Chapter Thirty Five

162 7 1
                                        

Deal

Hindi ko alam kung nasaan na ako. Kanina pa ako naglalakad, and I don’t really mind as long as I’m away from our house just for a while. Alam kong hahanapin ako ng pamilya ko kaya kailangan ko ring bumalik agad. Huminto ako sa isang playground, gabi na ngayon kaya walang tao at tahimik na rito. Nang makakita ako ng swing ay nagpunta ako roon at naupo sa isa sa mga duyan. I sighed, ngayon lang ako nakaramdam nang pagod dahil sa kakalakad ko.

Hindi ako makapaniwala sa lahat nang nalaman ko. Ni hindi ako makapaniwala sa sunod-sunod na isipin ko ngayon.

Ang inaakala kong fairytale love story ay hindi pala ganoon kaganda ang simula. Akala ko kasi ay isang witch lang ang magiging kalaban mo sa isang love story, iyong step mother at step sisters mo lang, o hindi kaya ay isang mangkukulam, pero nagkamali ako. Hanggang kailan ko ba maipapasok sa isipan ko na hindi ito isang gawa-gawa na mundo? Na hindi ibig sabihin na nasa libro ay iyon na rin ang mangyayari sa totoong buhay.

I know despite what happened in the past, that my mother loves me still. Hindi siya magmamakaawa sa Panginoon na bigyan siya ng isang mirakulo na mabuhay ako kung hindi niya naman ako mahal bilang anak niya. Siguro ay nabigla lang ako sa nangyari kanina. It was painful, but bearable enough. Ngayon lang din pumasok sa isipan ko ang warning ng doktora sa akin. Paano na lang kapag nag-break down ako kanina?

I can’t hurt my mother more. Alam kong nasasaktan siya ngayon lalo na at tumakbo ako papalayo. Ni hindi nga ako nakapag-pasalamat sa kaniya. She did her best to take care of me. Nagkamali man siya noong una ay itinama niya pa rin iyon sa huli. My mother will forever be my human hero.

Oh God, thank you for this life.

At nakakatawa na humingi ako sa Kaniya ng pahinga. It was like questioning Him and His plans for me. Parang sinasabi ko na rin na wala akong tiwala sa kaya Niyang gawin sa buhay ko. Nakalimutan ko ata na hindi ako mabubuhay sa mundong ‘to kung hindi Niya ako pinagbigyan.

Nagpakawala na lamang ako nang buntong-hininga habang nakatingala sa kalawakan. Mabuti pa ang mga bituin sa kalangitan, pagkislap lang ang trabaho nila sa mundong ‘to. Pero alam kong nakakalungkot din ang maging isang bituin. Dahil may ibang tao na hindi napapansin ang ganda nito, mas gusto nila ang liwanag na hatid ng buwan lalo na at malaki ito. Pero nakakatawa rin na kapag wala ang buwan ay mga bituin ang hinahanap nila, para na nilang ginawang second option lang ang mga ito.

Masakit kaya ang maging second option lang. Iyong ikaw, siya lang ang pipiliin mo pero gusto ka lang niya kapag wala ang isa. Bakit kaya may ganoong klase ng tao sa mundo? Hindi naman sana nagkulang ang Diyos sakanila pero ibang-iba sila umasta. Iyong hiram na nga lang ang buhay nila pero para silang hari kung mag-request ng kung ano-ano. I don’t like those kind of people, sila iyong mga tao na hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

“Andito ka lang pala.” Napalingon ako sa nagsalita. Kahit madilim sa parteng ito ay kilala ko kung sino siya lalo na dahil sa boses niya. Iniwas ko sa kaniya ang tingin ko, at narinig ko naman ang paghinga nito ng malalim. Gumalaw ang kabilang duyan nang umupo siya roon.

“Malamig na rito. Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya.

“Bakit may mga taong nananakit?” imbis ay tanong ko rin pabalik.

“Maraming rason ang mga taong nananakit, Shia. Ang iba ay dahil sa galit, selos, paninibugho, inggit, at minsan naman ay hindi nila alam na nakakasakit sila. May pananakit na hindi sadya, at nagawa lang nang hindi nila napapansin. May iba namang nananakit dahil kailangan lang nilang gawin para hindi nila masaktan lalo ang mga taong mahal nila.” Gusto ko sanang sumagot pero ayaw bumuka ng bibig ko. Hindi ko na rin naman talaga kailangan ang sagot dahil napatawad ko na rin naman si Mommy. She’s still my mother after all.

Azlan's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon