Escape
Nasanay tayo na pagkatapos ng isang bagyo ay kakalma na ang panahon. Na pagkatapos ng isang alon ay mananatili ng kalmado ang karagatan. Pero nakalimutan natin na ang problema sa buhay ay hindi isang alon, o bagyo. Nakalimutan natin na magkaiba ang mga ito kahit may pagkakatulad sila.
Ang problema ay mananatiling isang problema, at hindi kailan man magiging isang alon, o bagyo.
“A-AC...” Napalunok ako habang nakatingin sa pinsan ko na umiiyak. She’s holding AC’s shirt to stop her from walking any farther. It was all for one, right? We promised to be with each other’s side until we reach adultism, or even when we get old. Pero bakit ganito?
Bakit ngayon ay nakatingin na lang ako sa likod ng kaibigan ko?
“B-Bakit ka aalis? Iiwan mo kami?” pigil ang hagulhol na tanong ni Lezzana sa kaniya. Masaya pa naman kami noong isang araw. Binisita pa nga namin siya kahapon dahil namimiss niya raw kami. Naligo pa nga kami sa swimming pool nila. Nag-kantahan pa nga kami kahit pumipiyok na kaming lahat.
“Magma-migrate kami nina Mommy. We’re leaving the country.” I can’t recognize her voice. It was cold and lifeless. The sun that I used to admire became blue of all of the sudden. Bakit ang bilis niyang magbago? Bakit ang dali lang para sa kaniya ang tumalikod at iwanan kami? Are we not worth it? Hindi ba kami puwedeng maging rason para manatili siya?
“P-Pero... mag-kaibigan pa rin naman tayo ‘di ba? We'll communicate, ‘di ba?” I stared at my cousin’s back. She seems desperate, and so hurt.
Kasi nakaplano na dapat ang lahat. Papasok kaming lahat ngayon at sisimulan na naman ang panibagong araw nang magkakasama, pero iba ang bumungad sa amin.
“Uy, Shia!” One of my classmates called me. Kararating ko lang at kasunod ko rin si Lez na agad tumaas ang kilay sa babae. She seems oblivious about that though.
“Aalis ba si AC? Nakita ko siya kanina sa principal office nang dumaan ako. Kasama niya ang parents niya, at kinukuha nila ang records niya rito sa school. Magma-migrate raw sila? Totoo ba? Paano ang pag-aaral niya? Iiwan niya kayo rito?” Kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa kaba bago ako napalingon kay Lezzana na gulat na gulat dahil sa narinig.
“Lez?” I asked her, but her forehead only knotted in confusion. Sa pagkakaalam namin ay ngayon papasok si AC, at magkakasama na ulit kami. Sapat na rin naman daw ang dalawang araw para sa pagpapahinga niya. At baka raw tambakan siya ng mga guro namin kaya ayaw niyang umabsent ng matagal.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
RandomA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...
