Exchange
“Shh. She’s fine. Malakas si AC, okay?” Kahit anong sabihin nila ay hindi ako makampante lalo na si Lezzana na kanina pa pabalik-balik sa paglalakad niya. She’s trying to calm herself and so am I. Sobrang napakabilis nang pangyayari. Pagkatapos nang sigawan at panic namin doon ay hindi na nagdalawang isip pa si Xian na buhatin ang babae.
We were all damn worried. Ang putla-putla ni AC at parang mauubusan na ng dugo. Ang sabi niya ay okay lang siya pero bakit nagkaganon?
Lahat kami ay napalingon sa pintuan ng clinic nang lumabas doon ang doktora ng school. She smiled at us, pero ni isa ay walang nakaganti.
“She’s fine. Just too much fatigue. I recommend for you all to take of her and remind her to sleep properly. Bawal siyang magpuyat at kailangan niya ring kumain sa tamang oras. Masyadong nanghina ang kaibigan niyo kaya nawalan ng malay.” Sa sinabi niyang iyon ay sabay-sabay kaming nagpakawala ng buntong-hininga dahil nakahinga na rin kami nang magaan sa wakas.
“Here. Excuse letter niya iyan para bukas, siguro ay kailangan niya munang umabsent at magpahinga. Excuse me.” Ngumiti ito ulit at sa pagkakataon na ‘to ay nabigyan ko na siya ng tipid na ngiti.
“Sabi ko na nga ba at mahihimatay ang isang iyon e! I shouldn’t have let her play!” Nasabunutan ni Xian ang sarili. Isa-isa naming pinasok ang kuwarto na kinalalagyan ni AC. Sa loob n’on ay may apat na kama at sa isang kama ay roon siya nakahiga. Siya lamang mag-isa ang nasa loob at sobrang himbing nang tulog niya.
“She could have killed herself. What is she thinking?” I noticed how my cousin’s lips quivered. Agad siyang lumapit sa pwesto ng kaibigan namin at hinawakan ang kamay nito. Ako naman ay sa kabilang pwesto naglagi. Inayos ko ang humarang na buhok sa mukha nito at inilagay sa gilid niya. Banayad ang bawat paghinga nito at halata talagang pagod siya.
“Dapat ay ako na lang ang gumawa ng portfolio niya. Paano kung may nangyari sa kaniya na masama? Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkataon,” Lezzana muttered, puno nang pagsisisi ang mukha niya. Lahat ata kami ay sinisisi ang sarili namin. Bakit kasi hindi namin siya pinagtuonan ng pansin? Kung ibinigay lang namin sa kaniya ang buo naming atensyon ay mapapansin namin na may mali na sa bawat galaw niya lalo na sa nangyayari sa kaniya.
“Mag-a-absent ako bukas. Sasamahan ko siya sakanila.” Gulat na napalingon ang mga lalaki kay Lez pero alam kong buo na ang desisyon niya, at kahit ako ay hindi kayang hayaan na lang si AC. Gusto ko rin siyang alagaan.
“Sasama ako,” sabi ko rin na ikinailing na lang ng mga lalaki.
“We are all coming,” I smiled at Nicho’s replied. Alam ko na sa aming lahat ay nag-alala rin siya ng sobra. He acts like our father, siya ang tumatayong taga-bawal namin at hindi niya rin talaga kami pinapabayaan. We all waited for AC to wake up, dumating na rin ang parents niya na sobra ring nag-aalala. Nang magising ang kaibigan namin ay agad siyang inuwi ng parents niya. I don’t even know why but Xian come with them. Parang kilala niya rin ang mga ito dahil siya agad ang kinausap ng mga parents ni AC.
***
Kagaya nang napag-planuhan ay aabsent kaming lahat kaya sa sumunod na araw ay agad akong nagpaalam kina Mommy. I didn’t noticed his presence dahil hindi rin naman siya ang naghatid sa akin kahapon. Nalaman kong tinambakan siya masyado ng mga trabaho niya kaya kahapon ay si Yaya Milan ang kumuha sa akin.
“Mag-ingat ka roon baby, okay? Huwag mong kalilimutan ang mga gamot mo. Huwag pagurin ang sarili,” paalala ni Mommy na agad kong tinanguan. Si Daddy ang maghahatid sa akin sa bahay nina AC, alam ko naman ang address dahil ibinigay iyon sa amin ni Xian. Gusto ko sana ay siya ang maghatid sa akin pero masyadong malabo dahil alam kong pagod ito at kailangan pang pumasok sa school.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
De TodoA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...