Shut Up
“Ya! Ako riyan sa tabi ni Shia!” sigaw na agad ni AC ng akmang uupo si Canix sa tabi ko. Pagkatapos umalis ni Mr. Azlan kanina ay nag-practice ulit kaming lahat bago tuluyang nagbihis na ng pamalit para hindi matuyuan ng pawis. Hindi na kami bumalik pa sa classroom at dumiretso agad dito sa cafeteria lalo na dahil gutom na kaming lahat dahil sa pagod lalo na ako. Nakakapagod magsalita kung hindi ka naman sanay ibuka ang bibig mo.
But it was worth it anyway.
“Luh? Hoy, diyan na si Canix. Ito naman lagi ang arrangement natin, ah?” angal sa kaniya ni Xian.
“Tsk! Ayaw kasi kitang katabi, nakakawalang gana sa pagkain...” pasaring naman ni AC sa lalaki na ngayon ay salubong na ang kilay.
Hindi ko na pinansin ang mga ito at nag-iwas na lang nang tingin. Matatapos din naman ang mga iyan sa pag-aaway nilang dalawa mamaya-maya rin. Si Lezzana at Nicho ay umalis na para mag-order. Ang masaya lang ata rito sa Camero ay may sarili kaming mga waiter at waitress kaya hindi na namin kailangang mag-abala pang buhatin ang tray namin. Minsan din kapag hindi kami tinatamad ay kaniya-kaniya kaming order lahat at buhat ng tray namin.
Sa pagkakaalam ko ay tatlo ang kilalang University rito. Ang Sanford, Camero at Elite. Ang Sanford ay para sa mga mayayaman din naman tulad ng Camero at ang ipinagkaiba lang ata ay ang mga ugali ng estudyante dahil maraming bullies doon. Sa Elite ay mga mayayaman na artista o modelo, may mga bilyonaryo rin doon. Gusto ko sana sa Sanford ako noong una kasi maganda ang mga facilities kaso nang malaman kong may mga bullies ay umatras na ako. Hindi ko ata kakayanin ang ganoon. Kung wala lang akong sakit sa puso ay hindi ako aatras. Too bad because I have.
“Uy! Truth or dare tayo!” Nagbalik ako sa sariling diwa dahil sa sigaw ni AC. Remind me to duck tape her mouth next time. Bored kong ginamit ang kamay ko bilang suporta sa baba ko.
“Truth or dare? Pambata iyon, ah?” Gumusot ang mukha ni Xian na ikinairap sa kaniya ni AC. Humarap ito sa lalaki at nag-make face. Para talagang mga bata.
“Duh? Puwede namang hindi pambata ang itanong mo o i-dare! Nasa sa iyo naman iyon. OA ka lang talaga, hmp! Takot ka lang i-dare e. Takot ka, ano?” pang-aasar pa ni AC sa kaniya dahilan para mas lalong masira ang gusot ng mukha niya.
Boys and their egos.
“Ako? Takot? Bakit naman ako matatakot? Anong katatakutan ko? Sige, truth or dare tayo. Walang atrasan, ha?” Ngumisi pa ito at itinaas ang sleeves ng magkabila niyang braso na parang susulong sa isang gyera. Tuloy ay napangiwi ako bago nilingon si Canix. Ang mga kamay nito ay naglalaro sa pula niyang buhok. Gawain na niya ata ang ganoon.
“Gutom ka na?” tanong niya sa akin nang mapansin na sa kaniya na ako nakatingin. Ngumiwi ako at tumango. Napagod din talaga ako kanina kahit mabilis lang naman iyong dula at puro salita lang kami maliban sa konting galaw. Para sa isang masakitin na hindi sanay ay talagang ganito ang mangyayari.
“Do you want me to buy you something? Biscuits--”
“Here’s your food.” Naputol ang sasabihin pa ni Canix dahil sa sumingit. Towering us, Mr. Azlan looks dominating. Dumagdag pa ang seryoso nitong ekspresyon na parang susulong sa isang laban na alam niyang siya ang mananalo.
“Kuya Azlan! Oh? Andiyan na pala ang pagkain mo, Shia. Si kuya kasi ang nag-order ng pagkain mo.” Ngumiti si Lez, kasunod nito si Nicho at ang isang waitress na may hawak na tray. Agad pang tumaas ang kilay ko nang mapatingin ito sa lalaking nasa likod ko.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
De TodoA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...
