Chapter Thirty Nine

90 8 2
                                    

Perpekto

“Wait!” sigaw ko sa kaniya kasabay ng paghampas sa akin ng alon. Hindi ako magkamaway sa gagawin dahil nakikisabay sa bawat langoy ko ang mga ‘to. Mabuti na lamang at marunong akong lumangoy kaya nang malaman ko na nasa to-do list ni hukluban ang pagsulong sa dagat ay agad akong pumayag.

I was really nervous earlier when he had talk with Mommy and Daddy pero tulad noon kapag siya ang kumakausap sa mga ito ay nakangiti lang sila. Para ngang walang problema sakanila kung sasama ako kay Mr. Azlan. Minsan tuloy ay napapaisip ako kung good sign ba iyon, o bad sign.

“Too slow, miss. Dalian mo naman diyan.” He chuckled cutely that made me blush. Agad akong lumangoy sa takot na mapansin niya ang biglaang pamumula ng pisngi ko. Ramdam ko ang malamig na tubig alat sa katawan ko na binubuhay ang buong sistema ko.  I can’t believe that such day will came.

Hindi ko aakalaing darating ang araw na ‘to. Hindi talaga.

“Huli ka!” Napatili ako kasabay nang pagpisik ko sa kaniya para lubayan ako. Natatawa niya naman akong inilagan habang patuloy pa rin sa pangingiliti sa akin. I don’t want to be near him! Pakiramdam ko ay may malalaman siya tungkol sa akin kapag lumapit siya sa akin nang tuluyan.

“Lumayo ka nga! Hukluban, layo!” Kasabay n’on ay ang walang lakas kong pagtulak sa katawan niya. Mas lalo siyang tumawa sa ginawa ko at sa pagkagulat ko ay binuhat ako nito, at basta-basta lang na itinapon. I coughed so hard because of that. Nakainom pa ata ako ng tubig alat.

Ngayon na talaga ako nagsisisi na hindi buong thermos nang mainit na tubig ang isinaboy ko sa kaniya noon. Pero kunsabagay, baka magalit ang buong kalangitan kapag nasira ko ang mukha ng paborito nilang Adonis. Gawin pang pangit ang mukha ko. Hindi na nga kagusto-gusto ay palalalain pa nila. Ang harsh, tch.

“Bwesit ka talaga! Humanda ka sa akin! Lulunurin kitang matanda ka!” sigaw ko ng ubod nang lakas. Naistorbo pa ata namin iyong ibang lumalangoy dahil napatigil sila, at napalingon sa gawi ko. But I don’t really care. I want to be out of my comfort zone. I wanted to be free even just for this day, with him.

Sa huli ay puro kami tawanan habang nagsasabuyan sa dagat. Hindi na namin namalayan pa ang pagtakbo ng oras habang kasama ang isa’t isa. It was one of the best memories I could ever treasure. Iyon ‘yong klase ng ala-ala na gugustuhin kong mangyari ulit kahit ano pang kahaharapin kong pagsubok. Basta siya ang makakasama ko ulit ay papayag ako. Hinding hindi ako magdadalawang isip na lumaban kung alam ko na siya ang magiging premyo.

“Anong gusto mo?” tanong niya sa akin. Inangat ko naman ang tingin sa menu na hawak, at kumunot na lamang ang noo ko. Inayos ko ang bathrobe na nakayakap sa katawan ko bago kinuha iyong towel na isinampay ko sa upuan, at ibinalot sa buhok ko.

I don’t have any idea about seafood dishes. Hindi naman kasi nagluluto si Yaya Milan ng ganoon sa bahay. Minsan lang din kami kumakain ng seafood, at tanging isda, crabs, at shrimps lang ang alam ko roon. At ngayon na nakatingin ako sa iba’t ibang klase ng seafood dishes ay parang nalululula ako. Siguro ay iyong sa tingin ko ay maganda ang plating at pangalan na lang ang pipiliin ko?

Sa likod ng isipan ko ay tumango-tango na ako para sumang-ayon sa desisyon ng sariling utak. I know that I’m weird, pero wala namang tao na hindi weird.

“Crispy Fish Fillet, Shrimp Scampi with Pasta, and rice of course. And vanilla shake.”  Tumango-tango ako. Sa mga pangalan pa lang ng mga pagkain ay masarap na, at ganoon din ang nasa picture na nakadikit sa menu. Sana nga lang ay magustuhan ko ang mga pinili ko.

I handed the menu to Mr. Azlan, and he called a waiter before mentioning my order and his. Inilibot ko naman ang tingin ko sa restaurant na gawa sa kawayan. Nakaka-attract talaga ang buong lugar. Ang inner at outer designs ng restaurant ay hindi masakit sa mata. Vintage na vintage, at nakakakuha talaga ng atensyon. Mas lalo lang akong inaakit ng buong lugar na rito na lamang manatili. Ang sarap kalimutan ng problema, at magtatago na lang ako sa lugar na ‘to. This place is perfect for an escapade.

“What’s in your mind right now?” Napalingon ako sa kaniya. Sa aming dalawa ay siya itong nakabihis na habang ako ay basang basa pa rin. Gusto ko lang naman maramdaman ang lamig na hatid ng karagatan, at kahit ayaw niya dahil magkakasakit daw ako ay wala pa rin siyang nagawa.

“Bakit ba palagi mo akong tinatanong kung ano ang iniisip ko? I am not thinking of killing someone, alright?” He adorably chuckled because of my response. Napuno na naman ng aliw ang itim na itim niyang mata.

Pakiramdam ko minsan ay clown niya ako, at kailangan niya lang ako para patawanin siya. Pero katanggap-tanggap naman iyon, at least ay kailangan niya ako sa buhay niya. Wala akong magiging rason para layuan siya, at wala rin siyang magiging rason na layuan ako maliban na lang kung may mahanap siyang ibang tao na makakapagpasaya sa kaniya na hindi ko rin naman hahayaang mangyari. Hangga’t nasa puder ko siya ay mananatiling ako lang ang nag-iisang clown ng buhay niya.

“Hindi ko naman sinasabi na may pinapatay ka sa isipan mo. Pero kung ganoon ang iniisip mo ay may hula na agad ako kung sino ang kawawang biktima ng utak mo. It would be me, surely.” Buti at alam niya.

Hindi ako sumagot na naging dahilan para manlaki ang mga mata niya, na halata namang acting lang para gulat na gulat kuno siya. He’s really crazy. Kataka-takang sa kaniya pa ako nagkagusto. Dapat sa isang ‘to ay itaob e.

“You are so brutal, miss.” Umirap ako sa kaniya bago umismid. Itinukod niya ang mga braso sa mesa habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.

“Kung magkaka-boyfriend ka ay alam kong ikaw iyong tipo na kailangang laging sinusunod. Iyong bossy at dominant. Suwerte ka na lang kung makakahanap ka ng tulad ni Tito Peter na maalaga at magpasensya.” Nakikita ko nga ang sarili ko na ganoon. Ayaw ko namang maging alila sa isang relasyon ‘no. We can give and take. Hindi iyong tipong buhos lang ng buhos hanggang sa maubos. That’s a toxic relationship, and it’s not healthy.

“E ikaw? Magiging ganoon ka rin ba?” I can’t stop thinking of him being my man. Anong klase kaya siya na boyfriend?

“I’ll do everything for my girl, miss.” Sapat na ang sagot niyang iyon para mapangiti ako ng tipid. So he’s that kind of man. Perpekto na pala ang isang tulad niya, at ako na lang ang kulang.

I shrugged that thought off in the end. I really wanted to have an on and off button for my thoughts. Masiyado na kasing wild, hindi na nahiya.

___

AN;

Hii, my navies! How are you all? Hihi. Few more chapters at tapos na talaga ‘to. Hindi ko na sasabihin ang exact chapter dahil baka mas lalong humaba ang storya, amp, haha. Na-trauma ako roon sa sinabi kong hanggang 25 chapters lang tapos lumagpas na. At sinabi ko pa na hanggang 40 lang pero chapter 40 na ang next, at hindi pa rin tayo nakakaabot so titigilan ko na ang paglalagay ng taning at ako lang ang napapagod, huhu. Uwahhh, I am so happy! May gift ako sa inyo after nitong book na ‘to haha. Hintay lang kayo (hindi pera ah? kapos nga rin ako e huhu hirap nga akong makapagpagawa ng book cover e kaya hindi pera) basta abangan niyo na lang hihi. I am very glad sa mga bumasa nitong storya ko na kinahiligan ko masyado haha. May sakit man ako ngayon pero hindi ibig sabihin n’on na titigil na ako sa pagsusulat. So be with me till the end, okay? I love you, navy ko! Mwa!

Azlan's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon