Effortlessly
“Hey, sleepyhead wake up...” Kumunot ang noo ko kasabay nang pagtapik ng kung sino sa noo ko. Sa ginawa niyang iyon ay alam ko na agad kung sino ito. Iisang tao lang naman ang nantatapik ng noo kapag nanggigising.
“Five more minutes, Azlan...” I trailed off. Humikab ako, at tumagilid. Hindi ko na ito narinig pang nagsalita kaya payapa na naman akong nakatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, pero napabalikwas na lamang ako nang magising sa isang kuwarto na puro mga kahoy ang dingding. Pero kahit ganoon ay hindi na-a-out of place ang kamang kinahihigaan ko rito. The room looks vintage, and old.
Inalala ko ang nangyari kanina habang nasa byahe kami papuntang Agape Beach. Sa sobrang walang magawa ay kinain ako nang kaantokan ko. Hindi rin naman kasi talaga ako nakatulog agad kagabi dahil sa katotohanan na hindi ko makakasama ang mga kaibigan ko sa araw na ‘to. I remembered being woke up by Mr. Azlan hanggang sa nakatulog ulit ako.
Mag-iisip pa sana ako ng ibang bagay na nangyari kanina nang makarinig ako nang tawanan sa labas ng cottage. I can hear my Mom’s laughter that made me at peace.
Imbis na mag-isip pa ay bumaba na lang ako sa kama. Napansin kong makaluma talaga ang mga bagay na nandito sa loob. May lampara pang nakasabit sa isang gilid pero imbis apoy ay may nakita akong bulb sa loob n’on. Everything that was in here are vintage, and very beautiful. Ngayon pa lang ay naiisip ko na ang buhay ng mga tao noon, siguro ang ganda noong unang panahon ‘no? Erase the part wherein we are conquered by different countries.
Iyong panahon na walang polusyon. Mga taong hindi nanghihila pababa. At iyong payapa lang. Walang gulo, walang gyera, walang chismisan. Iyong pagtutulungan lang.
Pagkalabas ko sa kuwarto ay bumungad sa akin ang sala. Maliit lang din ito, at may isang mesa na gawa sa kawayan sa gitna, at may apat na upuan din. Gawa rin iyon sa kawayan na mas lalong nakapag-patingkad sa ganda nitong cottage. The roof was made of nipa too when I looked up. Nang ilibot ko ang paningin ko ay tatlong kuwarto lamang ang narito, at may isang bintana rin akong nakita. Iyong makalumang bintana na hindi gawa sa glass. Hindi ko alam kung paano siya ide-describe pero iyon ‘yong makalumang bintana ng mga Pilipino noong unang panahon. Iyong may ilalagay ka lang na kahoy para itayo, at bumukas. Sa gabi naman ay kukunin na iyong kahoy para sumirado. This place feels, and looks heaven!
Nang lumabas na ako sa cottage ay bumungad sa akin sina Mommy, at Daddy na naghahabulan. No one would thought that this two was once just a stranger with no feelings for each other before they fell in love.
“Baby!” Ngumiti ako, at kumaway kay Mommy. They stop being sweet, and walk towards me. Napansin kong sobrang aliwalas ng paligid. Hindi ko nakikita ang minsang nababasa ko sa libro. This place really is inspired by nineties century. Imbis hotel, o bahay ang makita ko para pag-stay-an ng mga tao ay cottages, at bahay kubo ang narito. May napansin pa akong mga torch sa bawat gilid ng mga cottages, at bahay kubo.
“Did you love the place?” tanong nito agad sa akin nang makalapit. Isang tipid na ngiti ang napakawalan ko bago tumango. The place looks amazing. Puwede na nga ata akong tumira rito.
“I knew it!” Napaatras ako ng itaas ni Mommy ang kamay niya sa sobrang tuwa. She reminds me of someone that I immediately took off from my system.
“You didn’t wake me up earlier, Mom. Nakita ko sana ang buong resort kaysa ang matulog lang,” I uttered.
“Tulog na tulog ka kaya. Ginising ka ni Azlan kanina pero ayaw mong magising, sabi mo pa nga ay five minutes more pa e himbing na himbing ka na sa pagtulog mo. Binuhat ka na lang ni Azlan kaysa iwanan roon sa van.” She shrugged her shoulders off. Nakalapit na rin agad sa amin si Daddy na pinulupot agad ang braso niya sa bewang ni Mommy. A love fairytale it is. They are forgiven by Him, and was blessed despite what happened to me. Naniniwala rin naman ako na may rason ang lahat ng bagay kaya ito nangyayari. Hindi Niya ako bibigyan nang problemang hindi ko kayang ipanalo.
“Nasaan sila Paolo, Mommy?” tanong ko nang mapansin na kami lang ang narito, at wala ang iba. Kahit si hukluban ay wala rito. Nasaan sila?
“Namangka sila.” Sa sagot niya sa akin ay napatanga ako. Namangka? Seriously?
At nang tignan ko ang dagat na ilang dipa lang naman ang layo sa amin ay napakurap-kurap ako. Hindi ko napansin ang ganda nito kanina dahil na kina Mommy, at Daddy ang tingin ko, pero ngayong napansin ko na ito ay parang gusto kong manatili na lang doon. The ocean was so calm, parang may mga glitters sa ibabaw nito dahil sa pagkinang. At kahit nandito pa ako sa kinatatayuan ko ay alam kong sobrang linaw ng dagat.
At ang mas lalong ikinamangha ko ay ang mga taong namamangka roon. Imbis speedboat, o mga yate ay bangka ang inilalayag nila sa dagat. The beauty of this beach resort is unbeatable!
Dahil sa sinabi ni Mommy ay inaya ko ang mga ito kung nasaan sila Paolo. Ang ngiti sa labi ko ay lumawak dahil mamangka kami, at makikita pa ang magandang dagat. Nag-rent sina Daddy ng bangka para sa amin. Puwede namin iyong gamitin hanggang sa huling araw namin dito. Ang affordable pa ng renta dahil fifty pesos lang ang isang buong araw kaya four hundred lang din ang nabayaran namin para sa apat na araw na pag-rent. Siguro kapag lumaki na ako, at may trabaho na ay babalik ako sa lugar na ito. Ito ang magiging safe haven ko mula sa isang toxic na araw.
“Hindi ka naman marunong Mommy e!” angal ko nang mapansin na hindi gumagalaw ang bangka namin sa kada pag-sagwan niya. Si Daddy ay natawa, at inagaw na sa nakasimangot na asawa ang sagwan. We started moving, and I was already clapping my hands happily. Kapag si Mommy ang pinagsagwan namin ay sigurong mananatili lang kami sa pwesto namin kanina hanggang mamayang gabi.
Pahapon na rin kasi. Ang tagal ko pa lang natulog kanina. At ang layo pala nitong resort dahil naabutan pa kami ng lunch bago nakarating, at ngayon ko lang din naalala na hindi pa ako kumakain ng lunch.
Wala sa oras na nasapo ko ang tyan nang tumunog iyon. Mommy chuckled when she noticed that.
Noong gabing natulog siya sa tabi ko ay sinabi ko sa kaniya ang totoo. Na hindi ko na makakasama pa sa birthday ko ang mga kaibigan ko. It was the first time I cried silently in her arms because of a friend. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na ipinakita ko sa kaniya ang pagiging mahina ko. But I remember what she told me that time. It never leaves my mind.
“God has plan for you, baby. May mga tao talagang dumadating sa buhay natin na kailangang umalis, pero hindi ibig sabihin na umalis sila ay magiging malungkot ka na lang. Palagi mong tatandaan na may umalis man, pero may darating din na bago.”
At tama siya. May umaalis, pero hindi ibig sabihin na sarado na ang pinto at wala nang puwedeng pumasok pa roon.
“Gutom ka na?” tanong niya sa akin.
“Ate!” Hindi pa man ako tumatango ay umalingaw-ngaw na ang boses na iyon. Sa paglingon ko sa kanan ko ay agad kong nakita ang kapatid na kumakaway sa akin. Kasama niya si Yaya Milan sa bangka na agaran ding ngumiti sa akin. Akmang kakawayan ko sila nang makita ko ang nakasunod na bangka sa likod nila.
I should be smiling because I saw him, but not when he’s laughing with Ate Yna. Alam kong wala namang kami, pero hindi iyon rason para hindi ako magselos. Hinding-hindi iyon magiging rason para mapigilan ko ang sariling magselos.
Una ay iyong si Teacher Rin tapos ito na naman. Masaya na nga ako kasi tanggal na siya sa trabaho niya roon sa school dahil bumalik na naman ang dati naming guro, pero natutuwa ata ang mundo na makita ang gusot kong mukha. I know he’s much older than me, siguro ay nasa twenties na siya, at hindi ko na naman mapigilang manliit sa sarili ko dahil twenty seven na si Ate Yna. Hindi naman hadlang ang edad nila sa isa’t isa kahit na mas matanda sa kaniya si Ate Yna ng tatlong taon. Hindi magiging mahirap para sakanila ang magustuhan ang isa’t isa.
Sa huli ay tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kapatid ko bago hinarap si Mommy.
“I’m hungry. Let’s go back na po.” Hindi naman nagtaka ang mga ito. At nagpapasalamat na lang ata ako na hindi ako palangiting tao, o palatawa dahil hindi nila napansin ang biglaang pagbabago ng mood ko.
Naipikit ko na lamang ang mga mata ko kasabay nang pagpapakawala ko nang buntong-hininga. Kung sa math ito ay magiging isang syntax error kaming dalawa.
Ngayon ay siguradong sigurado na ako na hindi lang ito isang paghanga. This means danger. That guy caught me in a trap, effortlessly.
__
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
RandomA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...