Chapter Thirty Two

166 9 3
                                        

Haven

If there is one thing that you wanted to last, what would it be? And why?

“Stop! You jerk! Basang-basa na ako! Ano ba?!” Napailing-iling na lang ako habang nakatanaw sa galit na mukha ng pinsan kong babae. Hindi ko talaga alam kung saan siya ipinaglihi, at ganito na lamang siya makasigaw at magalit. Pero sa totoo lang ay wala kaming ipinagkaibang dalawa. Montreal’s are sweet like a kitten but also dangerous like a mad lion.

“Señorita, saan ko ho ilalagay itong mga tsokolate?”

“Doon na lang po, manang!” Napalingon ako sa bandang kanan ko, at nasilayan ang nakangiting mukha ni AC. Nanalo ito kanina dahil sumang-ayon na rin lang ako kaya walang nagawa si Lez. Ayaw ko namang mabulok si AC sa kuwarto niya, at kahit nagseselos ako ay hindi ko siya basta-basta na lang na bibitawan. She’s a friend after all.

Friendship is the last thing that I wanted to last. Kasi sa punto ng buhay kong ito ay pagkakaibigan na lamang ang kulang sa akin. I have my family, and I already know it would last. Alam kong hindi nila ako iiwan. Magbago man ang ikot ng mundo, o ang estado namin sa buhay ay alam kong nandiyaan pa rin sila para sa akin. Hindi nila ako pababayaan.

While friendship, I know that reality is a bitch, but friendship doesn’t last that longer. That’s the wholesome truth. May kaniya-kaniyang buhay ang isa sa inyo, at may sarili ring pamilya. Kahit sabihin na nating may ways naman para sa communication ay hindi pa rin iyon sapat. Magkakalayo at magkakalayo kayo hanggang sa hindi niyo namalayan ang oras, at ang dahan-dahan n’yong pagkalimot sa samahan ng nakaraan.

S’werte na nga lang ata iyong umaabot ng ten years or more than that ang friendship. A friendship that last longer is rare. Para kang naghahanap ng isang diyamante sa kuwebang puro naman bato.

“Hindi ka ba maliligo?” the guy beside me asked. Ibinigay ko naman ang atensyon ko sa kaniya. Kunot noong pinagbubunot ni Canix ang mga bermuda. Namumula ang pisngi nito dahil sa sikat ng araw, at ngayon ko lang napansin na kulay abo pala ang mata niya. I thought that it was black. Ibinalik din naman nito ang tingin sa damo.

“Eh ikaw? Balak mo bang mag-apply bilang hardinero? Mauubos mo na iyan oh.” Ininguso ko pa ang bermuda kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Si Xian ay nasa tabi ni AC at ayaw itong lubayan habang si Nicho at Lez ay nasa swimming pool. Nahila kasi ni Nicho si Lez kanina kaya basang-basa na ang babae, at mas lalo niya pa itong ininis. And the hukluban is also in the swimming pool. Hindi ito naliligo at tila nakabantay lang. Para siyang guard sa lagay niya.

“Sinasamahan lang kita rito. At hindi ako p‘wedeng mag-hardinero,”  inosente nitong sagot. Ilang oras na rin kaming nakaupo lang dahil ayaw ko namang maligo. May dala naman akong damit pero siguro ay mamaya na ako lulusong.

Ang raming gumugulo sa isipan ko, at mas nababahala pa ata ako rito kaysa sa ibang bagay. Ramdam ko ang tusok-tusok na sakit sa puso ko. It’s normal, pero sa totoo lang ay hindi. Ganito rin ang sakit na naramdaman ko noon noong magising ako mula sa hospital pero nawala rin naman, kaya hindi na rin ako natatakot masyado rito sa nararamdaman ko. Mawawala rin naman ito mamaya-maya.

“Let’s join them. I’m already bored staring at nothing,” I muttered, at kahit hindi nagsasalita si Canix ay alam kong sumasang-ayon siya dahil nang tumayo ako ay ganoon na rin ang ginawa niya.

“Shia, Canix!” Lez waved her hand at us when she saw us both approaching them.

Sanay naman akong manahimik lang pero hindi ang guluhin ng kung ano-anong bagay. I have to calm my mind. Pagkarating namin sa pool ay agad akong lumusong. It was a good thing that I know how to swim, kaya hindi ako agad nagdalawang isip na palubugin na lang ang sarili. Hindi ko na sila pinansin nang tawagin nila ako, at hindi ko na rin naman sila maririnig dahil nasa ilalim na ako. Hanggang seventh feet ang buong pool kaya hinayaan ko ang sariling maglaro roon.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon