Chapter Six

221 17 9
                                        

Jerk

Naging mabilis ang paghinga ko dahil sa sobrang inis sa lalaking iyon. He’s really really damn annoying! Kung hindi pa ako nakapagpigil ay nasapak ko na iyon. Hindi ibig-sabihin na natulala ako ay gusto ko na siyang makasama dahil alam ko sa sarili ko na kabaliktaran niyon ang gusto ko. Tch, he’s just really annoying.

“Oh? Ayshia, andito ka na pala. Asaan si Azlan? Ang sabi niya ay siya ang kukuha sa iyo ngayon sa school mo.” Yaya Milan smiled at me. Agad itong lumapit sa akin na may hawak na agad na isang baso ng tubig. I took it and sip a little.

“Siya nga po ang kumuha sa akin sa school, yaya.” Naging pilit ang ngiti ko rito bago ko ibinigay ulit sa kaniya ang tubig ng baso na hawak ko.

“Eh bakit hindi pumasok? Hindi mo man lang ba inaya na pumasok, Shia? Pagod ata ang batang iyon, dapat man lang ay nakapag-snack siya. Nag-bake pa naman sana ako ng cookies dito. Isa pa ay siya ang kumuha sa iyo sa school mo,” aniya na tila kinokonsensya ako pero imbes makonsensya ay nainis pa ako lalo. Kumulo ang dugo ko sa inis, at kung puwede lang ay ibubuhos ko ang kumukulo kong dugo sa lalaking iyon nang mapaso ay gagawin ko. Nang malaman niya na ayaw ko sa kaniya.

Napairap tuloy ako sa ng wala sa oras. Hindi ko naman sinabing sunduin niya ako, pabida lang talaga. Ano siya? Si Jollibee?

“Umalis agad yaya eh. Hayaan mo na.” Buti nga eh. Walang alien sa bahay na ito.

“Akyat na ako, yaya. I’ll just change my clothes,” I muttered. Nang tumango si Yaya Milan ay agad akong naglakad papuntang hagdan namin at umakyat doon.

Nang makapasok ako sa sariling kuwarto ay agad akong sumimangot nang sobra. That old guy! Dapat sa kaniya ay ipinapatapon sa mars tutal ay alien siya! Grr!

“You looked cute when you’re pissed nye nye nye!” I waved my hand in the air out of irritation.

Naramdaman ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko at doon ay tila natauhan ako bago natigil sa pag-iisip sa lalaking iyon. Wala sa saraling nasapo ko ang dibdib ko at kinabahan.

I’m starting to feel emotion. At ang mas nakakaba ay masiyadong grabe ang nararamdaman ko. Ni hindi ko man lang napansin na sobra-sobra na ang nagiging reaksyon ko. And I remember him saying that he will let me feel those. Wala sa oras na nanlaki ang mga mata ko bago ako nagpakawala ng isang singhap. Nagsisimula na ba siya sa plano niya? Dahil sa naramdaman kong inis kanina ay tila nagtatagumpay ang lalaking iyon sa nais nito.

“Argh! No... calm down heart. Please, calm down...” Hinimas ko ang parte ng dibdib ko kung asaan ang puso ko bago napapikit na lamang.

Kararating lang ng lalaking iyon sa buhay ko pero ang bilis niyang nagulo ang buong sistema ko lalo na ang emosyon ko.

Nakasimangot akong bumaba sa sala pero agad ding lumiwanag ang mukha ko nang makita ang mga magulang ko sa sofa na magkayakap. Nasa gitna nilang dalawa si Paolo na umaasim na naman ang mukha dahilan para mahina akong matawa. Ayaw niya talaga sa mga taong masiyadong sweet. Pero kapag ako ang yumayakap sa kaniya ay kulang na lang na hindi siya humiwalay sa akin.

“Baby!” sigaw ni Mommy nang makita akong pababa. I smiled and waved my hand at her even though I am already walking towards them. Paolo faced lit up, it’s as if he had seen someone who can save him from his misery, sadly, I’m enjoying seeing his faced being crumpled. Kaya hindi ko ito pinansin, at sa gilid ng mga mata ko ay naaninag ko na ang pagsimangot nito dahilan para mapangisi ako sa likod ng isipan ko.

“Hi Mom, Dad, Bunso...” I kissed their cheeks. Tumabi ako kay Mommy na agad na yumakap sa bewang ko kaya napakawalan si Paolo na ngayon ay tila nakahinga na nang maluwag.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon