ang tingin nito at parang may mali pa sa tanong ko. Bakit? Mali ba ako?

“Hindi ako bakla. Lalaking-lalaki ako, Montreal.” Umigting ang panga niya at napansin ko pa ang pagkagat niya sa sariling dila na parang may pinipigilan siyang sabihin. Napakurap-kurap ako dahil galit na naman siya at hindi ba siya nasasaktan sa pagkagat niya sa sariling dila? Baka dumugo iyon.

“Sure ka ba? Bakit ka nagseselos doon sa lalaking tinitignan mo kanina sa cafeteria? Tapos ang sad mo kanina. Dahil ba student siya tapos guro ka? Bawal kayo, o hindi kaya ay dahil may jowa na iyong lalaki kaya ka galit?” Niyakap ko ang tuhod ko at nilagay sa ibabaw nito ang baba ko bilang suporta habang nakatingin sa kaniya.

Sa gulat niya ata sa mga itinanong ko ay nabulunan siya sa sariling laway at inubo-ubo. Kalmado ko namang inabot sa kaniya ang gatas ko na agad niyang tinanggap. Ininuman niya iyon at nang kumalma ay napasandal sa sandalan ng bench.

“Just what the fuck are those speculations for? Damn.” He looked troubled for some reason that he even cursed under his breath. Hindi kaya ay sa impyerno talaga siya nakatira? Pero kasi iyong boses niya ay bagay para sa mga anghel.

“Saan mo nakuha lahat ng iniisip mong iyan, Shia?” His drowsy eyes stared at me. Kahit hindi naman ako nakatayo ay feeling ko matutumba ako dahil sa titig niya. Puwede ba iyon?

“Noong nagpunta ka sa bahay ng mga Lim. Hindi ba kaya ka nandoon kasi target mo sila tapos kaya ayaw mong makita ko sila dahil nagseselos ka. Akala mo ay aagawin ko sila e hindi naman! Selosa ka lang talaga.” Umirap pa ako. Ang weird nang pinag-uusapan naming dalawa at pakiramdam ko ay magiging tulad na kami nina AC at Xian.

Azlan's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon