Kuya
“Ayshia? Dito ka lang ba sa classroom?” nagtatakang tanong ni Lez sa akin nang mapansin ang hindi ko paggalaw sa kinauupuan ko. Tanging tango ang isinagot ko sa kaniya. Nawalan na ata ako ng enerheya. Pati ata sarili kong kaluluwa ay tinakasan na ako.
Gusto ko na lang na umiyak ulit. Gusto kong mapag-isa. I just want to be with myself. Baka kapag kinausap ko ang sarili ko ay matatauhan na ako. Baka kapag pinilit ko ay magagawa ko. Fake it until you make it, right?
“Samahan na lang kita rito--”
“No. I can handle myself. Susunod din ako mamaya-maya,” walang buhay kong putol sa ano pa mang sasabihin niya. Alam kong pansin nila ang pagbabago ko, at ang biglaan kong pagtamlay pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Ni hindi ko kayang pekein ang nararamdaman ko.
Tuluyan na ngang umalis silang Lez pero nakatulala pa rin ako. Nakailang buntong-hininga na ako hanggang sa napagpasyahan kong umuwi na lang. Wala akong maisasagot sa answer sheet ko mamaya kong magpapatuloy ang nararamdaman kong ito. Sana lang ay wala siya sa bahay. Sana lang ay hindi ko siya makita kahit ang anino niya lang, dahil paniguradong hindi na ako makikilala ng kahit sino sa susunod pang mga araw.
But the world loves seeing me unhappy. The world is cruel.
“Stop laughing, Azlan! Wala namang nakakatawa! You are so annoying!” Pinalo ni Ate Yna ang braso nito habang natatawa na rin. Hindi nila napansin ang tahimik kong pagpasok, at mas lalong hindi nila narinig ang pagkabasag ng puso ko.
Nakakatuwa ba talaga? Noong una ay si AC. She left us and until now, the scar she left is still visible. Tapos ngayon ay ito na naman. Kung hindi ko ba nalaman na pinsan ko siya ay may magbabago ba? O mananatiling clanger ang lahat ng nais ko para sa aming dalawa?
I left the house without any word. Ayon na naman ang mga luha ko na walang ginawa kung hindi ang tumulo! Para pang nakikiramay ang langit sa akin dahil sa biglaan nitong pagdilim.
“Oh shit! Okay ka lang?” Bago pa man ako tuluyang humalik sa lupa dahil sa lakas ng impact nang pagkakabangga sa akin ay may humawak na sa magkabila kong balikat. Agad-agad kong itinulak ang lalaki papalayo.
“Woah... hey, I’m up to good things, a’right?” Nang iangat ko ang tingin dito ay napansin ko agad ang pagkasingkit niya. He raised his hands in the air while chuckling. Hindi ako nagsalita at akmang tatalikuran na siya nang biglaan niyang inabot sa akin ang isang panyo.
“Basa ang pisngi mo.” He pointed his own cheek. Padabog ko namang kinuha ang panyo bago siya tinalikuran na talaga. Inis kong pinunasan ang pisngi ko. Why am I crying anyway? Hindi rin naman talaga magiging akin ang isang iyon! I’m really stupid for thinking of him as my boyfriend, and a husband, really?
“Why aren’t you stopping, huh? Stop crying for that jerk! He is not worth our tears!” I stopped from walking. Sumisikip na naman ang dibdib ko, at alam kong may mangyayaring masama kapag nagpatuloy ako sa pag-iyak. I have to stop...
Stop...
I think God heard me ‘cause I suddenly felt someone hugging me. Hindi pamilyar sa akin ang pabango nito pero nakaramdam ako nang kapayapaan. Pakiramdam ko kasi ay may karamay ako sa kabila nang pagkakamali ko. My tears stop.
“I know that I looked stupid, suddenly hugging you but I just can’t let a woman cry. Huwag mo nang iyakan ang kung sino mang stupidong iyan. Hindi siya nababagay sa isang napakagandang dilag na tulad mo.” Nanatili kaming dalawa sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan na talaga akong kumalma mula sa nararamdaman ko.
My mind is still haywire when I glance at the person who hugged me. Nakita ko ang lalaking nagbigay rin sa akin ng panyo kanina.
“Ah. My name is Kian.” He extended his hand. I accepted it before smiling a bit.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
DiversosA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...