Chapter Thirty Seven

88 8 1
                                    

Kapit

“Yaya!” tili ko nang gumalaw ang isdang nahuli nila. Basta ko na lamang na initsa ang hawak kong stick sa isda na tumigil din naman.

“Ate! Huwag mo na ngang patayin ‘yan. Mati-triple dead na iyan e,” angal ni Paolo na agad nakalapit sa akin. Bahagya niya akong itinulak pagilid para tignan ang isda. I also did the same thing. Napangiwi na lamang ako sa huli, at napapaigtad dahil may iba pa ring isda na gumagalaw talaga.

They are all fresh and Yaya Milan loves to cook them. Masarap daw iyon gawing fish fillet. Sa sobrang preserve ng buong resort ay hindi nila hinahayaan na may mga bagay na makakasira rito. May cook naman ang resort, at restaurant na gawa sa bahay kubo, and we can eat in there, pero dahil first time namin dito ay sinubukan nila Yaya Milan na manghuli ng sariwang isda sa dagat para hapunan namin.

Mas lalo tuloy akong humanga sa lugar na ‘to dahil kahit ang dagat ay punong-puno pa rin ng kayamanan.

“Just let her, Pao. Hindi naman nangangagat ang mga ito, Shia. Puwede mo nga silang kunin lang, pero huwag mong papakawalan. See?” Ate Yna chuckled while holding a big fish. Gumagalaw iyon pero sa higpit nang kapit ni Ate Yna ay himala na lamang na makakatakas ang isda. I smiled at her timidly, and nodded.

Bumalik na lamang ako sa duyan na ginawa ni Daddy kanina. May puno rin kasi ng buko sa resort. At sobrang ganda ng mga ito. Buti nga rin at walang bunga dahil siguradong mahuhulugan ako. Umalis sina Mommy at Daddy kanina, bibili raw sila ng drinks namin. Pero s’yempre ay alam ko ang totoong rason. Gusto lang ng mga iyon na masolo ang isa’t isa. Ako naman ay nakakain na kanina, at nanatiling tahimik hanggang sa makabalik sila mula sa panghuhuli ng isda.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nakahiga sa duyan. The sun is setting down. Its beauty can be seen clearly now. Nag-aagaw ang kulay rosas, kahel, lila at asul sa langit.

Ang ganda...

Siguro kung parte ako ng kalangitan ay magiging kasing ganda ako nito. Pero anong klase ba ng ganda ang gusto ko? I frowned while reminiscing someone. Si Teacher Rin, at Ate Yna. Mga ganoong klase ba ng ganda ang gusto niya? Does he preferred those girls na kaedad niya lang?

“Why are you frowning?” Wala sa sariling kumurap ako, at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Ang nasa likod niya ay ang papalubog na araw, at dahil doon ay mas lalong tumingkad ang appeal na mayroon siya. How come? Iyong ibang lalaki ay kung ano-ano pa ang ginagawa, maging guwapo lang. Pero itong isa ‘to ay kahit tumayo lang sa kahit saan ay pagbibigyan na siya ng kalawakan. He’s just too good to be true.

“Hey, miss. Sisimangot ka na lang ba lagi? Are you thinking of them? How about our deal, hm?” Bakit ba ay hindi marunong makiramdam ang isang ‘to? Paano na lang kaya kung hindi ako marunong mag-kontrol ng sarili? Baka kanina ko pa siya inaya ng kasal nang hindi ko namamalayan.

“You are ruining the view. Step aside, you old hag.” Inirapan ko siya na ikinangisi niya lang sa akin. Ang guwapo! Damn it.

“Alis na kasi. Tumulong ka nga kina Yaya Milan. Kung saan-saan ka na naman napupunta,” I mumbled as my eyes narrowed a bit. May nakita pa naman akong mga babae kanina na naka-bikini lang, and they all looked sexy! May napapansin pa nga ako na napapalingon sa kaniya. Kapag may ginawa ang mga babaeng iyon ay alam kong mapapansin niya ang mga ito. Paano naman ako na bata lang? Ano ‘to? Hanggang bata na lang ako lagi sa paningin niya?

“You’re so grumpy. Hindi talaga kita mabasa kahit anong gawin ko. Nakakatakot ka masiyado,” he muttered as he chewed on his bottom lip. Nagpakawala siya nang buntong-hininga, at nag-iwas na ng tingin bago ako tinalikuran.

Azlan's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon