Finally! Nabawasan din katamaran ko haha. Votes and comments are highly appreciated.
____
Maid
“Ayshia?” Naitakip ko sa pagmumukha ko ang kumot na hawak nang marinig ko ang boses ni Yaya Milan. Siguro ay nautusan na naman dahil hindi pa ako bumabangon. I hate waking up early in the morning. What do they expect?
“Shia...” Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas niya sa pintuan ng kuwarto ko. I held into my pillow tightly.
“Ayshia Peony Montreal. Wake up now, little girl. Male-late ka na sa klase mo,” she said. I can sense frustrations in her voice yet I didn’t mind. Matigas naman talaga ang ulo ko lalo na at may kinalaman ito sa pagpasok ko sa school. I miss being a kid, just playing around and bullying my yaya’s if ever they are hiring a new one but, here I am now and already seventeen years old. Yet still, nothing particularly change about me. Medyo bumait lang ako ng konti.
“I’m sleeping, Yaya Milan,” I said, snoring a bit to prove my point but she just laugh at me for my lame excuse.
“E bakit ka nagsasalita?” aniya. Naramdaman ko ang pag-uga ng kama dahil sa pag-upo niya pero nagpanggap pa rin akong tulog para panindigan ang sinabi kong ‘I’m sleeping, Yaya Milan.’
“That’s what we called sleep talking, yaya.” Napanguso ako bago napangiwi dahil sobrang tanga nga naman talaga nang palusot ko.
“Bumangon ka na, Ayshia. Male-late ka na sa school. Hindi ba may new year resolution ka last year? Ano nga iyon?” sa sinabi niyang iyon ay nakasimangot kong tinanggal ang kumot sa pagmumukha ko bago naupo sa kama.
“You know, yaya? I hate having my new year resolution now.” But I have to anyway. It’s the less I could do for myself.
“Maligo ka na at magbihis. Your Mom’s waiting downstairs. Andito rin ang Daddy mo,” aniya. Sa sinabi nito ay nanlaki ang mga mata ko bago napabalikwas na talaga sa pagbangon habang nakangiti nang malawak.
“Kalma, Shia. Ang puso mo...” It should be just a normal reminder yet it brought strong impact to me. Nawala ang ngiti sa mga labi ko bago tipid na ngumisi kay Yaya Milan. Why do they have to remind me that anyway?
Nang magpaalam si yaya na pupunta na sa baba ay tahimik lang akong tumango. Right, too much emotion will kill me. Is it my fault though? Kasalanan ko bang ganito ako?
Napangisi na lang ako bago tinapik ang parte ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko.
“Calm down, heart...” I whispered.
Pagkatapos kong maligo ay agad kong hinanap sa cabinet ko ang uniform sa bago kong school. I am now in my eleventh grade. Dapat daw talaga ay grade twelve na ako ngayon pero ang sabi nila mommy ay may nangyaring masama sa akin noon, pero kahit ganoon ay wala talaga akong maalala na kahit ano. Tanging sakit sa ulo ang idinudulot nito sa akin kapag pinipilit kong alalahanin kung may nangyari ba noon.
I wore my uniform and school shoes. I tied my hair in a high ponytail. Sinadya ko iyon para magmukha akong masungit. My Yaya Milan said that it looks fine, so I just let it until it became my new normal.
Pagkababa ko sa sala ay nakita kong naka-on ang TV namin. My brother, Paolo, is sitting comfortably in the sofa. Siya ang bunso sa aming dalawa at ang huling naging anak nina Mommy.
“Ate!” he exclaimed when he saw me. Tanging tipid na ngiti ang iginawad ko sa kaniya bago marahang tumango.
“My baby!” Hindi ko pinahalatang nagulat ako at ngiti lang din ang naigawad ko kay Mommy. She tied her hair in a messy bun. Nakangiti ito nang malawak. Her outfit for today is a simple white V-neck shirt and a boyfriend jeans. May suot din siyang apron kaya hula ko ay siya ang nagluto nang breakfast namin ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
RandomA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...