Morning, my navy! Leave your opinion about this chapter. Looking forward to it hihi! Love you, mwa!
-admiral rosas.
___
Exorcism
Napuno nang palakpakan ang buong cafeteria pagkatapos nitong kumanta pero ako ay nanatiling tulala sa mukha nito. At kung hindi lang siguro ako masyadong nadala sa emosyon na nararamdaman ko ngayon ay isa na rin ako sa mga pumapalakpak sa kaniya. Pero ano nga bang emosyon ang nararamdaman ko?
Napaiwas ako nang tingin nang lumingon siya sa gawi ko. Hindi ko alam kung maganda ba itong nararamdaman ko ngayon o nakakasama. Pero bakit ang lakas nang tibok ng puso ko? Bakit ganito ito kapag siya lagi ang nasa paligid ko?
“Ang ganda ng boses mo, Sir Azlan!”
“Puwede ka nang ipambato, sir!”
“Guro naman iyan! Bigyan ng jacket iyan!”
Lahat ay tuwang-tuwa, at ganoon din naman ako pero kinakabahan ako sa nararamdaman ko. It’s like a cautionary for me not to take a step anymore. Na kung ipagpapatuloy ko pa ito ay manganganib na ako nang tuluyan. Pero ano ba kasi ito? Bakit ganito? Bakit parang may dragon sa tyan ko na nagwawala? Bakit naiinis ako sa lahat ng tao kahit hindi dapat? Bakit pagdating sa kaniya ay ibang-iba ako?
Wala sa sariling napatayo ako dahil sa inis. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko mawari-wari kung ano nga bang nararamdaman ko para sa kaniya. Inis lang naman dapat, hindi ba? Hindi ba ay galit lang naman ang nararamdaman ko sa kaniya? O tuluyan ko na siyang hinahangaan na dapat ay hindi mangyari?
“Shia?” Takang napatingin sa akin ang lahat. Tila natauhan naman ako dahil doon. I faked a smile and held the strap of my cross body bag tightly.
“A-Ano, puwedeng mauna na ako? Ang rami na kasing tao...” I trailed off. Lumunok ako.
“Ayan, sir. Kumanta ka pa edi naka-attract tayo ng maraming tao.” Tumawa si AC.
“Sasamahan ko na siya.” Tumayo na rin si Canix na ikinahinga ko nang maluwag. Nagpaalam kami sa lahat at kahit ayaw ko nang tignan pa ulit si Mr. Azlan ay napilitan na ako. He was looking at me seriously when I bid my goodbye that made my system tangled.
“Okay ka lang ba? Nahirapan kang huminga?” kaswal na tanong nang kasama ko. Tahimik akong umiling bilang sagot. I think it would be too funny if I will admit to him what I really feel right now. Ang taong ayaw na ayaw ko noon ay palihim kong hinahangaan. Who wouldn’t anyway? Makisig siya, talentado, matalino at gwapo. Kahit sino ay hahanga sa kaniya kahit pa mahilig siyang mang-inis.
“Gusto mo ba talagang sa classroom tayo?” masuyo niyang tanong ulit. That made me think twice. Ayaw ko naman talagang bumalik agad sa classroom. Paniguradong wala pang tao roon at kami lang dalawa.
“May maisa-suggest ka?” Agad siyang tumango sa akin dahilan para mahina akong matawa. Lumiko kami sa ibang pasilyo at tinahak ang isang hindi pamilyar na daan sa akin.
“Alam mo lahat ng pasikot-sikot dito?” kuryuso kong tanong sa kaniya nang mapansin na tila alam na alam niya ang pupuntahan namin. Agad siyang umiling sa akin. Ang pulang buhok niya ay sinasayaw ng hangin. Napangiti tuloy ako dahil kung hindi siya lalaki at may maikling buhok ay magmumukha siyang barbie sa ganoon.
“Napadpad lang. Naligaw kasi ako.” Natawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya. “Andito na tayo,” bigkas niya.
Napatingin ako sa harapan namin at napamaang. Kung maganda ang harden sa bahay ay mas lalo naman itong kaharap ko. Hindi ko nga alam na may ganitong kaganda na tanawin dito. It’s beautiful.
BINABASA MO ANG
Azlan's Heart
RandomA story about a girl who fell to something forbidden. __ Ayshia Peony Montreal is a teen age girl who still believe in happy endings despite her condition. She's cold, and aloof towards anyone to stop her emotions that can trigger something bad. No...
